EPISODES 9

4640 Words
"Sabi wag kang luma- .natigilan sa pagsasalita ang Isang Vampira dahil nagulat ito nang mapansin na may nakatarak ng patalim sa kanyang tagiliran. Dun nya napagtanto na sa gilid na nya pala si Leo at namumula na ang mga mata nito. Mabilis hinablot ni Leo ang lalakeng Vampira, malakas nya itong bina libag pa punta sa malaking puno, Hindi iyon ina asahan ng isang Vampira ang mabilisang pag galaw ni Leo. Dahil sa pagka gulat nang Isang Vampira na may hawak kay Abby ay mabilis nitong tinulak si Abby. kaya napasubsob ito sa putikan. Hindi paman naka buelo ang Vampira para harapin si Leo ay natigilan na ito at dahan dahang napatingin sa kanyang dibdib. Nang laki ang mga mata nito nang may lumalabas nang sariwang dugo mula sa kanyang dibdib. Nakatarak na pala ang kutsilyo sa kanyang dibdib. Dahan dahang itong napa luhod sa damuhan habang hawak hawak ng dalawang kamay nito ang nakatarak na kutsilyo sa kanyang dibdib. Bigla itong nagliyab at unti unting na uupos na parang abu . Nang napansin ni Leo na gumalaw pa ang isa ay binalingan nya agad ito. Mabilis syang naglaho at lumitaw sa likod ng Vampira. Mabilis nya itong ginilitan sa leeg, agad naman iyon namatay.. Katulad nung Isa ay bigla itong nag liyab at naging Isang abu.. Mabilis nilapitan ni Leo si Abby na nakatayo na mula sa pagkasubsob sa lupa.Nag pagpag ito ng damit dahil na dumihan iyon. 'Ayos kalang ba? natatawang tanong ni Leo kay Abby dahil may kunting putik ang mukha nito. "A-ayos lang ako, kaasar bakit pa kasi ako tinulak ,, Tignan mo tuloy ang dumi dumi kuna. nagmamaktol niyang sabi sa binata. Ka agad naman siyang hinila ni Leo palapit dito. Dahil hindi iyon inaasahan ni Abby ay napasubsob siya sa malapad na dibdib nito. Mabilis siyang nakaramdam ng pagka kuryente sa kanyang boung katawan, kaya mabilis s'yang humiwalay mula sa kanilang pagka dikit ng katawan. Dahan dahan siyang hinawakan ng binata sa baba at tinaas iyon. Sinunod naman ni Abby ang pagkilos ng kamay nito na naka hawak sa kanyang baba paitaas. At muling nag tagpo ang kanilang paningin. Muli ay nakita ni Abby ang abuhing mga mata nito. Dahan dahang dumimpi ang palad ni Leo sa pisngi ni Abby para tanggalin ang kunting putik sa kanyang mukha. Habang hindi nila tinatanggal ang kanilang paningin mula sa pagkatitig sa isa't Isa. Nang may narinig si Leo na mga kaluskos at nagbulong-bulongan sa kanilang paligid. Bigla siyang naging alerto at napalingon sa pinag mulan ng kaluskos. Nakita mo ba yon Bong..!? gulat na tanong ni Roberto sa kasama. Oo nakita ko!! Ang bilis nung lalake kung gumalaw!! sagot din nito habang nakatulala. Hoy kayong dalawa diyan!! lumabas na kayo dito!!. Pa sigaw na utos ni Leo sa nag tatago mula sa malaking puno. Nang marinig nila Roberto iyon ay bigla silang natigilan."Bong tayo ba ang sina sabihan nung lalake,,!? nanginginig na tanong ni Roberto sa kaibigan. S-siguro kasi nakaharap na sya ngayon dito sa puno na pinagtataguan natin ehh.." sagot pa nito habang halata narin ang panginginig ng dalawang tuhod. "Hindi ba kayo lalabas sa pinagtataguan nyo"? o baka gusto nyo ako ang pupunta diyan!! wika pa ni Leo sa pagalit na bosis. Kaya napilitang lumabas ang dalawa habang nakataas ang mga kamay nito. Bilang pagsuko Manung Roberto!! Sambit pa ni Abby sa isang lalake na nakataas ang dalawang kamay. Mabilis nya itong nilapitan at pina baba ang mga kamay nito. "Ah kasi, C-catherina kasi,, kaya kami na papunta dito dahil narinig namin ang putok ng mga baril. Sabi ni Bong na kaibigan ng kanyang kuya Roberto, na kasa kasama sa pagtatanim sa kanilang bukid. "Paakyat na talaga ako sa bukid nang sinundan ako ng dalawang kalalakihan. Ngunit hindi ko alam na ako pala ang kanilang pakay. Buti nalang andito ang pinuno ng mga sundalong Kastila nag lilibut ,,kaya ayon muli nyang niligtas ang buhay ko". Paliwanag pa ni Abby sa dalawang lalakeng kaharap. Ahh,, salamat ulit sa pagligtas mo sa k-kapatid ko. Sabi ni Roberto habang nakipag kamay kay Leo. "Ayos lang yon', ahm yong nakita nyo, Maari sana kung atin atin nalang iyon.. kasi kapag malalaman iyon ng ibang tao tiyak akung ba balikan si Catherina. wika pa ni Leo kay Roberto. A,, O-oo naman, maayos naman akung kausap"! Basta sa kaligtasan ng mga kapatid ko, tatahimik ako di' ba Bong..!? sabay lingon ni Roberto sa kanyang kaibigan na si Bong O-oo,, maayos kausap yan a kami pala. sabi naman ni Bong habang hindi halos maka tingin kay Leo,, Kung ganon, ma uuna na ako sa inyo. Wika pa ni Leo, at hinarap na nito ang kanyang kabayo. Akmang sasakay na sana si Leo sa kanyang kabayo ng biglang may dumating. Manang..!! sigaw ni Nenetha habang tumatakbo itong papalapit kay Abby. "O bakit ang dumi dumi ng sout mo. Nagtatakang tanong ni Margarita ng naka lapit narin ito kay Abby. Napansin ka agad ni Margarita si Leo mula sa likuran ni Abby, mabilis siyang lumingon sa binata. Kumikislap ang mga mata ni Margarita ng masilayan si Leo na nakatayo sa likod ni Abby, hindi nya parin talaga alam ang kanyang naramdaman para sa binata. Ang pagkakaalam lamang nya ay lubos siyang nasisiyahan sa tuwing nasisilayan nya ang kagisigan nito. Ngumiti si Margarita nang tumingin din sa kanya si Leo, Ngunit tango lang ang sinagot ng binata sa kanyang matamis na ngiti. Maya maya pa'y kinalabit nito si Abby. Kailangan kunang umalis,, sa tingin ko ligtas kana dito. At isa pa iwasan mong umalis na mag isa. Bilin pa ni Leo kay Abby. Tumango lamang si Abby bilang sagot nito sa kanya. Ta talikod na sana si Leo ng tinawag siya ni Abby,, Leo s- sandali lang. Gusto kulang magpa salamat sayo,, ilang bisis munang iniligtas ang aking buhay. Kaya utang ko sayo ang aking buhay". P- paano ba kita mababayaran? tanong ni Abby kay Leo. Natigilan naman si Leo sa tanong ni Abby, at maluko itong ngumiti, dahan dahang lumapit sa kanya kasabay nun ang pag bulong nito sa kanyang tainga. "Pag isipan kupa' kaya dapat mong paghandaan ang kabayaran sa susunod nating pagkikita". sabi ni Leo habang mabilis itong kumindat sa kanya. Napipi sa kinatatayuan si Abby at hindi halos maka galaw mula sa kanyang kinatatayuan. Mabilis sumampa sa kabayo si Leo. Nang maka sakay na ito sa kabayo ay mabilis itong panatakbo. Kinapa ni Abby ang kanyang dibdib, mabilis ang pag pintig nito. Pakiramdam nya ay napakadaming paru paro ang nagsisiliparan sa kanyang paligid dahil sa ginawa ng binata sa kanya. Di nag tagal ay dumating na ang Papang at Mamang nila mula sa bukid. Nag mamadaling lumapit ang kanilang ama na may bitbit pa itong itak. Roberto ano na ang nangyari..!? Hingal na hingal nitong tanong sa kanyang panganay na anak. Ayos na po Pang" na iligtas na si Catherina mula sa nais magtangkang pumatay sa kanya,, sagot ni Roberto sa ama Tangkang patayin? Anong ibig mong sabihin dun Roberto!? nagtatakang tanong ni Anastacio sa kanyang anak "Narinig ko, may nag utos para patayin si Catherina.. sagot ulit ni Roberto sa tanong ng kanyang ama. "Tika Catherina sino naman ang may galit sayo, bakit nais ka nila ipapatay..? Nagtatakang tanong ni Edita sa kay Abby. Ahm,, Hindi ko rin po alam Inang,, baka napag kamalan lang po ako..Sagot nya sa mga magulang na halata sa mukha ng mga ito ang pagtataka.. Aba Catherina!! ilang bisis kana muntikang ma paslang kung ganon,, dapat lang mag pasalamat ka sa lalakeng nagtulong sayo. turan pa ng kanyang Lola "Inang, di na po kailangan " tayo na, at uuwi na tayo dahil hapon narin. bukas nalang natin taposin ang trabaho sa bukid. Awtoridad na wika ng kanilang Ina. Kaya sabay sabay nilang binaktas ang daan pababa pa uwi mula sa kanilang bukid. Nang malapit na sila sa bahay ay may natanaw silang Isang babae nakatayo ito sa lilim ng kanilang punong mangga at kumakaway ito sa kanila "Tika tama ba yang nakikita ko? tanong ni Nenetha sa kanila. Oo si Rosanna,, Sagot pa ni Margarita kay Nenetha habang nakatingin ito sa babae na walang tigil sa pag kaway sa kanila Nang nakalapit na si Nenetha ay mabilis siyang niyakap ni Rosanna at niyakap din si Margarita, nag mano naman din ito sa mga magulang nila Margarita. Habang si Abby naman ay nakatayo lamang ito sa dulo at naka masid. Hanggang sa lumingon si Rosanna sa kanya at kumonut ang noo nito habang nakatingin sa kanya. "Ano ngingiti ngiti ka lang ba diyan at hindi mo ako babatiin o yayakapin man lang!? pag tataray na tanong nito sa kanya. Natigilan naman si Abby sa pag ngiti dahil sa inasal ng bagong dating . Nang bigla itong lumapit sa kanya at mabilis siyang niyakap ng mahigpit. Napasinghap pa si Abby dahil sa pagka gulat. "Oh sya,, diyan na muna kayo at mag lilinis pa kami sa aming sarili. sabi pa ni Edita sa kanilang besita. Sige po Inang,, mabilis naman sagot ni Nenetha sa kanilang Ina Hoy mga babae! muntikan na akung magtampo sa inyo" ni hindi man lang kayo nagpadala ng liham sakin, ano naba ang balita dito sa inyo? pag tataray nito sabe sa kanila "Hay,, Rosanna 'mahabang kwinto '' pagtataray din sagot ni Margarita sa kababata nila. Ito kasi si Manang Catherina, simula nung araw na aksidente sa pangpang e' wala nang maalala. Kahit kami hindi nya na nakilala. pag paliwanag pa ni Nenetha kay Rosanna. Lumapit naman si Rosanna kay Catherina at hinawakan ang kabilang braso .Naku! ibig sabihin nun pati ako hindi muna nakilala? bahid sa mukha nito ang pag alala sa kalagayan ng kaibigan. Hmm,, ganon na nga" tipid na sagot ni Abby. Tika ma iba nga ako, diba sa susunod na buwan pa ang uwi mo, at bakit napa aga ata? nagtatakang tanong ni Margarita sa kababata nila. Kaarawan kuna kasi sa susunod na araw. At nais ni Papa nandito ako para idaraos ang maliit na okasyon. Matipid nitong ngiti sa kanila "Ang sarap maging isang anak mayaman. sabat pa ni Nenetha sa kanila. "Nakapag aral sa siyudad at nabibili ang mga nais. Wika pa ni Nenetha at halata sa pananalita nito ang pag hanga nito sa kababatang kaibigan. "Kung alam lang sana ninyo ang totoo kung kalagayan". Pilit na ngiti ang sumilay sa labi ni Rosanna habang dahan dahang lumingon kay Abby. Kita ni Abby ang malungkot na ngiti ang naka tunghay sa labi ni Rosanna, saglit siyang natigilan. Bigla siyang nakaramdam ng kakaiba. Tila nakaramdam siya ng awa para dito. Pakiramdam niya ay nais nya itong lapitan para paga anin ang kalooban nito. Siya nga pala, bago ko maka limutan may ibibigay pala ako sa inyo,. sabi nito habang mabilis na tinungo ang likod ng malaking puno mula sa kanilang kina uupoan, kung saan may nakatago na malaking bayong. Kinuha nya iyon at nilagay sa harapan ng magkakapatid. Ano naman yan!? nagtatakang tanong ni Margarita Binuksan naman ni Rosanna ang hawak na bayong at may kinuha doon na isang tila. "ta'da. masayang sabi nito habang excited na ipinakita ang kanyang mga pasalubong sa mga kaibigan Wow.. ano yan"? gulat na tanong ni Nenetha at umopo ito katabi kay Rosanna. Edi mga damit,, sagot nito habang isa isang pinagkukuha ang mga damit mula sa bayong at isa isang binigay sa kanilang tatlo "Wow ang gaganda naman nito." masayang sabi pa ni Nenetha habang si Margarita ay masayang pinag masdan ang damit na kulay berde na may palamuting mga bulaklak sa baba. Tinaas nya iyon at nilagay sa tapat ng kanyang dibdib. "Manang Catherina..napaka swerte mo talaga, kasi nagkaroon ka ng Isang mabait at mapag palang kaibigan.. natutuwang baling pa ni Nenetha kay Abby habang masayang pinag masdan ang sout na bistida Naka ngiti lamang si Abby habang nakikita nyang masaya ang dalawang kapatid sa regalo na dala ni Rosanna. "Narinig mo iyon Catherina!? Mabait, maganda at matalinong kaibigan daw ako, sabi ni Nenetha sa akin.." Natatawang sabi pa ni Rosanna sa kanya habang naka pamaywang ang dalawang kamay sa baywang nito Hala"! Hindi iyon ang sinabi ko" mabilis na sagot ni Nenetha kay Rosanna Wag munang bawiin iyon Nenetha narinig ko iyon mula sa iyong bibig.. natatawang sabi pa ni Rosanna. Napakamut nalang si Nenetha habang nagugulohan dahil alam nyang wala siyang natandaang iba pang binanggit. Kaya napuno ng tawanan ang kanilang boung bakuran. E' Ikaw ba Catherina? Hindi mo ba nagustohan ang pasalubong kung damit para sayo"? naka simangot na tanong ni Rosanna kay Abby. A-ah oo naman nagustohan ko. mabilis na sagot ni Abby sa kababatang kaibigan. Kung ganon nais kung soutin nyo yan sa kaarawan ko,, Wika pa ni Rosanna sa kanila Gulat napatingin ang tatlong magkakapatid sa kaibigan. "Alam nyo na, bukod sa inyo, mayron narin akung mga bagong nakilala at naging kaibigan sa siyudad at ang iba may kaya sa buhay. Nais ko kayong ipakilala sa kanila, at tsaka sayang ang kagandahan nyo kung nandito lang kayo sa bahay at bukid.. paliwanag pa ni Rosanna sa kanila "Ahm hindi kaya nakakahiya ang dumalo doon? tanong ni Abby kay Rosanna Ano ba kayo, kaarawan ko iyon, kailan pa kayo na iiba sa akin? Para sakin, kayo ang pinaka malapit saking puso. Ayaw kung hindi kayo makarating sa kaarawan ko,, Sige kayo' magtatampo ako kung hindi nyo ako pag bigyan sa nais ko. Lalo na ikaw Catherina." naka nguso pang sabi nito habang naka akbay kay Abby. Oo , Sige pupunta kami sa susunod na araw. Mabilis na sagot ni Margarita kay Rosanna. Talaga ha"? darating kayo"?! paninigurado pa ni Rosanna. Nang biglang may dumating na isang matandang lalaki at may sinabe iyon kay Rosanna. "Siñorita nais ng iyong papa na umowi kana kaagad sa Mansion dahil may kailangan siyang sabihin sayo,, Sabi nito na may pag galang sa anak ng kanyang amo . "O sya, Dina ako mag tatagal pa, Pina pasundo na pala ako ni papa.. Aasahan ko kayo sa makalawa.. Sabi pa nito habang tumalima nang aalis. Nang lumingon ulit ito at tinawag si Abby. Catherina"! sabi ni Rosanna habang mabilis niyakap ang kaibigan "Alam kung hindi muna ako naalala subalit, kahit kunti lang sana may naalala ka sa masayang samahan natin noon. Sating lahat ikaw ang nakakaintindi sa ugali ko. Ikaw ang kababata ko na lagi kung tinatakbuhan sa tuwing mayroon akung mabigat na soloobin. Maluha luhang sabi nito habang kumalas sa pagka yakap kay Abby. Dun lang napinsin ni Abby na may luha na pala ito sa magkabilang pisngi. "Pasinsya kana ro-rosanna kung pati ikaw ay hindi ko maalala.Hingi nya ng paumanhin habang nakayuko. "Ayos lang yon, sa tingin ko di magtatagal ay babalik din sayo ang mga nawawala mong alaala,, kailangan mo pang ng maraming panahon. wika pa nito habang nag pupunas ng luha sa pisngi Tumango lang si Abby bilang pag sang ayon sa sinabi ng kanyang kaibigan. Sige na aalis na ako' paalam!" sabi ni Rosanna sa kanyang mga kaibigan at mabilis na tinungo ang karwahe. Saglit natigilan si Abby, Iba ibang emosyon ang nakikita nya kay Rosanna, ang masiglang at palangiti nito ay sadyang nakikita nya na may tinatago itong problema. At tulad nga ng sinasabi nito sa kanya, kailangan nito ng kaibigan na handang makinig sa mga salaubin nito. "Para sya si Karen, kapag may mga problema pilit nya iyon tinatago. Piro di nya ma itatago sakin. Kaibigan ko sya at alam ko kung may problema ba sya o Wala. Dahan dahan syang napatingala, Naalala kaya nila ako ngayon "? Unti unting nag labo ang kanyang mga paningin dahil sa pag babadyang luha na pumo puno sa kanyang mga mata. Nakita mo ba yong pilit na ngiti ni Rosanna "? tanong ni Margarita sa kanya. Saglit siyang natigilan sa pag muni muni, kasabay ang mabilis niyang pag yuko. "Hoyy Catherina, ayos ka lang ba"? Nag alalang tanong ni Margarita sa kanya. A-ayos lang ako, na puwing lamang ako. Pag sisinungaling pa nya kay Margarita. "Sa tingin ko, may malaking problema si Rosanna kaya siya bumalik dito sating bayan. Muling wika pa ni Margarita. Nahalata mo rin iyon Manang Margarita"? tanong ni Nenetha kay Margarita. Oo naman, halata naman talaga sa mga galaw at pananalita nya. O-oo, nakikita ko din iyon, kung ano man ang naging problema nya sana maayos na iyon. Sang ayon pa ni Abby sa kanyang kinilalang mga kapatid. LEO POV; Tika, ayos na batong sout natin"? tanong ni Terso sa mga kasama nito. Hindi ako komportable, masyadong mainit..!! Turan din ni Gaston sa habang niluwagan pa ang pagkatali sa kurbata. Bakit ba kasi kailangan pa nating sumama kay Vecinte para umakyat nang ligaw. tanong pa ni Caleb habang nag mamaktol sa sout na maluwang na sout na pang ibaba at naka sumbrero din ito. Tika Caleb? gagamit kapa rin ng sumbrero kahit gabi na? nagtatakang tanong ni Terso. Oo naman' para lumabas pa lalo ang kigisigan ko.. Sagot pa nito habang inilagay na ang sumbrero sa ulo. Ay tama nayan' dapat mula ngayon masasanay na kayong mag sout ng ganyang klasing kasoutan. Para hindi kayo ma iilang kapag may dadaluhan kayong mga okasyon. wika pa ni Leo sa mga kasama Mas maayos pa siguro sakin kung mag sout ng naka sanayan natin kasoutan araw araw,, baling pa ni Gaston sa mga kasama. Naintindihan tama ka Gaston, wag kang mag alala itong gabi lang naman. Ang kailangan lang nating samahan si Vecinte sa kanyang pag akyat ng ligaw . Sabi naman ni Leo habang inakbayan si Gaston. Alam nya naman na hindi sanay ang mga ito na mag sout na pormal na kasoutan. Ano naka handa naba ang lahat? Naka ngiting tanong ni Vecinte sa mga kasama. Hindi kaba kinakabahan sa gagawin mo Vecinte? Hindi Tayo normal na tao. tanong ni Luke sa kaibigan. Hindi,, at tsaka kahit pa sila papa at mama ang nag plano nito" dina ako tututol pa. Gusto ko rin talaga yong binibini na iyon. Sabi pa nito habang kumikinang ang mga mata dahil sa saya". Oo na,, si Pinuno Leo at Ikaw mayron nang kasintahan. Ang kami wala pa" pagmamaktol na sabi pa ni Terso. "Pare wag kang mag alala, baka ngayong gabi ang swerte mo, sagot naman ni Caleb habang inakbayan si Terso. Oy tama nayan' aalis na tayo para di tayo ma ubosan. Putol pa ni Luke sa usapan ng dalawa. Anong ma ubosan"? Nagtatakang tanong ni Terso E di mga magagandang dilag.. Naka ngising sabat ni Caleb sa tanong ni Terso Nagtawanan nalang sila dahil sa sinabe ni Caleb. Umalis na nga silang limang magkaibigan at tinungo ang kanilang sadya. Pagdating nila sa bahay na kanilang ng may kaarawan ay madami nang mga besita sa labas ng bakuran, Ang iba ay abala sa pag kikwentohan at ang iba'y abala sa inuman . Pagpasok nilang Lima sa bakuran ng isang malaking bahay ay pinagtitinginan na sila ng mga tao mula sa bakuran , lalo na sa mga kababaihan. Lieutenant Avelino cómo estás?(kamosta ka?) Bati ng matandang Spañol kay Leo Habang natutuwang lumapit ito sa kanila sabay tapik nito sa balikat ni Leo. Ah, Siñor Rodriguez, Estamos bien señor, gracias por invitarnos aquí para el cumpleaños de su hijo. (Ok lang kami siñor, salamat po sa pag-imbita sa amin dito sa kaarawan ng anak niyo.) "Entrar en mi casa,, (pumasok kayo sa bahay ko),, pag anyaya pa nito kina Leo. "Seguro Por qué no. "( oo bakit hindi).. Sagot agad ni Leo. Sumonud naman ang lima kina Leo at sa matandang lalake habang abala parin ang mga ito sa pag kukuwintohan. Dinala naman sila sa isang maluwang na sala at halos mga kababaihan ang nandun at abala ito sa pakikipag kwintohan sa iba pang mga bisita. Umopo silang lima sa gilid na kung saan may isang upuang kahoy at sa gitna naman may isang lamesa na gawa rin sa kahoy na Narra. Nag pa linga linga sa boung paligid ang limang binata, halata na may hinaha gilap ito ng kanilang mga paningin. Habang si Leo ay abala makipag usap sa Matandang may ari ng bahay na pinasukan nila. Mula sa kina uupoan ni Caleb ay nakita niya ang kakilala nilang babae abala din ito sa pakikipag kwintohan sa ibang bisita, kaya nag kanya kanyang sikohan silang Lima. Hanggang sa tumingin sila sa isang deriksyon. Kita nila si Catherina at si Margarita na naka upo ito sa sulok at abala sa iniinom. Catherina!! sigaw ni Caleb, Mabilis naman tinakpan ni Terso ang bibig ni Caleb. piro huli na dahil nakuha na nila ang boung atinsyon ng mga kababaihan sa loob ng malaking sala. Halatang nagulat pa ang dalawang dalaga nang makita sila. Ngunit tumayo naman agad ito at lumapit sa kanilang puwisto. Oy' andito rin kayo!? nakangiting tanong ni Abby sa kanila. Oo, dahil may sina mahan kami dito. Sagot naman ni Terso na biglang siniko ni Vecinte. Ah Tika lan , naalala nyo pa ba ang aking Manang Margarita, dun sa ilog nung minsan niligtas nyo kami, tanong ni Abby sa limang binata. Tumango lang ang limang binata. Oo naman, bakit naman namin iyon makalimutan. Sagot pa ni Caleb kay Abby Ngunit napansin ni Abby na wala si Leo, Pag lingon ng dalaga sa may bintana nakita nya ito at abala ito nakipag kwintohan sa ama ni Rosanna. Halatang seryoso ang pinag usapan ng mga ito "Ah manang siguro naman kilala muna silang lahat. Tanong pa ni Abby kay Margarita. Ahm hindi naman lahat. Nakangiting sagot naman ni Margarita kay Abby. Isa isang pinakilala ni Abby ang Limang binata kay Margarita. Malugod namang tinanggap ni Margarita ang mga kamay nito. Lumapit din si Leo sa kanilang puwisto at nakipag kamay kay Margarita Ngunit natigilan lamang si Margarita ng lumapit na ang kamay ni Leo sa kamay nya para makipag kamay sa kanya. Bumilis ang pagtibuk ng kanyang dibdib. kaya bigla syang napa hawak sa kanyang dibdib upang pigilan iyon. Nang pagtingin nya sa mukha ng binata ay dun nya nakumpirma na mas lalo pa ito naging makisig sa malapitan. Mabilis naman binitawan ni Leo ang kamay ni Margarita nang mapansin niyang nakatitig si Margarita sa kanya at mabilis nag paalam sa mga kasama. Naasiwa siya sa mga mata ng mga tao na nakatingin sa kanya sa boung paligid. Nagtatakang si Abby habang sinusundan nya ito ng tingin. Mula sa malayo ay mabilis na lumapit si Nenetha sa kanilang puwisto. Oyy" andito rin kayo? gulat na tanong ni Nenetha sa limang kalalakihan. Oo naman, sagot agad ni Caleb habang mabilis na tumayo mula sa pagka upo Kumikislap naman agad ang mga mata ni Nenetha nang makita si Caleb Ako pala si Caleb, ikaw binibini ' maari ko bang malaman ang iyong pangalan? may pag galang na tanong ni Caleb kay Nenetha Ako pala si Nenetha ang bunsong kapatid ni nila Manang margarita at Manang Catherina nakangiti namang tinaas ni Nenetha ang kanyang mga kamay at para ilahad sa kamay ni Caleb. At mabilis iyon tinanggap ni Caleb kasabay nun ang paghalik nito sa likod ng palad ni Nenetha. Nang bigla nalang pumagitna si Abby. Hep! hep! Caleb,, baka nakalimutan mo kapatid ko itong si Nenetha!? pag tataray na wika ni Abby sa binata. Napakamut naman ulo sa si Caleb at napatingin kay Abby. "Si Catherina naman, alam ko naman yon.." Nangangamut sa ulo si Caleb habang sumagot kay sa kanya Ayon naman pala eh, buti naman. Ang boung akala ko nakalimutan muna. sagot naman ni Abby kay Caleb. Manang pag bigyan mo muna ako ngayon.." pakiusap ni Nenetha sa kanya. Kaya wala nang nagawa pa si Abby pinag bigyan ang bunsong kapatid. Nang biglang sumolput si Rosanna mula sa likod ni Catherina. Nawala lang ako ng anim na buwan Catherina " piro madami kanang kaibigang pinalit sakin.. naka ngusong turan ni Rosanna kay Abby. Napangiti lamang si Catherina dahil sa tinuran ng kanyang kaibigan Mabilis namang napatayo si Vecinte nang makita si Rosanna. Oyy,, Vecinte! Bati ni Rosanna kay Vecinte Tika kilala mo sya..? Gulat na tanong ni Catherina sa kaibigan Oo,, tsaka kuna ikwinto sayo,,bulong pa ni Rosanna sa kanya. Mula naman sa malayo at tanaw ni Abby si Luke at Terso habang abala ito sa pakikipag kwintohan sa ibang kababaihan. Lumingon naman sya kina Rosanna at kay Vecinte kita nyang nag uusap ito na may pa hawak kamay kaya napataas ang kanyang kanang kilay. Dahil halata sa dalawa ang nag kikislapang mga mata. Mula sa dulo ay kita din ni Abby si Gaston abala sa paglalaro ng dice kasama ang ibang kalalakihan. Masaya naman ng uusap sila Caleb, Nenetha at Margarita. Ngunit napansin niyang wala doon si Leo. Kaya nilibut nya ang boung lugar para makita ang binata. Nang nakaramdam ng pagod sa pag lilibut sa malaking bahay ay napag desisyonan ni Abby na pumonta sa Balkonahe ng Rodriguez family. Masaya nyang pinagmasdan ang mga bituin sa kalangitan na nag kikislapan,, Bakit ka nandito..? tanong ng isang pamilyar na bosis Nagulat naman si Abby at napa atras ng kunti habang nakatutuk ang kanyang paningin sa parteng madilim na lugar. May nakikita syang naka upo sa damuhan at katulad nya nakatanaw rin ito sa kalangitan. Dahan dahan syang lumapit sa taong naka upo sa damuhan at dun nya napagtanto si Leo pala iyon.. Ah e" Ikaw ano ba ang ginagawa mo dito? nag sasaya ang mga kasama mo dun " tapos Ikaw andito nag iisa. Balik nyang tanong kay Leo Oo kanina nag iisa, piro ngayon hindi na.. natatawang sabi pa nito sa kanya habang naka harap na ito sa kanya. Tika bakit mo ako tinititigan ng ganyan..!? nagugulohang tanong ni Abby sa binata " Ang Ganda mo kasi ngayon,, kasabay nun ay pag higa nito sa makapal na damuhan Bigla nalang na mula ang pisngi ni Abby dahil sa sinabi ng binata,, buti nalang din at nasa perte ng madilim na lugar sila naka upo, kaya hindi nahalata ng binata ang pamumula ng kanyang makabilang pisngi Bolero!! angas nyang sabi dito Natawa naman ang binata dahil sa kanyang sinabi. "Bakit kaya ang hilig hilig umopo nito at humiga sa damuhan,, wika pa ng kanyang isip Tsk! naririnig kita" sabi nito sa kanya Oo na,,' Sagot nya naman nang nakaramdam sya ng pananakit sa likod ay humiga narin sya. Kamosta na kaya sila Mama at Papa, naalala kaya nila ako ngayon"? Na mimiss kuna sila subra. Hinahanap kaya nila ako ngayon"?Ang mga kapatid ko at ang mga kaibigan ko gusto gusto kuna silang makita. wika pa ng kanyang isip kasabay nun ang unti unting pag landas ng kanyang mga luha. Malalim napabuntong hininga naman si Leo nang marinig ang iniisip ni Catherina. "Wag kang mag alala, makakabalik kang buhay at ligtas sa mundo mo. wika pa ni Leo sa kanya. ,E papaano? tanong nya kay Leo habang nag pupunas na ng kanyang luha. ''Puntahan mo ang Babaylan na si Layla' Sya ang may alam sa totoo mong kalagayan. Sumilay ang ngiti sa labi ni Leo habang nakaharap na ulit ito sa kanya. "Tigilan mo nga ako sa kanyang klasing ngiti.. Asik ni Abby sa binata "At tsaka baka nakalimutan mo, hindi ako ang kasintahan mong si Catherina,, at baka nakalimutan mong ibang katauhan ang nasa katawan nya.. Paalala pa ni Abby kay Leo "Oo alam ko naman iyon. Ngunit ikaw parin naman ang Catherina sa hinaharap ahh. Kung iisipin' muli kang nabuhay sa hinaharap. Ngunit hindi muna ako nakilala, baka nga nabura na ang mga alaala mo mula sa panahong ito. At baka nga nabuhay rin ako sa panahon mo at hindi pa nag kita ang ating landas doon Catherina. Mahabang latinya nito sa kanya. Posible kayang nabuhay karin sa hinaharap"? tanong ni Abby sa binata Posible ,, Malay mo' baka pag balik mo sa mundo mo makita mo ako dun. sagot pa ni Leo sa kanya. Hmm,, Wala pa ba kayong planong umowi? tanong ni Nenetha at Caleb mula Balkonahe. Napabaligwas naman sila Abby mula sa pagka upo at sabay sabay na napatayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD