*** Pagkalabas ni Timothy ng elevator, kaagad siyang nagtungo sa emergency exit na tinutukoy nito. Saglit lang naman siyang bumaba para i-check si Chef Alicia, pero ngayon pa talaga tyumempo ang taong iyon? Pagkapasok niya sa exit ng west wing, umaalingawngaw na mula sa itaas ang mga yabag sa bakal na hagdan. Tumingala siya at nakita pa niyang sumilip ang isang lalaking nakamask, na palagay niya'y tatlong palapag ang pagitan sa kaniya. "Sandali!" pagtawag niya pero agad na itong nawala. Mabilis siyang umakyat ngunit narinig niyang may bumukas na pinto, kaya ang hula niya'y nakalabas na ito. Gusto niyang tawagan sina Mia para alamin kung kaya nitong kumonekta sa CCTV's ng ospital, pero bilang marangal na pulis, pinigilan niya ang sarili at piniling gamitin ang kaniyang 'pol

