"Hello, Council JC." Hinihingal na pumasok si Iñigo sa loob ng opisina ni Council JC na abala sa kaniyang laptop.
Saglit nitong inayos ang salamin bago ibinaling ang tingin sa binata na halos tumagaktak na ang pawis. Agad namang kinuha ni Iñigo ang panyo sa kaniyang bulsa at pinunasan ang mukha. Tila ba hindi tumatalab ang lamig ng aircon sa kaniya noong mga oras na iyon.
"I'm sorry to rush you, Iñigo. Umupo ka muna," alok ni Council JC sa kaniya at mabilis na isinara ang laptop.
Umupo naman ang binata sa couch na nasa tapat lang ng table ni Council JC. Saglit na inikot ni Iñigo ang paningin sa loob ng main office. Hindi pa rin talaga nagbabago ang nakaka-relax na ambiance sa lugar na iyon: walls are painted with dark-gray color, a carpeted-floor and every part of that place really stunning. Parang hindi isang opisina ang lugar na iyon kung titingnan. Sa ganda at ayos nito ay hindi mapagkakailang napakagara ng kompanya.
Ilang minuto lang ay umupo si Council JC sa harap niya at inilapag ang isang folder. Dumekwatro siya ng upo at tinakpan ang ball pen, pagkatapos ay isinilid ito sa bulsa ng kaniyang coat.
"You have been husband-for-hire for almost one year here in the company. I am now asking you if you still want to be part of RnJ." Seryoso ang tingin ni Council JC kay Iñigo.
Yes. Iñigo has been part of RnJ company for almost one year. At wala pang nagiging bad record ang binata dahil malinis ang naging trabaho nito simula nang pumasok siya sa nasabing kompanya. May mga pagkakataong gumagamit siya ng prosthetics sa mukha para lang mag-iba ang kaniyang hitsura sa kliyente at magpabago-bago ng pangalan para lang hindi ito makilala. And being husband-for-hire became his bread and butter aside from being a professor. Malaki ang naging tiwala sa kaniya ni Ricardo simula pa noon. Hindi kasi nito kinakitaan ang binata ng mga problema noon pa man.
Mag-isang namumuhay si Iñigo at walang gaanong nakakakilala sa kaniya maliban sa mangilan-ngilan nitong kaibigan. Kahit ang mga estudyante niya ay hindi alam kung ano ang tunay niyang pagkatao; kung saan siya nakatira at kung sino ang pamilya nito. Kaya naging madali para sa kaniya ang maging pribado.
Subalit nagtalo ang isipan niya sa folder na nakikita. Nakatitig lang siya roon. Hindi niya kasi alam kung kaya pa niyang panindigan ang pagiging husbando. Madalas kasi ay nakakaramdam siya ng guilt sa tuwing magpapanggap siya bilang ibang tao. Pero nasanay na siya kaya hindi na bago sa kaniya ang ganoong trabaho.
"Why don't you try to read it first?" ani Council JC.
Without any hesitation, he got the folder and read it. Nagulat siya sa nakita. The company offered him an increase. Fifty percent increase? Napamulagat siya sa nabasa. Kinusot pa niya ang mga mata upang masigurado kung totoo ang nakikita. Ngunit kahit ilang beses siyang kumurap ay iyon at iyon pa rin ang lumalabas na resulta. Dinagdagan ang sahod niya bilang husbando.
"Sigurado ba kayo rito?" gulat na tanong ni Iñigo nang muling magtama ang mga mata nila ni Council JC.
"Tama ang nakikita mo. Our boss gave you the fifty percent increase dahil sa mga naging performance mo while doing your job. But this contract is confidential, bilang lang sa inyo ang binigyan ng ganyang klaseng contract because he trusted all of you so much," paliwanag ni Council JC.
Muling nagtalo ang isipan ni Iñigo. It also gave him the pressure. Sa laki ng offer na iyon ay puwedeng-puwede na siyang mag-resign sa pagiging propesor. Pero hindi, gusto niyang ituloy ang passion niya bilang isang guro. Iyon na lang kasi ang nagpapasaya sa kaniya. Kaya lang, iniisip niya kung tatanggapin niya ang offer ay baka mas lalo pang lumaki ang expectation ng company sa kaniya.
Paano kung hindi ko mapanindigan? Paano kung hindi ko deserve ang ganitong offer? Nahihirapan na siyang magdesisyon. Hindi rin naman siya makakaalis sa kompanyang iyon nang ganoon lang. Hindi na rin naman niya matatanggihan ang offfer. Isa pa, ginusto niyang pasukin ang pagiging husband-for-hire kaya hindi niya mabibitawan ang ganoong kadali ang trabaho. Ayaw niyang masayang ang tiwalang ibinigay sa kaniya ng company at ni Ricardo kaya minabuti niyang tanggapin ang offer.
"Can I have your pen?" pakiusap ni Iñigo.
Kusang umarko ang ang gilid ng labi ni Council JC at kinuha ang ball pen na isinilid nito sa bulsa ng kaniyang coat. "Here."
Pinirmahan kaagad ni Iñigo ang sampung pahina ng kontrata. Alam na naman niya kung ano ang nakapaloob doon. Ang naiba lang ay ang offer na ibinigay sa kaniya. Makailang beses na rin niyang nabasa ang bawat pahina niyon kaya hindi na niya inabala pa ang sarili na basahin isa-isa ang naroroon.
"Thank you," ani Iñigo matapos mapirmahan ang kontrata na kaagad naman niyang ibinigay kay Council JC.
Sabay silang tumayo at nagkamay. "Thank you for accepting the offer."
Matapos iyon ay nakaramdam si Iñigo ng kakaibang kirot sa kaniyang ulo kaya napahawak siya sentido. Napansin naman iyon ni Council JC.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya sa binata.
"Yeah. Migrane lang siguro. Alam mo na, stress sa trabaho," sagot naman ni Iñigo na nawala naman kaagad ang pagkirot ng dibdib makalipas lang ang ilang segundo.
"Maybe you should see a doctor. May hospital naman ang RnJ, bakit hindi mo subukang magpatingin doon?" suhestyon ni Council JC.
"No, hindi na. Maybe rest is enough."
"Are you sure?" Kumunot ang noo ni Council JC.
"Yes," saad ni Iñigo.
"Okay, if may hindi pagbabago sa nararamdaman mo. You can come here and see me," he offered.
"Don't worry about me, Council JC. You know how healthy I am." Sa dami ba namang training na pinagdaanan ni Iñigo bago mapabilang sa mga husbando ay nakasisigurado siyang healthy naman siya. Hindi naman siya mapupunta sa ganoong trabaho kung hindi siya physically fit.
"I know. I just want to sure that you're in a good condition before we deploy you." sambit ni Council JC.
"Deploy? You mean, may client agad ako?" Bigla siyang na-excite nang marinig iyon.
"Wala pa sa ngayon. But I'm sure may kukuha agad sa iyo."
In just a snap, biglang nagkaroon ng magandang aura ang mukha ni Iñigo. Sino kaya ang susunod na magiging kliyente ko? Being a husband-for-hire is an exciting job for him. Kaya ganoon na lamang ang pagkasabik niya nang malamang magkakaroon na siya ng panibagong kliyente.
Ngunit ang tanong... sino nga kaya ang magiging client ni Iñigo?