KABANATA 15

1125 Words
Someone's POV Grabe parang lumulutang ako sa hangin dahil sa sobrang saya. Hindi ko inasahang paglalapitin kami ng tadhana. OMG! Yung crush ko since Grade 10 nakausap ko na din. At hindi lang iyon, nakaapak pa ako sa loob ng bahay nila mismo at nakatabi ko siya sa sofa. Hayyy sana mapansin niya naman ako. Napangiti ako ng makita ko ang mukha niya sa wallpaper ng phone ko. "Anong itsura yan?" Hay andito nanaman yung asungot kong kapatid. Inirapan ko lang siya. "None of your business." mataray kong tugon. "Anyway congrats sa inyo. Ang galing mo kuya, sa wakas magkakaroon na din ako ng pamangkin." Masigla kong bati sa kanya. Well, I'm so happy for them at sana nga totoo dahil sa pagkakaalam ko pagpapanggap lang ang nangyari sa kanila and it was all because of me. Binalik ko ang attention ko kay Kuya Cris at pansin ko ang unti unting paglaho ng ngiti sa labi nito at napalitan ng kunot noo. "A-anong pamangkin?" Nagtataka nitong sabi. Oopps. Parang napawi ang tuwa na naramdaman ko dahil sa reaction niya. Sana pala cinonfirm ko muna bago ako natuwa. "Akala ko ba...buntis si ate Tangerine?" Mahina kong sabi na may pag-aalangan. "Huh? A-anong pinagsasabi mo?" This time nagsalubong na ang mga kilay niya. "Iyon ang sabi nila sa akin. Hindi ba?" Napailing siya sa sinabi ko at napakamot nalang sa ulo kahit hindi naman makati. So false alarm lang pala. I pouted then walk away. Cib's POV Anong buntis ang pinagsasabi ni Victoria? Hindi kaya may itinatago sa akin si Tangerine? Hmm... kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko yung number ni Tangerine na binigay sa akin ni Blue. Nagriring naman ito ngunit walang sumasagot. "Hello?" Napakunot noo ako ng marinig ko ang boses nito. Boses lalaki. Chineck ko pa yung number pero tama naman ah. Hindi kaya pinagtataksilan niya ako? "Sino 'to? Nasaan si Tangerine?" I asked. "Cib? Is that you?" Huh? Sino 'tong ungas na ito at kilala niya ako. "Si Matthias 'to bro." Oh? How come? "Eh ba't nasayo yung phone ni Tangerine?" May dapat ba akong malaman? "Chill bro. Wag ka mag-isip ng masama. Napulot ko lang 'tong phone niya sa daan. Nagkita kasi kami kahapon and I think naiwan niya 'to." Lalong kumunot nag noo ko sa narinig ko mula kay Matthias. "Nagkita kayo?" Tang*na bakit parang interesado akong malaman. "Parang ganun tol. Selos kaba?" Nang aasar ba siya? "Gago! Sige bigay mo nalang sa akin maya yung phone niya." Binaba ko na yung tawag bago pa man mag-init ang ulo ko. Teka, bakit ba? Mukhang may sakit pa ata ako. "Nak." Tawag ni mama sa akin tsaka umupo sa tabi ko. "Bakit ma?" Parang kinabahan naman ako bigla kay mama. "May sasabihin kaba sa akin Nak?" Mukhang ang seryoso ni mama. "Uhm ma... ano... nagresign na po ako sa trabaho ko." Napayuko ako habang sinasabi ko yun. "Bakit?" Tanong niya. Mukhang hindi naman siya galit. "Kasi ma hindi talaga ako masaya sa trabaho kong iyon. Alam niyo naman pong napipilitan lang akong magenroll ng Business Course dahil kay papa. Pero ma, hindi ko na kaya eh. Musika yung gusto ko ma. Sorry po." Paghingi ko ng paumanhin dito. "I understand you Cris. Gawin mo kung anong magpapasaya sayo. I'll support you at ako na bahalang mag-explain sa papa mo." Parang biglang nagliwanag ang buong paligid dahil sa narinig ko mula kay mama. "Thank you ma." Napayakap ako sa kanya dahil sa tuwang naramdaman ko. "Anything else?" Ani nito at tila may inaantay pa siyang sasabihin ko. "Wala naman na po." Tugon ko. "What about Tangerine? At sa magiging anak niyo? What's your plan son?" Napanganga ako ng wala sa oras ng dahil sa sinabi ni mama. "Ma~ hindi po buntis si Tangerine." Giit ko. "But maybe she is." Sabi naman ni mama. "Basta mama hindi siya buntis okay?" Bakit ba parang ayaw pa niya maniwala sa akin? "Anyway, masaya ako sa inyo Son at gusto ko rin si Tangerine para sayo." Nakangiting sabi nito na halatang masaya nga. Napangiti nalang din ako. But deep inside I feel so sorry. "Yiiee Daddy Cris." Asar ni mama sa akin. "Maaa hindi nga. Wala, walang nangyari." I explained pero parang wala siyang narinig. Tangerine's POV Hays ang hirap mabuhay ng walang cellphone pero mas mahirap magtrabaho kung halimaw yung boss mo. Hayop na yun pinahirapan ba naman ako? Samantalang sa iba mabait siya. Talagang may hinanakit nga ata yun dahil sa ginawa ko. Hmp! I hate him so much. Pasara na yung elevator ng biglang may humabol. Speaking of halimaw... hanggang out ba naman nakikita ko pagmumukha niya? "Are you  tired? Are you going to quit?" He said. Wow ah. "So sinasadya mo ang p**********p sa akin ganun? Just for me to quit?" Pananliitan ko ng mata. Ang sama sama niya. Lumingon naman siya sa akin kaya nagkatitigan kami for a few seconds. But suddenly biglang nagbago ang ihip ng hangin sa loob ng elevator ng bigla niya akong kinulong sa mga braso niya dahilan naman para mapaatras ako hanggang mapasandal sa sulok. "A-anong ginagawa mo? Lu-lumayo ka sa ak--" hindi ko na natapos pa ang nais kong sabihin dahil bigla ko nalang naramdaman ang mainit na mga labi niya sa labi ko. Namilog ang mga mata ko sa ginawa niya but I still can manage to pushed him away. "Bastos ka!" *PAK* I slapped him then umalis na agad palayo sa kanya pagkabukas na pagkabukas ng elevator. Sumusobra na yung Zach de Guzman na iyon ah! Ayoko na! Magreresign na ako. Ayokong makatrabaho ang isang tulad niya. Makakahanap din ako ng mas magandang trabaho. Tama Tangerine. Ganyan nga! Napahawak ako sa labi ko habang naglalakad palabas ng building. Bakit pakiramdam ko naiiyak ako? Hindi ko naman first kiss ah? Pero kahit na. Parang nabastos kasi ako sa ginawa ng hayop na iyon. Paglabas ko ay diretso agad ako sa coffee shop. May favorite tambayan. Dito muna ako at ayoko namang umuwi na mabigat ang loob ko. "The usual." I said then umupo na din sa favorite spot ko. Mga ilang minuto ay okay na din ang order kong coffee kaya tumayo na muna ako para kunin iyon ngunit pagbalik ko sa pwesto ko ay may nakaupo na. Parang yung ex ko lang, nalingat lang ako may iba na agad siya. Wow magic. Andoon yung bag ko kaya umupo pa din ako dun. Siya ang dapat mag- adjust hindi yung ako nalang lagi. At ang sakit sakit niya sa mata tignan. Guess who? Si Cathy lang naman. Well, I'm not surprised anymore kung nang-aagaw man siya ng pwesto. "Hi Tangerine." She faked smile at ganun din naman ang ibinalik kong ngiti. Ano bang kailangan ng ahas na 'to at tila nananadya pa ata. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD