Tangerine's POV
I finally arrived at the office. Phew~ parang ang busy naman ata ng mga tao dito at hindi nila napansing matagal akong nawala at ngayon lang ulit nakapasok. Well, as if may nagbago naman. As usual, invisible naman ako eh. Pero anong meron at abalang abala sila?
"Uy tangerine! Maghanda kana sa irereport mo at kahapon kapa hinahanap ng bago nating manager." Ani ni Trixia na katrabaho ko din at sa wakas napansin ako.
"Ba-bagong manager? Kailan pa?" Tama ba narinig ko? Bakit bago? Saan pala yung dati naming manager? Secretary niya ako kaya dapat ba akong matakot kung pinalitan yung boss ko? Gosh baka pati ako palitan na din nila.
"Ayan na siya...ayan na siya." They murmured at kanya kanyang balik sa pwesto nila.
Umupo na din ako sa pwesto ko.
"Good morning sir." Narinig kong bati nila but I didn't heard any response. Ay, terror? Wag naman sana. Dumaan na siya sa akin at amoy na amoy ko pa rin ang pabango nito kahit nasa loob na ito ng office niya. Hindi ko nakita ang mukha niya pero feeling ko hindi siya kasing tanda ng dating boss ko. Sana naman mabait siya.
Afterwards, as what I expected pinatawag nga ako. Huhuhu hindi naman siguro siya kumakain ng buhay na tao. Dahan dahan kong isinara ang pinto ng office niya as I get inside. Nakaupo sa siya ngayon sa upuan niya habang nakatalikod sa akin.
"Uhm...sir." I uttered at umikot naman siya paharap sa akin.
I blink fastly for a few seconds. Mukhang lumalala na ata ang sakit ko sa mata ah. Kinusot ko ang mga mata ko to make sure everything.
"IKAW?" We both uttered while pointing out each other. Bakas din sa mukha niya ang pagkagulat.
Oh crap! Remember the 'maniac guy' na pinababa kanina sa bus? This is sooo crazy pero siya ang bagong boss ko. Siya ang bagong manager namin. So it means I'll be dealing with him. Argh! I hate this.
~*~
Hot seat? No. Why would I? Siya ang may kasalanan sa akin. Kahit boss ko pa siya, wala akong pake. Joke! Syempre kinakabahan ako at baka maisipan niya akong ipatalsik.
"So you're my Secretary huh. Then submit me all the records that I needed. At pakiayos nalang din ng appointment ko." He said directly.
"Yes sir." I nodded.
"Ouch. Hays ang sakit ng pisngi ko." Pagpaparinig niya at kitang kita ko naman ang pamumula nito. Naalala kong sinampal ko pala siya at napalakas ata talaga. I gulped.
"May naglakas loob kasing sumampal sa akin kanina sa bus. She's accusing me na hinipuan ko siya where in fact hindi naman talaga. At salamat sa kanya kasi nakapag lakad lang naman ako ng napakalayo bago ako sinundo ng driver kong KATATANGGAL KO LANG." napapikit ako sa sinabi niya. Gosh ayoko matanggal sa trabaho ko at sayang yung incentives na makukuha ko pag umabot ako ng 3 years dito. Eh ilang buwan nalang 3 years na ako dito. Wag muna ngayon please.
"Uhm...kasi--- sir--" s**t I'm stammering.
"Makakalabas kana." Masungit na tugon nito.
Hays. Halimaw naman po pala yung pumalit sa napakabait kong boss.
Cib's POV
I'm trying to sleep pero hindi ako makatulog. Tahimik na sa labas siguro umalis na siya.
Dahan dahan akong tumayo at lumabas ng kwarto. Sumilip ako ng sala pero wala namang tao. Phew~
Kinuha ko yung gitara ko sa kwarto at lumabas ulit para magtungo sa garden. Ngunit sa pangalawang pagkakataon, kusa nanamang umurong ang mga paa ko at dali dali akong nagtago sa pinto palabas na sana ng garden bago pa man nila ako makita. Bakit andito pa siya? O.O
Napa-face palm nalang ako at tila hindi ko na alam ang gagawin sa oras na makita niya ako. Mukhang ang sarap ng kwentuhan nila mama. Ano kayang pinag-uusapan nila? Paano sila nagkakilala in the first place? Hays, babalik nalang muna siguro ako sa tambayan.
"KUYAAAAAAAA!" Napaatras ako sa gulat dahil bigla namang hiyaw 'tong si Victoria na kauuwi lang galing sa school. I gave her a sign na wag maingay.
"Cris, Victoria! Come here." Tawag sa amin ni mama. Lagot! Patay!
"Kuya tawag tayo ni mama. Tara!" Biglang hila niya sa akin at kinaladkad pa ako papuntang garden. Hinarang ko nalang yung gitara sa mukha ko.
"Hi mommy. Hello din po sa inyo." Bati ni Victoria sa kanila at ako? tuloy lang sa pagtatakip ng mukha ko.
"This is my daughter Victoria and my Son Crisostomo." Pagpapakilala ni mama sa amin. Ang sagwa ng Crisostomo ah.
"At ganda naman ng dalaga mo at teka...bakit kaba nagtatago hijo? Nahihiya kaba? Anyway, kaibigan ako ng mama niyo nung college." F*ck! I'm dead.
"Ano kaba Cris. Ibaba mo nga yang gitara mo." Sita sa akin ni mama pero hindi ko ito pinakinggan.
"Kuya akin na nga yan para ka namang timang jan." Pag agaw ni Victoria ng gitara sa akin.
Tinakpan ko nalang ng mga palad ko ang mukha ko.
"Napakamahiyain naman pala ng anak mo Lucia." Ani nito at ramdam kong kinakabahan talaga ako. Kailangan ko ng umalis dito.
"Ano bang problema mo Cris?" This time tumayo na si mama at lumapit sa akin. Aalis na sana ako pero pinigilan ako nito at pinilit pang alisin ang kamay ko sa mukha ko. Okay, I'm dead! Anong gagawin ko?
"CIB?" Gulat na sabi ni Tita Helena I mean mama ko sa ibang bahay? Her eyes are widely open at tila nagtataka naman sina mama at Victoria.
"Ah...uhm-- hi po, mama..." nauutal at mahina kong sabi.
"MAMA?" Natataka namang sabi nung dalawa at tila naguguluhan.
Tapos na ang contract, do I have to pretend? Do I have to explain it all? Argh. Ano ba 'tong gulong pinasok mo Cib.
"Anong meron?" Naguguluhan paring tanong ni mama.
Natawa naman bigla si Mama helena. Alam mo yun? Sa kalagitnaan ng magulong scene ay bigla siyang tumawa?
"Ang liit nga naman talaga ng mundo oh. Aba'y kailangan na pala nating magcelebrate Lucia. Ni minsan hindi sumagi sa isipan ko na anak mo pala itong si Cib. Dahil sa excitement na naramdamdaman ko kaya siguro nalimutan kong itanong sa kanya kung sino ang mga magulang niya. Nakakatuwa lang talaga isipin. Kasi alam mo ganito yun... blah blah blah..." napailing nalang ako.
Tinignan ko ng masama si Victoria dahil naalala kong siya ang puno't dulo nito. Nginitian niya lang ako at dahan dahang umatras palayo sa akin hanggang sa tumakbo na ito papasok ng bahay. Hinabol ko siya pero nakapasok na ito ng kwarto tsaka naglock.
Naku... nanggigigil talaga ako sa pangit na yun -.-