[Babala: Maselan ang mga eksenang inyong mababasa] ************ Prof. Perez ************ Sa kabila ng nararamdaman panginginig, labis-labis ang pagpapawis ng propesora. Wala siyang magawa kung 'di ang tahimik na lumuha. Wala na siyang pag-asa. Mas maigi pa siguro ay mawalan na lamang siya ng ulirat sa ngayon. Naroon na ang lalaki, nakatayo malapit sa stainless na mesa. Hawak nito ang phone at mukhang may tinatawagan. "Dok!" bulalas nito. "Kagabi ko pa kayo hindi makontak. Nakuha ko na ang matanda. Naihanda ko na din ang ibang kailangan." Halata ang pagkabalisa sa tinig nito. Nagtaka naman siya sa sinasabi nito. Anong nangyayari? "Pasensya na kayo, isinabay ko ang turok sa tabletas, bawal po ba?" Napatawa ito. "Bakit pakiramdam ko, mas lalo akong lumak

