****** Ellaine ****** Sa ancestral house, nanginginig ang tuhod ni Elaine dahil sa biglaang pagdating ng lalaki. "Nag-alala ako sa 'yo, pero 'di bale. Ngayong gising ka na, ipapakita ko sa 'yo ang sorpresa ko." Ngumiti ito at may iniabot sa kaniya. Isa 'tong tablet at ikinagimbal ni Elaine ang bumungad sa kaniya. Awtomatiko rin ang pag-awang ng bibig niya. Naroon sa screen ng tablet si Chynna, nakapiring ang mga mata, nakatali ang mga paa't kamay at mukhang walang malay na nakahiga sa lapag. Dahil sa kakaunting liwanag sa silid kaya't nakikita niya ang kakaibang kulay ng mga binti at hita nito. Mistulang namumula at malapit na ring maging asul. Kapansin-pansin din sa suot nitong shorts ang mantsa ng namumuong dugo. At sa 'di kalayuan sa tabi nito, mayroong maka

