THREE

1555 Words
Paumaga na at tapos na ang inuman. Umakyat na ang mga kasama namin ngunit nanatili pa kami ni Iros sa kubo. Tahimik at wala kaming ibang naririnig kundi ang huni ng insekto at hangin. Napapaungol siya sa tuwing tinatapik ko ang balikat niya. Nilalamok na kami pero siya ay nakapikit pa rin at walang balak gumalaw. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang mga kamay. Simula pa man noon ay pinanatili pa rin niyang nasa balikat ang haba ng kulot niyang buhok. Mabango iyon at halatang inaalagaan niya ng mabuti. "Iros, akyat na tayo?" Dahan-dahan siyang umahon tsaka namumungay na nagmulat ng mga mata. "Tabi ka sa akin?" "W...what?" Kinurot ko ng mahina ang sarili para masigurong hindi ito karugtong ng panaginip ko kanina. I am not exactly conservative. I am old enough to explore my body's needs. However, the problem is he is drunk, and I am inexperienced. "Tabihan mo lang ako. Malamig tsaka hindi na ako sanay..." pagklaro niya sa iniisip ko. Parang bata siyang ngumuso. "Gusto ko ng kayakap." Nababaliw na talaga ako. Hirap ko siyang inakyat hindi lang dahil sa mabigat siya kundi dahil sa nagagawa niya pa akong kilitiin habang paakyat kami sa hagdan. Pigil ang tili ko sa takot na maistorbo namin ang ibang tao sa bahay at baka kung ano na lang ang isipin ng lola at lolo niya. "Kuha ka ng hoodie. Malamig. Baka magkasakit ka..." Nakahiga na siya at nakapikit, yakap yakap pa ang unan. Gusto kong sumbatan siya at sabihang kung totoo ang sinasabi niya bakit nakahubad lang siya at tanging boxer shorts lang ang suot. Naiinis ako dahil sa hindi ko maiwasang isipin na masyado siyang komportable. Ganito rin ba siya sa lahat ng naging babae niya? Kahit na may kirot sa puso ko ay sinunod ko pa rin ang gusto niya, pero sa halip na bago ay ang ginamit niyang hoodie ang kinuha ko. Napanguso ako nang maamoy ko ang bango niya sa hoodie. Nakakainis. Baliw na baliw ako sa kanya. Pinagmasdan ko ang mukha niya nang mahiga na ako sa tabi niya. Kahit tulog ay hindi pa rin maipinta ang mukha niya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang idantay niya ang braso sa akin tsaka ako niyakap ng mahigpit. Tila hindi siya kontento at hinila ang kumot para ibalot sa akin habang pikit pa rin ang mga mata. Nag-alala ako sa kanya dahil tumatama talaga sa hubad niyang likuran ang buga ng aircon. Inabot ko ang isang unan at inilagay sa likuran niya. Gumalaw siya para magsumiksik sa dibdib ko. Napapikit ako ng mariin. Mababaliw ako. Kapag ganito pa rin siya kinabukasan ay magmamakaawa na talaga ako kung ano ba kaming dalawa. Pagkagising ko kinabukasan ay wala na siya sa tabi ko. Nakapatay na ang aircon at bukas ang bintana. Bumaba ako sa higaan tsaka pumunta na sa kwarto na kung saan dapat talaga ako.Tinago ko na ang hoodie niya sa luggage ko. Akin na 'to. Tinapos ko na ang morning routine ko tsaka na rin ako bumaba. They're having breakfast where they drink last night. "Dito ka.." tinapik ni Iros ang tabi niya. Paupo na ako nang hilahin ako ni Cali patabi naman sa kanya. Sinamaan siya ni Iros ng tingin, napabuntong hininga nalang ako. "Remind me not to drink too much next time..." "Hangover doesn't last but drunk stories last forever..." I said the words he always tells me whenever I promise not to get drunk again. I drink and party a lot almost every night during college. I had terrible drunk stories. Cali was my designated driver, and he heard me say countless of times that I will stop partying, but up until now I still go out. Titigil na lang siguro ako kung may mas makabuluhan na akong gagawin sa buhay ko. Napuno ng tawanan at kwentuhan ang umagahan. Masarap ang pagkain, hindi rin nakalagpas sa akin ang pag-aalaga ng lola nila. Alam ko na kaagad na pagbalik ko ng Manila ay hahanap-hanapin ko siya. Matapos kumain ay nagpahinga lang ng kaonti tsaka nagka-ayaan na mag-ikot. Malawak ang lupain nila, kung lalakarin lang namin ay aabutin kami ng isang linggo. Halos lahat naman sa amin ay hindi marunong mangabayo kaya napili na lang naming pumunta sa ilog na naging puntahan nila Iros noong mga bata pa sila. Kaya naman pala wala kaming nadaanang kabahayan noong papunta kami dahil sa may isang lugar talaga sila kung saan nila binigyan ng libreng pabahay ang mga tao. Magiliw ang pagbati ng mga tao sa amin, halatang kilalang-kilala rin si Iros kumpara sa mga pinsan at kahit pa kay Irene. Sa pag-alis namin ay nahuli ko pa ang pagdungaw ng mga babae mula sa bintana at bulungan. Napairap na lang ako dahil alam ko kung sino ang gusto nila. Pagkatapos namin madaanan ang kabahayan ay naging mas masukal na ang daan. Maputik pa dahil sa naging ulan kagabi. Ilang beses kong nilingon si Iros na kanina pa ako hindi iniimik. Napabuga na lang ako ng hangin nang makita ang pababang daan bago marating ang mismong ilog. "Madudulas ka, ako muna..." sa wakas ay kinausap niya na ako. Gumilid ako para bigyan siya ng daan. Paglagpas niya ay kinuha niya ang dalawang kamay ko para iyakap sa katawan niya. Hinila niya pa iyon at lalong hinigpit nang hindi ako gumalaw. Napanguso na lang ako. Bakit hindi niya na lang ako binuhat, 'di ba? "Bakit ang sungit mo?" 'di ko napigilang magtanong. Wala siyang naging sagot hanggang sa marating namin ang pinakababa. Naniningkit ang malaki niyang mga mata nang harapin ako. "Hinubad mo na suot ang hoodie pagbaba mo, hindi ka rin tumabi sa akin noong kumakain na. Nakakahiya ba matabi sa akin?" "Nagtatampo ka ba?" Napasinghap siya, tila hindi matanggap ang naging tanong ko. Wala siyang sagot at basta na lang ako iniwanan. Nalilito ako sa ginagawa ni Iros. Malabo siya. May gusto ba siya sa akin o wala lang siyang mabigyan ng oras niya habang nandito kami? Dumeretso siya sa mga kaibigang babae ni Irene. Naghubad siya at boxer shorts lang ang tinira, kaagad siyang lumusong sa tubig. Narinig ko ang asaran nila ni Remi nang pabiro niya itong basain ng tubig. Naupo ako sa malaking bato habang naghalukipkip. Pinagmasdan ko lang ang ginagawa nila. Gusto ko ring makisaya pero natatakot ako. Pakiramdam ko ay may hihila na lang bigla ng paa ko. Sinundan ko lang ng tingin ang bawat galaw ni Iros. Malawak ang ngiti niya at panay tawa siya kasama si Remi, kahit isang tingin ay hindi manlang ako binigyan. Ano ba ako para sa kanya? Ang mga ginawa niya kahapon at kagabi? Wala lang ba 'yon lahat? "Nakakatakot ang obsession mo kay Iros." "Hindi ko kailangan ng opinyon mo." Sinamaan ko ng tingin si Cali na tumabi sa akin. Tinulak ko siya palayo nang simulan niyang tuyuin ang buhok gamit ang kamay dahilan para mabasa ako. "Don't put your hopes too high." "Why not? We slept together last night." He mockingly chuckled. "You're better than that, cous. You're not that naive." Cali and I practically grew up together. If there's someone who knows me better than I know myself, it's Cali. The thing about him is he will never sugarcoat to make me feel better about myself. "There's progress. He was sweet to me the entire day yesterday. Didn't you see everything?" "Sweet? Come on..." he mocked me more. "It means nothing when he's also sweet... or maybe sweeter to someone else." His gaze went to Iros and Remi. Alam ko naman na malapit sila sa isa't isa. Dati pa naman nasasaktan na ako sa nakikita ko sa kanila. "Girlfriend na siya ni Justin." "Bakit? Bawal magkagusto sa girlfriend ng pinsan?" may laman niyang salita. Namilog ang mga mata kong tinapunan siya ng tingin. "Do you like Irene?" "Mukha ba akong si Iros?" I read his expression. He can lie. He can always tell the otherwise, but I know him. "Cali...." "I'm okay..." he jumps back to the water before I could say something about his forbidden feelings. Marami akong iniisip nang magkaayaan nang bumalik. Hindi ko alam kung dapat ba akong makialam pa sa nararamdaman ni Cali. "Tumingin ka sa dinadaanan mo. Kapag ikaw nadapa..." heto na naman si Iros sa pasulpot sulpot niya. "Iros, ano ba talaga tayo?" huli na para pigilan ko ang sarili. Sa isip ko ay tsaka ko na itatanong kapag pabalik na kami pero ito at kusa na ang bibig ko. Napakunot ang noo niya habang nagsalubong naman ang mga kilay. "Mamaya ka na magtanong. Mauulanan na tayo. Lakad na." Delaying tactics. I already started. I will not stop now. "Are you toying with me? Pinapaasa mo lang ba ako?" Dumilim ang mukha niya sabay sa pagdilim ng paligid. "Ganyan ba ako sa paningin mo?" "No!" I yelled in frustration. "But answer me. Ano ba 'to? You don't give me attention back in Manila. I was nothing to you. What changed now? What was that about yesterday? About last night? Para saan ang mga yakap?" Inilayo niya ang tingin sa akin. "Kung anong iniisip mo, 'yan na 'yon.." Ano? Para akong biniyak sa gitna nang iwanan na lang niya ako basta. I want to hear it coming from him. I can't just assume. Tsaka saan sa iniisip ko ang tama? Nilalaro niya lang ako? May gusto siya sa akin? Ano ba talaga, Iros?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD