Tangerine's POV
As I went home. Tadaaah! Pareho kaming napaatras ng saktong bubuksan ko na sana yung pinto ay kusa itong bumukas at iniluwa si--
"CIB? Anong ginigawa mo dito?" Nagtataka kong sabi.
"Oh s**t! May problema tayo." He said tsaka ako hinila papasok ng bahay.
Aside from Cib, may mga bisita din pala si mama and it seems like mag-asawa sila at may isang dalagita pang nakaupo sa sala playing with her phone kasama si Blue. I guess kaibigan sila ni mama.
"So, what's the problem here?" Tanong ko ulit sa kanya. At tila normal naman ang lahat aside from nandito siya sa bahay.
"Can't you understand? My parents and your mother are discussing things about US." Mariin niyang sabi sa akin.
Hindi naman ako nakasagot agad sa sinabi niya. Tila ba nagbounce muna yung sinabi niya sa pader tsaka pumasok sa isipan ko.
"WHAT?" O.O I half yelled.
Omg anong nangyayari sa mundo? Bakit tila puno ng kamalasan yung araw ko ngayon? Hays.
"Uy, andito na pala ang anak ko. Tangerine come here." Napapikit ako ng marinig kong tinatawag ako ni mama.
Habang naglalakad ako palapit ay tila may bakal na nakakapit sa paa ko at ang bigat bigat maglakad papunta sa kanila.
"Good evening po." Bati ko sa kanila.
"Ito yung anak ko. Si Tangerine. She's 23 and I think nasa hustong gulang na para magpakasal." Ani ni mama na siyang nagpalaki naman lalo ng mga mata ko.
Tinignan naman ako ng mama ni Cib mula ulo hanggang ingrown ko. While yung papa ni Cib dedma lang pero mukhang mababait naman sila at palangiti katulad ni Cib.
Nagpaalam na muna ako sa kanila at baka mag-walling pa ako sa harap nila. Nagpalit na muna ako ng damit at lumabas. Hinanap ko si Cib pero hindi ko siya makita sa loob ng bahay kaya lumabas ako at baka sakaling andun siya. Hindi naman ako nabigo.
Tumabi ako sa inuupuan niya.
"So what are we going to do now? May plano kaba?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.
"Well, honestly kinabahan ako ng makita ko yung mama mo sa bahay namin. Kasi hindi naman talaga tayo eh. Isang araw lang na contract yung meron tayo. At kung tutuusin, walang kaso sa akin to eh. Yeah, hindi naman talaga yun problema sa akin pero ikaw ang iniisip ko because you rented me as your boyfriend at mahirap naman kung ilaglag kita kasi dalawa tayo ang may gawa nito." He answered.
Tama siya. Kung sino mang mas naiipit sa ganitong situation, ako yun.
"It's either, aminin natin yung totoo sa kanila at maaaring masaktan pa natin sila kasi nagsingungaling tayo at babalik ulit yung buhay ko kung saan iba't ibang lalaki ang nag aantay sa akin sa bahay everytime na uuwi ako from work or tutulungan mo akong bigyan ng solution 'to. " I suggested.
Napailing siya sa sinabi ko at tila nagpipigil pa itong tumawa. " Hindi mo naman siguro ako kunukonsensya noh? Pero sige, anong tulong naman ang magagawa ko?" Naku dapat niya akong tulungan kasi kaming dalawa nga may gawa nito diba?
"Unang una, ituloy mo ang pagpapanggap bilang boyfriend ko. Paninindigan natin yun." Marahan kong sabi at tumango naman siya.
"Then?" He uttered.
"Pangalawa, hanggat maaari wag natin hayaan na umabot tayo sa kasal noh! Aba ibang usapan na yun." He nodded again.
"Pangatlo, gumawa ulit tayo ng contract at wag kang mag-alala. Babayarin parin kita ng tama basta wag mo lang ako ilaglag." Giit ko sa kanya. Ito nalang ang best choice na meron ako as of now para tuluyang matahimik ang buhay ko.
For pet's sake naman ayokong mag ingay nanaman ang bunganga ni mama araw-araw dahil lang kating kati na siya na magkajowa ako. Hay kaloka 'tong si mama.
"Eh paano kung ayaw ko? Isang sabi ko lang ng totoo sa parents ko for sure titigil na sila. Tahimik parin naman siguro ang buhay nun. Ewan ko lang sayo..." Tugon nito na parang nang-aasar pa. Tinitigan ko siya ng masama.
"Okay fine! I'm sorry for bringing you here." I said sarcastically. Tatayo na din sana ako pero pinigilan niya ako at hinawakan pa ako sa kamay kasabay naman nun ang pagdaloy ng kuryente sa katawan ko kaya inalis ko din agad yung kamay niya.
"Wait! Ang pikunin mo naman darling." He said tsaka ako nginitian kaya kitang kita ko nanaman yung dimple niya sa left cheek.
"Darling ka jan!" Hinampas ko siya sa braso pero mahina lang at bumalik sa pagkaupo.
"Paano kung gusto nila tayong ipakasal?" He asked.
"I what I've said. Hanggat maaari, pigilan natin na umabot tayo sa point na yun. Ayoko makasal sayo noh!" Pag-iinarte ko naman.
"Ayaw mo nun? Ikakasal ka sa pinaka-gwapong nilalang sa balat ng lupa." Gosh.
"Eww! Sige lang praise yourself." Ang sarap niya balatan promise.
"Anyway. Ang tagal nating hindi nagkita. So...how are you? Did you missed me?" Napakunot nalang ako ng noo sa mga pinagsasabi niya. Parang wala kaming problema ah.
"Bakit naman kita mamimiss? Kapal mo." I muttered.
"Sus, in denial pa?" Aba ang yabang ng ungas na 'to ah. Well, mejo? Inaamin kong natuwa naman ako ng very slight ng makita ko siya pero hindi na ngayon dahil nagbago na isip ko.
"Yabang mo din enoh? Sarap mong paramihin at puksain eh." Giit ko.
"Ang suplada mo naman masyado. May muta ka pa nga oh." Turo niya sa mata ko kaya nataranta naman ako. But s**t! Wala naman ah.
"Biro lang. Seryoso ka naman jan masyado. Pinapatawa lang kita kasi ang haba na ng nguso mo." Dapat ba akong matuwa sa sinabi niya?
"Ewan ko sayo!" Inirapan ko nalang siya.
I rented him para matigil na sa pangungulit si mama but I ended up like this. Parang pakiramdam ko tuloy ay nahulog ako sa patibong.
"Sakyan nalang natin ang gusto nila. Okay it's a deal pero syempre may kapalit yun." He said with matching pagtaas at baba ng kilay niya.
"I know right. Wala naman ng libre sa mundong ito." Pasalamat siya at may silbi pa siya sa akin dahil kung wala matagal ko na siyang sinipa palaba ng earth.
Hindi naman ako ganun kasamang tao but he's pushing me to do so.
"Pero hanggang kailan naman tayo magpapanggap?" Biglang seryoso niyang tanong. "Until our last breath?" Pabiro nitong sabi. Pinanliitan ko naman siya ng mga mata.
"Baliw! Pag-usapan nalang natin yun sa ibang araw. Not now at pagod na pagod na talaga ako ngayon. Tama na muna 'to." Marahan kong sabi.
"Gusto mo i-kiss kita para lumakas ka ulit?" Pabiro nitong sabi at tsaka ngumuso at tila inaantay niyang halikan ko siya.
May naalala nanaman tuloy ako. Tangerine gosh wag kanang magpapatukso sa Cib na yan. Wake up!
Pero bakit ganito? Habang nakanguso siya sa harapan ko parang gusto ko siyang halikan?
Sa hindi inaasahang pangyayari, hindi ko napansing ang lapit na pala ng mukha ko sa kanya.
"Ehem!"
Kapwa kami nagulat sa biglang sulpot ng family namin sa likuran. Uh-oh~ mukhang lalo kaming mapapasama nito. Bakit kasi may pa-audience effect pa juicecolored.
Nagkatinginan nalang kami sa puntong ito...