bc

Husband for Hire: Iñigo Alejo – The Heartthrob Professor

book_age18+
1.3K
FOLLOW
5.8K
READ
drama
tragedy
sweet
humorous
heavy
serious
like
intro-logo
Blurb

"No man is an island."

But Iñigo is the best example of a man living alone. Walang pamilya. Walang kaibigan. At walang ka-ibigan.

Pero nagbago ang lahat ng iyon nang maging kliyente niya si Marga Santillan. They made an agreement na magpapanggap lang si Iñigo bilang fiancé niya sa lalaking tinatakasan niya noon pa man dahil sa madilim nitong nakaraan sa lalaki. Subalit hindi akalain ni Iñigo na sa pagpapanggap ay tuluyan siyang mahuhulog sa dalaga. Iñigo became her knight-in-shining-armor and protected her from the man she wanted to avoid.

Ngunit alin kaya ang dapat sundin ng dalawa? Ang pusong nagmamahalan o ang kontratang nagiging harang sa kanilang pag-iibigan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Panay ang sulyap ni Iñigo sa kaniyang relos habang hinihintay ang takdang oras. Nakaupo siyang pinagmamasdan ang mga estudyante sa harap niya. Tanaw niya mula sa teacher's table ang mga ito at binabantayang mabuti sa ginagawa nilang pagsusulit. Humalukipkip pa siya at ngumisi. Kitang-kita niya sa mga mukha ng estudyante niya kung gaano ang mga ito nahihirapan. He felt the satisfaction inside. Alam niya kung sino sa mga ito ang nag-aral at hindi. May nagkakamot ng ulo habang nagsasagot. Senyales iyon na wala man lang napag-aralan ang estudyanteng iyon. Habang ang iba naman ay seryosong sinasagutan ang test paper na ginawa niya. Being a History Professor is one of the noblest job for Iñigo. Ito na yata ang pinaka-cool na trabaho sa boring na buhay ng bente-siyete anyos na binata. Ulilang lubos sa magulang at binubuhay ang sarili nang mag-isa. Sapat lang ang sinasahod niya bilang isang propesor sa isang kolehiyo sa Batangas. May sariling bahay at sasakyan naman siya. Ngunit tulad ng isang tipikal na indibidwal, dumaranas din siya ng mga problema sa buhay. Normal nga lang siguro iyon para sa taong tulad niya. Pero laking pasasalamat na lamang niya at nakakaraos pa rin siya sa araw-araw na pamumuhay. Siya namang pagtunog ng bell ng eskwelahan nang dumating na ang takdang oras. "Okay, class. Finish or not finish, pass your papers." May pagkadismaya ang ilan sa kanyang mga estudyante, habang ang iba naman ay nakaabot sa takdang oras. Wala namang nagawa ang mga estudyane niya kundi ang ipasa na lang ang kanilang mga test paper. Bago pa man magsilabasan ang lahat ng mga mag-aaral ay isa sa mga ito ang sinadyang magpahuli. Nanatili naman sa harap ni Iñigo ang batang iyon na kasalukuyang nakatitig sa kanya habang inaayos nito ang mga papel sa mesa. Kaagad naman itong napansin ni Iñigo. "O, Mr. Rosales, bakit nandito ka pa?" puna niya sa binatilyong nasa harap niya. May kapayatan ito at may suot na makapal na salamin. Isa ito sa pinakamagaling na estudyanteng nakilala niya sa kaniyang klase — si Arthur Rosales. Nahihiya nitong inilabas ang isang kahon mula sa bag niya at inilahad iyon kay Iñigo. Laking pagtataka naman niya nang makita ang kahon na iyon. Nang buksan niya ay nagulat siya sa laman nito. "Para saan 'to?" usisa niya. "Para po sa inyo iyan." Isang Rolex golden watch ang laman ng kahon na iyon. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa bagay na hawak at sa binatilyong nasa harap. Bakit naman siya bibigyan ng ganoong kamahal ng isang batang estudyante? Tila nagdalawang-isip pa siya kung para sa kanya ba talaga iyon o binibiro lamang siya ng bata. "I'm sorry, but I can't accept this. It's too expensive for me," pagtanggi niya sa alok nito. "Sir, I owe you a lot because you inspired me. Kaya tanggapin n'yo na po ang regalo ko." Iñigo tapped him on his shoulder. "You don't need to do this. Masaya na akong natututo kayo sa akin bilang mga estudyante ko." "Pero, sir—" "Mr. Rosales, just keep it. Ayaw kong isipin ng mga kaklase mo at ng ibang guro dito na tumatanggap ako ng mamahaling regalo mula sa iyo kaya tumataas ang grades mo." Walang nagawa ang binatilyo at inilagay na lang ang relo sa bag. Hindi inalintana ni Iñigo ang nalukot na mukha ni Arthur. Hindi niya gustong mapahiya ang kanyang estudyante subalit iyon lang ang tanging paraan para hindi magkaroon ng maling interpretasyon ang ibang mag-aaral doon sa kanya. "Sorry, sir." Hindi na nagawang makatingin nang diretso ni Arthur kay Iñigo. "Don't be sorry. I appreciate it, but I can't accept that."Iñigo heaved a heavy air because of the guilt that he felt. "Okay, tulungan mo na lang akong dalhin ang mga papel na ito sa faculty," utos niya para naman mabawasan ang guilt na nararamdaman. "Okay, Sir." Agad namang kinuha ni Arthur ang mga papel na dala ng guro at sumunod ito sa kanya. Habang naglalakad sa pasilyo ng paaralan ang dalawa ay panay naman ang titig ng ibang mag-aaral ng unibersidad sa kanya at iba't ibang bulungan ang naririnig niya sa mga ito. "Sh*t! Ang guwapo niya..." "Pagka-graduate ko, ako na mismo ang manliliagaw kay Sir Iñigo..." "Ako, magpo-propose agad ako sa kanya..." Ilan lamang iyon sa mga bulungang naririnig niya sa pasilyo na hindi rin nakaligtas sa pandinig ni Athur. Pero parang bingi lang si Iñigo na naglalakad lang nang diretso patungo sa faculty. Hindi naman maitatanggi na kahit nasa edad bente-siyete na ito ay may karisma pa ring taglay kaya hindi kataka-taka na kahit ang mga kolehiyala ay nagkakandarapa sa kanya. Pero hindi sumagi sa isipan ni Iñigo ang pumatol sa estudyante niya. Wala sa hinuha niya ang makipagrelasyon sa kahit na sino sa loob ng university lalong-lalo na sa mga estudyante niya. Lagay na kasi ang loob niya na kaya na niyang mamuhay mag-isa. Nagawa nga niyang itaguyod ang sarili nang mag-isa. He really doesn't need anyone to be his companion. Hind nga siya naniniwala na sa kasabihang "No man is an island" dahil kung may tao mang kayang mag-isang mamuhay nang mag-isa, siya iyon. He was about to enter the faculty room when his phone rang. Kaagad naman niyang kinuha iyon sa kanyang bulsa at tiningnan ang caller ID kung sino ang tumatawag. Kaagad namang napatigil ang binatang propesor sa paghakbang papasok nang malaman kung sino ang tumatawag. He took a glimpse to Arthur and said, "Just put those papers on my table." "Yes, sir." Agad namang sumunod si Arthur sa guro at ipinasok ang mga papel sa loob pero nakatuon ang kanyang paningin sa guro na pinapakinggan ang tawag. "Yes, hello?" narinig niyang wika ng guro. Subalit hindi gaanong dinig ni Arthur kung sino ang kausap ni Iñigo. Ang sigurado lang niya ay lalaki ang kausap nito sa kabilang linya dahil sa makapal na tinig na nagmumula roon. "Yes, I'll be there in a minute." Matapos sabihin iyon ay kaagad na ibinaba ni Iñigo ang telepono at nagtungo sa kanyang mesa. Mabilis naman inilipat ni Arthur ang atensyon sa mga papel na kubwari'y inaayos ito. "You can leave now, Mr. Rosales. Thank you," aniya. "Okay, sir." Hindi na nagtanong pa si Arthur kay Iñigo ngunit kinikitil ang kanyang kyuryosidad sa kung sino ang kausap ng guro. Nang makalabas naman si Arthur ay agad din namang lumabas si Iñigo. Sinundan lang siya nito ng tingin pero binalewala lang niya ang pagmamadali ng guro na sumakay agad ng kotse. Madalas kasi itong nagmamadali tuwing matatapos ang klase kaya nasanay na siya. Siguro ay mahalaga lang talaga ang pinupuntahan ng guro kaya hindi na niya inusisa pa kung ano ang ginagawa nito at saan siya nagpupunta.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.6K
bc

His Obsession

read
73.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook