************ Timothy ************ "Uuwi ka na, Reyes? Nasaan na ang hinihingi ko?" Muli na namang dumagundong sa opisina ng Cybercrime Investigation ang malakas na tinig ni Guada. Nakapamaywang pa ito habang pailalim na nakatingin sa baguhang pulis. Napadaan sa desk ni Timothy ang lalaki na napapakamot sa ulo. "Kanina ko pa po iniwan d’yan." "Bakit hindi mo sinabi noong dumating ako!?" sagot ni Guada na kaagad naghagilap sa mesa nito. "Nandito na ‘yong approval? Pati ba ‘yong hinihingi kong statement ng guardians ng mga biktima?" "Opo." Sumaludo na ito saka tumalikod patungo sa pinto. "Masyadong power-tripping," bulong lang 'yon pero dinig na dinig nila. "Aba'y tingnan mo ‘yon!" Umikot ang mata ni Guada nang mapaturo sa lalaki. Nangunot na lamang ang noo ni Timothy saka napailing.

