"Calvin, ayos ka lang ba?" Patakbo ring lumapit si Angel sa kinahihigaan ng lalaki. Ngayong nakapalibot na sila, habang ang lalaki, nanlalaki ang mata at tinitingnan sila isa-isa. Sa hitsura ng pagkabahala sa mukha nito, mistulang kagigising lamang nito mula sa isang mahabang bangungot. "Don't worry. Everything is fine. Nandito ka sa ospital," pahayag ni Rachel. "S-si Marcus?" usisa ng lalaki. "Okay na siya. Nagising na siya kanina. Naroon lang siya sa second floor," tugon ni Angel. "Wala bang masakit sa 'yo?" Umiling-iling lang ito at pinilit bumangon. Tinulungan naman ito ni Mia. Saka naman sila napalingon dahil sa pag-ingit ng pinto. "Good morning!" pagbati ng nurse na pumasok. "Wow, sana all rich kid para puwedeng gawing tambayan ang hospital, right?" dagdag

