KABANATA 16

1173 Words
Tangerine's POV "Yes babe? Uhm yeah nandito na ako sa coffee shop. Aw mahal na mahal mo talaga ako hindi tulad ng iba jan."  Pinaparinggan niya ba ako? Chill Tangerine okay? Umasta ka na parang wala lang. Harot ng mga 'to sarap ipatapon sa mars. Kaumay teh! Lols bitter? "Okay mag-iingat ka mahal na mahal din ki--" bigla siyang natahimik dahil biglang nagring yung phone niya. Wtf? Pff~ Pinipigilan kong tumawa pero hindi ko na kinaya. Tumawa ako mismo sa harapan niya. Makapal siya eh! Hindi parin umaalis sa harapan ko.  In fairness napasaya niya ako doon ah. All this time sarili niya pala ang kaharutan niya. Kung sabagay forte niya naman talaga ang magpanggap. Nagtataka nga ako bakit hindi siya nag-artista eh. Pang best actress level na sana siya. "What are you laughing at?" Irita niyang tanong. "Oh~ nothing." I replied. "Nakakainsulto ka ah." Wahahaha ang sarap niyang tignan sa ganyang itsura.  "At bakit naman?" Sagot ko. "Naiinggit kaba sa akin?" Aba taray nito ah.  "May dapat ba akong kaiingitan sayo?" Giit ko. "Sabihin mo na kasing naiinggit ka sa akin kasi mahal ako ni Lucas at kahit kailan walang magmamahal sa'yo kasi pangit ka at boring." Naghahanap ba siya ng away? Badtrip ako ngayon kaya sana umalis na siya bago ko pa siya mapagbuntunan ng badvibes.  "Ano bang pake mo doon? Eh ikaw? Aside from being mang-aagaw s***h malandi at may mabahong ugali, ano pang mabaho sayo? Hininga mo?" Umiinit na din talaga ulo ko at pinagtitinginan na din kami ng mga tao.  *Swosh*  Napapikit ako ng maramdaman ko ang malamig na tubig sa mukha ko. Hindi ako padadaig. Dinampot ko din ang kape ko tsaka ibinuhos sa pagmumukha niya. Napahiyaw siya dahil sa init. Uhm no, dahil sa kaartehan pala. Pasalamat siya at hindi kumukulong kape yung ibinuhos ko sa plastik niyang mukha.  Lahat sila nakatingin sa amin pero hindi nangialam. Akmang lalapit na sana siya sa akin at sasabunutan ako ay may pumigil na din sa kanya agad. Walang iba kundi si Lucas na halatang nagmamadali at hinihingal pa 'to.  "Sorry Tangerine." Ani ni Lucas at hinila na palabas si Cathy na nagpupumiglas parin at gustong gusto pa akong saktan. Napabuntong hininga ako. Siguro hindi nalang ako dapat dumaan dito at feeling ko nadagdagan pa ang bigat ng loob ko.  Aalis na din sana ako ng may humawak sa braso ko. Paglingon ko ay tumambad sa akin ang maamong mukha ni Cib. Kumuha siya ng tissue sa mesa at pinunasan ang basa kong mukha.  Sa mga sandaling ito ay tinitigan ko lang siya. Nginitan niya ako tsaka kinuha yung bag ko at hinila na din ako palabas ng coffee shop. Tapos na ang show at damn!  Para akong bata na wala sa sarili habang naglalakad at hawak hawak niya ang kamay ko.  Kumalas ako at niyakap ko siya mula sa likuran dahilan para huminto siya sa paglalakad. At doon na bumuhos ang luha ko. Ang bigat bigat kasi eh. Gusto ko lang munang umiyak. Wala na akong pake kung nasaan man kami ngayon basta gusto kong umiyak.                                        ~*~ "I'm sorry." Ani nito. "Sorry for what?" Wala naman siyang kasalanan ah. "Kasi...hindi kita naipagtanggol kanina." Ang seryoso niya ngayon at hindi ako sanay. "Okay lang. Hindi naman kita boyfriend para ipagtanggol ako eh." Mahina kong sabi.  Andito nanaman pala kami ulit sa fast-food na kinainan namin last time. "At dahil jan may pambawi ako." This time ngumiti na siya at kitang kita ko nanaman ang dimple niya.  A few minutes after, lumantad  naman sa harap ko ang sandamakmak na Sundae at Fries. Dalawang tray iyon at kaming dalawa  lang ang kakain?  Hindi ko maiwasang mapangiti dahil talagang yan ang favorite foods ko kapag stress ako. "Paunahan?" Aba hinahamon ako ah.  "Game! Ang matatalo hmm... may isang wish." Nakangiti kong sabi. Para exciting naman. "Okay game!" Tugon niya.  Dalawang tray iyon kaya tig-isa kami at paunahan kaming maubos. Syempre ginalingan  ko naman plus stress.  It took us 10 minutes? 15? Bago may nakaubos sa amin at walang iba kundi-- "Yey panalo ako!" Pumalakpak pa ako ng maubos ko yung sa akin samantalang siya ay hirap na hirap na wahahaha.  "Mahina ka pala eh. Oh pano ba yan? May isang wish ako sa'yo." Masigla kong sabi at feeling ko happy na ako ulit. "Ano iyon?" Tanong niya. "Uhm...wait pag-iisipan  ko pa." Ano kayang maganda? Hmmm... tama! May naisip na ako. "Ang tagal." Grabe naman 'to. "Kantahan mo ako. Yung parang hinaharana mo ako? Yung kikiligin ako. Yung parang high school kilig level dapat yung maramdaman ko ganun." Wiee excited na ako. "Now na?" He asked. "Hindi dito. Gusto ko dun sa restobar. Kumanta ka ulit dun tapos haranahin mo ako." Paglinaw  ko naman. "Okay fine. Gusto mo sigurong maranasan yung pakiramdam na may nanghaharana sa'yo na pogi." Ew! "Kapal muks!" Hampas ko sa kanya. "Sige. Pakikiligin kita, sigurado yan." Talaga lang ah. "Dapat lang!" Inismiran ko siya.  After naming kumain ay pinaangkas nanaman niya ako sa motor niyang nakakanerbyos. But since hindi ko na first time sumakay dito kaya mejo kumalma na yung nervous system ko.  Akala ko dumating na kami sa restobar at bigla kaming tumigil. Hindi pa pala. Tinabi niya yung motor niya at pinababa ako. Pumasok kami sa isang tindahan ng damit at doon pinasukat sukat niya ako ng iba't ibang dresses hanggang sa binili niya ang kulay pulang dress na off shoulder at above the knees yung haba.  Pinalitan niya din ang sapatos ko ng sandals na mejo may unting hills at kulay puti.  Ang sunod niyang ginawa ay ipinasok ako sa salon. Gosh anong balak niya? Make over? Pero bakit?  Habang inaayusan ako ng baklang may ari ata ng salon ay nakikita ko sa salamin na busy siya sa phone niya.  Yung nakasanayan kong hairstyle ay iba na. This time ay nakalugay ang buhok ko at kinulot ng unti. Tinanggal yung eyeglasses ko at pinalitan ng contact lens.  Shit! Isang basong luha naubos ko dun ah. Ang sakit sa mata noong umpisa pero ayos din. Yung kilay ko na never been touched inahit. Natakot ako sa blade kaya naman natagalan kami sa kilay portion na iyon pero pinakalma din naman ako ni Cib.  Ang daming kaekekan ang ipinahid sa mukha  ko na hindi ko alam kung ano ang mga iyon. Lipstick at pulbo lang kasi sa akin sapat na.  "Gentleman, here she is. Ms.Tangerine!" Ani nung bakla tsaka inikot ang upuan ko paharap kay Cib.  Hindi ko alam kung pasmado siya at bigla niyang nabitawan ang phone niya ng makita niya ako.  Teka, ano bamg itsura ko? Pangit ba? Tinignan  ko ang sarili  ko sa salamin. Shocks! Totoo ba ito? Ako ba ito? Hinaplos ko ang mukha ko. Ang ganda ko pala choss. Oo nga ang ganda ko.  Ibinalik ko kay Cib ang tingin ko at binigyan siya ng matamis na ngiti.  Hindi ko alam kung anong problema niya pero nalaglag nanaman ang phone niya sa pangalawang pagkakataon.  "Bakit?" Tanong ko dito. "Uhm..wa-wala. Tara na." Sabi nito tsaka dinapot yung phone niya at dali daling naglakad palabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD