"'Yong babaeng tinorture at natagpuang patay sa ilog sa Pulang-Lupa?" wika ni Kuya Timothy na natuon din ang tingin sa monitor. Si Francis ang sumagot dito, "Oo, Kuya. Pero, bukod doon, ang eksena sa video, mukhang ginaya mula sa isang online novel sa Skylair." ‘’Skylair? You mean ‘yong app?" Nangunot ang noo ni Kuya Tim. ‘’Paano n'yo nasigurong ‘yon ang babae sa news?" tanong ni Kuya Tim. Si Rachel na maluha-luha ang sunod na tumugon, ‘’Dahil sa suot niyang limited edition. I saw the design of what she's wearing kahit medyo madilim sa video. Its a golden crown, but then, it became covered with blood!" “Please? Makakasama sa’yo ang umiyak,” bulong ni Francis na yumakap sa girlfriend. "Kuya Tim, kitang-kita namin kung paano siya pinahirapan sa video. And Rachel's r

