Chapter 2

1291 Words
            "You... are... fired!" Marga's voice echoed like a roaring lioness inside the four corner of the eleventh floor where her office was designated. Halos mabasag ang glass wall na namamagitan sa opisina niya at sa cubicle tables ng mga empleyado. Lahat ng atensyon ng mga naroon ay nakatuon sa kaniya. Kahit sound proof ang nasabing opisina nito ay nagawa pa ring makalabas ng tinig ni Marga na siyang  nakatawag ng pansin sa mga empleyado sa labas.             Hindi naman magawang makakibo ng babaeng kaharap na halos mayupi na ang katawan sa sobrang pagkakayuko dahil sa takot. "Kahit elementary student, kayang gawin ang ganitong klaseng business proposal! Anong tingin mo sa kompanyang 'to?! Preparatory school?"                     Hindi magawang makaimik ng empleyadong pinapagalitan niya na tila napako ang mga paa sa kinatatayuan nito. Halos mamanhind din ang mukha nito sa takot.             "Ano pang hinihintay mo? Get out!"             Walang nagawa ang kawawang empleyado na nagmamadaling lumabas ng opisina at umiiyak. Siya namang pagpasok ng isang babae na kaswal lang na pumasok at para bang hindi man lang nasindak sa mala-Amazona niyang sigaw kanina lamang. Prenteng umupo lang ang babaeng iyon sa couch na nasa tapat lang ng kaniyang office table.             "Pang-ilang executive assistant mo na ba iyon? Fifty? Sixty?" tanong ni Hanna. Isa sa mga kaibigan ni Marga at business partner niya. Siya ang pinakamalapit na kaibigan ni Marga. Hindi tulad ni Marga, mapagbigay si Hanna sa mga empleyado sa departamento niya— ang finance department ng Santillan Group of Companies.                     "Ayoko ng bobo sa kompanyang ito. Hindi ako nagpakahirap ng napatagal na panahon para lang mauwi sa wala ang lahat. SGC is my life."             Ang nasabing kompanya ay itinaguyod mag-isa ni Marga. Simula pagkabata kasi ay naulila na siya sa magulang. Kaya ganoon na lamang ang paghihigpit niya sa mga empleyado na ayusin ang trabaho nila.             "Everybody knows that, Marga. But don't you think, you're being too tight for them." Saglit na sinulyapan ni Marga si Hanna na kasalukuyang sinusuri ang proposal na ginawa ng pinatalsik niyang empleyado at iniisip niya kung paano iyon magagawan ng remedyo. She had no choice but to revise it before she present it to her client.             "If being tight is the only solution to be on top, then I should stick to that solution," aniya pagkatapos ay muling ibinaling ang atensyon sa ginagawa.             Huminga lang nang malalim si Hanna. Mukhang wala siyang magagawa sa ganoong klaseng ugali ni Marga.             "Whatever you say," wika ni Hanna bago tumayo sa kinauupuan. Paalis na sana siya nang biglang may maalala. Napapitik pa ito bago muling nilingon ang abalang si Marga. "Anyway, may get together mamaya sa isang bar sa may Makati. Are you with us?"             "Pag-iisipan ko," tipid niyang sagot na nakatuon pa rin ang atensyon sa folder na binabasa.           "Come on, Marga. You need to take a break. Don't you think this is the right time to find someone? I mean, why don't you try to date random guys out there," suhestyon ng kaibigan sa kaniya.             Halata nga naman kasi sa hitsura ni Marga na kahit anong ganda niya ay never nilang nakita itong ngumiti. Kung may pagkakataon man, bihirang-bihira lang. Mas mabibilang pa yata ang ngiti nito kumpara sa nakatambak na papel sa kaniyang mesa.             "I don't need someone who will give me another hard time... and headache. So, please... let me finish my job, first, before I answer you, Hanna. Titingnan ko muna kung kaya ng schedule ko." Hindi naman natinag si Marga sa ginagawa niya. Nagkibit-balikat na lamang si Hanna. Muli, wala na naman siyang nagawa.             "Okay," tipid niyang sagot bago umalis. Hindi rin naman kasi niya mapipilit si Marga kung ayaw talaga nito.   *****             Alas diyes na ng gabi nang matapos ni Marga ang rebisyon ng business proposal. Siya na lang at ang night shift na guard ang naroroon.             "Ma'am Marga, tulungan ko na po kayo," alok ng guard nang makita si Marga. Agad nitong kinuha ang bag at ihinatid siya saa parking lot ng company building.             "Salamat, Mang Tonyo," wika niya nang pagbuksan siya ng pinto ng kaniyang kotse at ibigay ang kaniyang bag.  Kahit naman mahigpit siya sa ibang empleyado ay naroon pa rin ang magandang pakikitungo niya sa iba — kabilang na roon si Mang Tonyo na matagal nang naninilbihan sa kaniya bilang security guard.             "Ingat po kayo," ani 'to na pinasadahan lang siya ng tipid na ngiti bago pinaandar ang sariling sasakyan.             Habang binabagtas niya ang daan ay siya namang pagtunog ng cell phone niya. Gamit ang ear piece na konektado sa kaniyang telepono ay sinagot niya iyon.             "Hello," wika niya na walang ideya kung sino ang nasa kabilang linya.             "Marga, are you coming? Ikaw lang ang kulang.” Sa pagkakarinig niya sa boses mula sa kabilang linya ay mukhang kilala na niya kung sino iyon. It was Hanna.             "Okay, I'll be there in a minute," aniya.             "Okay, good! We'll wait you here!"                     Matapos iyon ay kaagad na niyang ibinaba ang phone. Hindi rin naman kasi siya makakatulog kaagad pagdating ng bahay kaya pinili na lang niyang puntahan ang mga kaibigan sa bar. Agad namang bumungad sa kaniya ang tatlo na nakaupo sa isang VIP area nang makarating siya sa sinabing bar ni Hanna.                     "Oh, the richest primadona queen is here now," pangungutya ni Chloe matapos simsimin ang alak na nasa baso.                     "Shut up, Chloe. I just had a bad day so huwag mo akong paandaran," mataray na tugon ni Marga.                     "Ikaw naman, hindi na mabiro. Let's just enjoy the night." Inabot ni Chloe ang baso ng wine sa kaniya.             "Alam mo, maraming boys dito. And all of them are so hot. Why  don't you try to pick one of them?" kinikilig naman na saad ni Faith. Kaagad namang inikot ni Marga ang paningin sa paligid ng bar. Pero kahit isa sa mga nakita niya ay wala siyang natipuhan.             "Hindi ko sila type, let's just drink and have some fun."             "Marga, hindi ka na bumabata. Kailangan mo nang maghanap ng mapapang-asawa. Wala namang mawawala kung susubukan mong makipagkilala ni isa man lang sa mga lalaki rito. Besides, maganda ka naman. I'm sure they can't resist you," pagpupumilit ni Hanna.             "I have a suggestion, why don't you try this dating agency?" inilabas ni Faith ang phone niya at may ipinakita sa isang browser. Sabay-sabay namang nagtinginan ang tatlo sa ipinakita ng kaibigan.             "Strings of Faith? Ano naman 'yan?" tanong ni Marga             "This is just a dating agency. Hindi ko naman siya sinusubukan dahil loyal ako sa boyfriend ko. Nakita ko lang siya noong nagba-browse ako sa phone ko. And it says here na kahit na anong klaseng lalaki ang gusto mong maka-date ay mayroon sila. Anong malay mo, Marga, dito mo na makita ang soon to be husband mo," ani Faith.             "Hindi ba parang human-trafficking 'yan?" sabat ni Chloe             "I don't think so. Makikipag-date ka lang naman, e. Why don't you try it, Marga?" ani Faith.             "No, not interested. Boys are just dumba*s." Nagkatinginan na lang ang tatlo sa naging tugon ni Marga.                     Matagal na niyang mga kaibigan sina Chloe, Faith at Hanna. Kaya hindi na iba sa kaniya ang mga ito. Sa kanilang apat, siya lamang ang pinaka-successful. Pero hindi mapagkakailang kahit gaano kagarbo ang buhay niya ay nananatiling simple ang buhay na pinili niya. Iyon nga lang, ipinangako niya sa sarili na kahit na anong mangyari ay hinding-hindi na siya babalik sa hirap.             Isa pa sa rason niya, kaya ayaw niyang papasukin ang mga lalaki sa buhay niya ay dahil sa nakaraan na pilit niyang kinakalimutan... nakaraan na kaniyang kinatatakutan. Dahil sa isang lalaki na nanakit sa kaniya noon ay ayaw na niyang makipagrelasyon ulit.             Linagok niya ang basong iniinom habang tagusan ang paningin sa mga taong nasa harapan at tila may malalim na iniisip. No... never... It won't happen again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD