****** Mia ****** Namumugto na ang mga mata ni Mia, pero maya'tmaya pa rin ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Habang papunta sila sa lugar, paulit-ulit siya sa pag-usal na sana, hindi totoo ang balita. Sana panaginip lang ang lahat. Pero, hindi. Nang makarating sila sa mental facility kung saan ito inilipat, kaagad nanlambot ang mga tuhod niya sa narinig. Isa sa mga staff ang pinadiretso sila sa isang funeral chapel sa malapit, dahil naroon na raw nakaburol ang sadya nila. Nang makarating siya roon, halos hindi naman siya makalapit. Nakuntento na lamang siyang titigan ang malaking portrait sa tabi ng kabaong nito. Sa larawang iyon ay napakatamis ng pagkakangiti nito. Napakasakit isipin na kailanman, hindi na nila makikita ang mga ngiting 'yon. May kalakihan ang lugar

