Sa lobby, matiyagang naghintay si Timothy habang nakupo sa sopa na naroon. Magkadaop ang mga palad niya at nakatingin sa mga taong napapadaan. Desioras na nang gabi pero mukhang gising na gising pa rin ang buong ospital. Bukod sa mga nurse, doktor at mga empleyado ng lugar, may mga pasyente at guardian din siyang natatanaw. Muli niyang itinuon ang tingin sa entrance ng ospital. Sana naman dumating na ang inaabangan niya. Pero baka naman nakarating na ito? Hindi lang nila alam. Kokontakin na sana niya sina Mia, nang may mapansing babae na nakasuot ng corporate attire. Mabilis itong naglalakad kasunod ang isa pang babae na ganoon din ang ayos. "Hindi pa rin ba siya nagigising?" tanong ni Vivien sa kasama nito. "Unfortunately, hindi pa rin po. Pero, stable naman na po siya."

