Chapter 21: Red High Heels

1132 Words

*** Humahagulgol ang magandang chef nang madatnan ni Timothy sa VIP room nito. Nakasandig ito sa hospital bed habang nakaposas ang kaliwang kamay sa gilid. Kasama nito sa loob ang isang babaeng pulis, habang dalawang lalaking pulis ang nakabantay sa labas.   Mukhang nabalitaan na nito ang nangyari sa kasosyong chef na si Chef Eleanor.   Paulit-ulit nitong binabanggit ang pangalan ng naturang chef habang luhaan ang mga mata.   Kuwestyunable naman siyang tinitigan ng babaeng pulis na si Matilde.   "Saglit lang ako. May gusto lang akong itanong sa kaniya," pakiusap niya.   Napabuntong-hininga ang babaeng pulis na pinili munang lumabas.   Dumiretso na siya sa pakay niya at lumapit kay Chef Alicia. Inabutan niya ito ng tisyu pero tinitigan lang iyon ng chef.   "Sino ka?" usisa ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD