*** Langhap na langhap sa abalang kusina ng Chalsea Vandeau Restaurant ang iba't ibang putahe. Maririnig sa paligid ang ingay ng mga ginigisang sangkap, pinakukuluang sauce, pagtama ng mga sandok at pagliyab ng apoy sa mga naglalakihang frying pan at kaserola. Hindi lang ang mga chefs ang abala sa malawak na espasyo, bagkus maging ang mga assistant at part-time helpers na hindi magkamayaw sa paghuhugas at paglilinis ng mga karne at iba pang lahok, pagtikim sa mga nailuto at pagpi-plate nito para sa presentation. Isa na roon si Calvin na matagal nang nahilig sa pagluluto dahil sa kapatid nitong isang chef. Noong isang taon lang ay nakasama pa siya at naging assistant nito sa isang cooking competition sa Europe. Hindi man ito nagwagi, nagkaroon naman ito ng kaibigan sa katauh

