‘’Okay." Pikit-matang pag-sang ayon ni Timothy. Pumuwesto na sila sa kaniya-kaniyang computer at laptop para mag-umpisa. Si Angel, at maging si Marco—na 'di inaasahang napasali na sa grupo— mabilis na inilahad kay Kuya Timothy ang mahahagalagang detalye ng kuwentong may pamagat na, 'If Only I could Kill'. Nagsimula ang kuwento sa paglipat ng bidang si Elena sa mansyon ng ama. Doon ay nakilala nito ang mga kapatid na sina Kara at Jina, maging ang pinsan na si Drey. Masaya ito noong umpisa, lalo't kaibigan nito noong highschool si Kara. Mababait ang mga ito, pero kalaunan, natuklasan ni Elena na pakitang-tao lang pala iyon. Sa tuwing wala ang kanilang ama, nag-iiba na ang timpla ng ugali ng mga ito. Nakangiti man ang mga ito sa harap ni Elena, ibang-iba naman ang ipinapakitang kilos ng

