*** Sakay ng red convertible na pag-aari ng pinsan ni Angel, nagtungo sila sa sa address na nakalagay sa email invitation mula kay Rachel. Sa kanilang pagkakaalam, ang naturang imbitasyon ay ipinadala nito sa lahat ng Geeks Club member. Pareho silang napapaisip kung bakit sa isang exclusive condominium gaganapin ang party, pero wala silang sagot sa isa't isa. Smooth na smooth lang ang pagmamaneho ng kaibigan. Nakabukas ang cover nito kaya para silang lumilipad habang sinasalubong ng hangin ang kanilang mga buhok. Pareho silang naka-sunglass at eni-enjoy ang tumutugtog na K-Pop music sa stereo. Puro Mamamoo songs naman ang pinakikinggan nila. Kumpleto na ito ng make-up at nakapagbihis na rin ng angel-inspired nitong costume. Hindi lang nito isinuot ang pakpak na naroon sa bac

