I collected myself before walking out of Iros' room. Kahit wala namang nakakaalam patungkol sa panaginip ko ay nakakahiya pa rin. I am a high value woman. I shouldn't be having those kinds of dreams. Dinig ang tawanan nila mula sa baba nang tuluyan na akong makalabas. Palinga-linga ako at inisip kung saan ko kaya mahahanap ang mga gamit ko.
"Excuse me..." kuha ko sa atensyon ng kasambahay na napadaan.
"Bakit po?"
"Alam mo ba kung saan ang mga gamit ko? Umm... The pink trolley and a beige handbag?"
She smiled sincerely. She's young and pretty. I'm not saying that helpers should be less of a human and ugly, but you wouldn't mistake her to a helper if not with the uniform.
"Dito po..."
Sinundan ko siya sa paglalakad. Tumigil siya sa kwarto bago ang pababa sa hagdan, pagbukas niya ng pinto ay tinanong niya ako kung may kailangan pa ba ako nang sabihin kong wala na ay umalis na rin siya kaagad. Sumilip muna ako bago pumasok. It's a small room yet has enough space for me. There's a single bed at the corner near the window, a closet and a nightstand. There's another door that I suspected as the bathroom. This must be one of their guestrooms.
I opened the closet and immediately saw my clothes organized. My dresses are hanged, my pjs and other clothes are neatly stacked I don't like people touching my personal things, but I let it pass since I know they only mean to be welcoming. My handbag wasn't touched and on the top of the bed, but I still check for my belongings. I got a little guilty for questioning their hospitality. I quickly took a shower and went downstairs.
Iros' grandmother saw me and called on me. "Kumusta ang tulog mo? Sabi ni Iros ay huwag ka ng gisingin at pagod ka sa byahe kaya pinagtabi na lang kita ng pagkain..."
Napakagat labi ako sa kawalan ng maisasagot. Iros was aware I fell asleep in his room... and his grandmother put aside a food for me? Parang hinahalukay ang tiyan ko sa kakaibang pakiramdam nang abutin niya ang kamay ko tsaka hinila papunta sa kusina. Hindi pa rin ako makapagsalita at walang magawa kundi tignan lang siya habang pinaghahain ako.
"Girlfriend ka ba ni Iros?"
Napaubo ako sa naging tanong niya. Mabilis akong napailing tsaka inabot ang tubig. I would love to be Iros' girlfriend, but I can't tell her that. Nakakagulat pati ang tanong niya. Saan naman niya iyon nakuha?
"Akala ko pa naman ay girlfriend ka niya. Wala pa kasi siyang naipapakilala sa amin kahit na marami namang nagkakagusto sa kanya..." Lola, huwag mo ng ipamukha sa akin 'yan. Alam ko na 'yan, eh. "Akala ko pa naman ay ikaw na."
Napainom ulit ako ng tubig. "Mukha po bang girlfriend niya ako?" Wala naman sigurong masama kung kakapalan ko ng kaonti ang mukha ko.
"Oo. Kakaiba ang kilos niya kanina nang dumating kayong magkasama..."
Tinulungan niya lang naman ako sa gamit ko. Kakaiba na ba 'yon? Natawa ako ng mahina. "Kahit manligaw nga po ay hindi niya ginagawa.."
Napailing siya. "Naku..." tila dismayado pa nga. "Kilala ko 'yan si Iros, ako ang nagpalaki sa kanila ng ate niya. Hindi talaga 'yan manliligaw at idadaan ka lang sa kilos niya. Manang-mana kasi 'yan sa Lolo nila. Panay paramdam lang at hindi talaga magsasabing manliligaw. Idadaan ka lang sa tingin."
Binaba ko ang ang hawak na kutsara para lang ituon lahat ng atensyon sa kanya. Sinasabi niya ba na ako na ang gumalaw? Lumipat pa talaga siya sa tabi ko para lang hawakan ang kamay ko. "Habaan mo ang pasensya mo sa batang 'yon. Sa dami ba naman ng napagdaanan nilang magkapatid ay masyadong tumigas ang puso. Tsaka mabait namang bata 'yan, pilyo lang talaga at masyadong inuuna palagi ang ate niya."
Napatango ako. Kung mamahalin ako ni Iros, at maging kami wala akong hindi kayang gawin para sa kanya. I've waited years for that man. Wala akong aatrasan.
"La..."
Sabay kaming napatingin sa pintuan ng kusina. Binitiwan niya ang kamay ko tsaka umahon sa upuan para salubungin si Iros na namumula na sa kalasingan. Hinaplos niya ang mukha ng apo bago ito tapik-tapikin. Hinalikan naman ni Iros ang tuktok ng ulo niya.
"Mauuna na ako, hija. Inaantok na rin kasi ako," paalam niya sa akin. Iniwanan pa niya ako ng makahulugang ngiti bago tapunan ulit ng tingin ang apo tsaka na siya tuluyang umalis. Sinundan pa siya ng tingin ni Iros bago ako balingan.
"Anong pinag-uusapan niyo?"
"Wala..."
"Narinig ko ang pangalan ko..."
Tumayo ako para ayusin ang pinagkainan. Nagkunyari akong lubog sa paghuhugas ng pinggan para maiwasan ang hinala niya. Nagsasabon na ako nang bigla niya haklitin ang bewang ko.
"Iros!" tili ko nang muntik pa kaming makabasag ng plato.
Nakatayo siya sa likuran ko at kagaya nalang kanina ay mahihiya na naman ang hangin na dumaan sa pagitan namin. Naramdaman ko ang pagpatong niya ng baba sa ulo ko.
"Iros ang heavy ng ulo mo."
He chuckled boyishly. Binilisan ko ang paghuhugas. Umatras siya nang gumalaw ako para maharap na siya. Napangiwi ako nang maamoy ko ang naghalong alak at sigarilyo. Tinulak ko siya lalo palayo.
"Anong pinag-usapan niyo?" pangungulit niya.
"Akala niya girlfriend mo ako," suko ko.
He downturn smiled then reaches for my wet hands to dry it on his shirt. "Ano pa?"
"Nothing else."
I just keep it to myself about his grandmother's assumption that he likes me. I don't want to push my luck further and hear him loudly say that he doesn't.
"Pwede ka bang yakapin?" tila pagod na tanong niya.
"Bakit?"
"Anong bakit?"
Napabitiw siya sa hawak sa akin sabay layo ng tingin. Ninais ko na abutin ang mukha niya para paharapin siya ulit pero hindi ko maigalaw ang mga kamay. Malalim ang iniisip niya na kung susubukan kong intindihin ay baka malunod lang din ako.
"Iros...." I whispered his name tenderly. "I wanna know why you want to hug me."
His eyes shut for few seconds. I caught him swallowing hard and his shoulder started to tense. "Ikaw na bahala mag-isip kung bakit..." it almost came out as a whisper.
"Isang yakap lang..." tila pakiusap niya.
Humakbang ako palapit tsaka ko binuksan ang mga braso. Isa lang naman, hindi naman ako masasaktan. Napapikit ako nang hilahin niya ako tsaka ikinulong sa init ng mga yakap niya. Hinaplos niya ang likuran ko na para bang may mga bagay na hindi niya mailagay sa mga salita. Napahigpit ang yakap niya nang yakapin ko siya pabalik. Saglit pa ay inihiga niya ang ulo sa balikat ko na may kasamang pag-amoy.
"I'm starting to assume something, Iros..." I honestly admitted. If he's not dumb, he knows I like him. Sino lang ba ang hindi nakakaalam? Everyone from our high school academy knows I am in love with him.
"Iros...."
"Hmmmm..."
"You know how...." Naputol ang sasabihin ko nang humiwalay siya. Malumanay niyang sinalubong ang mga tingin ko.
"Tara sa labas..." pag-iwas niya sa magiging tanong ko. Bago pa ako makapagprotesta ay nahila na niya ako.
We've known each other for 10 years... maybe more, but I can't really tell if we really do know each other. I was hoping that he will ask to date me, but he said nothing. I let him. I waited for years, one night won't be a problem. Tsaka lasing siya. It won't be a good idea insisting that topic with him right now. We can talk about it tomorrow when he is sober.
Kompleto ang mga kasama namin nang lumabas kami. May maliit na kubo sa ilalim ng puno ng mangga. Nakapalibot silang lahat sa maliit na mesa na puno ng maiinom. Una kong nakita si Kuya Seb tsaka si Irene, sa pinakasulok si Cali. Halata na sa takbo ng usapan nila ang kalasingan. Ang isang kaibigan na babae ni Irene ay dikit na dikit na kay Justin. Huminga ako ng malalim. Matagal ko ng pinagseselosan si Remi, at ngayon para akong nabunutan ng tinik dahil napapabaling siya sa iba at hindi kay Iros.
"Huwag ka ng uminom. Nahihilo na ako sa kalasingan, walang mag-aalaga sa akin kapag lasing ka rin," sambit ni Iros.
Magkatabi kami sa kabilang dulo kaharap si Cali. Nakakatatlong bote na siya kaagad ng beer kakaupo pa lang namin.
"That's unfair. Lasing ka tapos ako hindi nga nakahawak kahit isang bote."
Simple niya akong kinabig palapit lalo. Marahan niyang pinisil ang tagiliran ko. "Ayaw ko sa babae ang umiinom."
"Well, I'm sorry. If you like me, you have to like everything about me. You can't tell me what I can and can't do. If I drink a lot, you have to deal with it."
I saw him hide a smirk. "Sus..." mahina niyang pinitik ang noo ko. "Makikiusap na lang po. Prinsesa pwede bang 'wag ka munang uminom ngayon at kailangan ko ng mag-aalaga sa akin?"
Sino ako para tumanggi? Para pa man din akong matutunaw sa titig niya. Wala akong magawa kundi ang tumango nalang at hayaan siyang malunod sa kalasingan niya.