Chapter 46: Prank Call

1056 Words

    [Continue...]   "Akala ko may nag-check na sa kanya kanina?" tanong ng lalaki saka isinara ang pinto. Ngumiti ito habang tinitingnan siyang maigi. "Sino ka? Bakit ngayon lang kita nakita rito?"   Tumatak kay Francis ang mala-anghel nitong tinig.   "Pasensya na po. Bago lang po ako at mukhang nagkamali ako ng kuwartong pinasok," paumanhin niyang agad na ring naglakad patungo sa pinto.   "Gano’n ba? Ayos lang ‘yon." Muli itong ngumiti.   Hinawakan ni Francis ang doorknob.   Saka naman niya naalala. Nasa CR pa si Nick!   Muli siyang humarap sa lalaki. "Excuse me po, puwede ko bang malaman kung sino kayo?"   Masyado yata siyang diretsahan?   Pinilit ngumiti ni Francis, "Pasensya na. Kamukha po kasi ninyo ang kababata ko. Naisip ko lang na baka kayo ‘yon," pagkukunwari

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD