Kabanata VI: Malisya

1854 Words
Pinaikot-ikot ni Nate ang cellphone nito gamit ang kanyang dalawang daliri. Tumingala siya sa main entrance ng kanilang akademiya ngunit wala pa rin si Henry doon. Nakaidlip ito ng mahigit isang oras. Nag-alarm ang kanyang cellphone ng 4:30 p.m. at tinignan ang nakalagay na note sa kanyang alarm habang pumupukat-pukat pa ang kanyang mga mata. Daglian itong bumangon at pumunta ng CR para maghilamos. Lunes noong araw na iyon at may kasunduan sina Henry, Reden at Sheena na mag-jogging ng hapon tuwing araw ng Lunes at Miyerkules. Tinignan nito ang kanyang relo at napagtantong may kinse minutos pa bago pumatak ang alas–singko. Napansin nitong tila may papalapit na mga babaeng estudyante sa kanyang kinaroroonan. Para maiwasan ang atensyon, tumayo ito, pinagpag ang kanyang shorts at tumungo sa basketball court malapit sa mini café. --- Lumabas si Henry mula sa Admin’s Office at hinugot ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Habang pababa siya sa hagdan ng main entrance ay idinayal niya ang numero ni Nate para tanungin kung nasaan nito. Habang tumatawag ay napansin niya ang grupo ng mga estudyante na kumukuha ng litrato sa basketball court. Cinancel nito ang tawag at naki-usyoso. Tinulak niya ang glass door at dumungaw sa bandang ibaba kung saan nakatingin ang mga estudyante. Naglalaro si Nate na mag-isa sa basketball court. Nakasuot si Nate ng isang kulay asul na hoodie jacket at maiksing jogging shorts. Pinagmasdan ni Henry ang kaibigan habang mabilis na dini-dribble ang bola at nagpapalipat-lipat ng posisyon. Nang malapit na ito sa basketball ring ay tuwiran itong tumalon at nagpakawala ng fadeaway shot. Kitang-kita ni Henry ang mabagal na pagdaplis ng tuwid na buhok ni Nate sa kanyang matangos na ilong at ang kanyang mga matang diretsong nakatingala sa hoop. May kaunting gigil itong nakakagat sa kanyang labi dahil sa puwersang kanyang pinakawalan. Nasilayang muli nito ang mapang-akit nitong kaliwang dimple na dinaanan ng nangingislap na pawis. Napasinghap ng malalim si Henry at napangiti ng nakatikom ang bibig. Sa isip nito, kahit mga lalaki ay mapapahanga talaga sa galaw at hitsura ng kanyang kaibigan. --- Inilabas ni Teacher Reden ang kanyang ulo sa sliding window ng kanyang kuwarto sa 7th floor ng kanilang building upang i-check kung ang mga kaibigan nito ay nasa harapan na ng gate ng eskwelahan. Natanaw nito si Henry na seryosong nakatingin sa may bandang basketball court. Iniusog nito ng kaunti ang kanyang katawan upang matignan kung sino ang nasa basketball court. Nakita nito si Nate na pinunasan ang bola at ibinalik sa ball cart. Pagkatapos ay bigla itong kumaway kay Henry at sinuklian naman ni Henry si Nate ng ngiti habang nakahalukipkip ang kanyang mga braso sa kanyang harapan. “Tssssss.” Magkahalong kilig at tawa na nasambit ni Reden sa nakitang eksena ng dalawa. “I’ll give them three more months.” Bulong nito sa kanyang sarili at mabilis na lumabas sa kanyang kuwarto. Kumbinsido si Reden na ‘extra special’ si Nate kay Henry. Magli-limang buwan na niya itong estudyante sa Business English at masasabi nitong medyo kilala na niya ang pag-uugali ng Student Manager. Pansin nito ang biglang pagliliwalas ng mukha ni Henry tuwing lumalapit sa kanya si Nate. Parati niya rin itong nababanggit o ginagawang halimbawa sa klase. Ngunit sa tinagal-tagal na niyang nagtatrabaho sa akademiya, batid nitong hindi magiging madali para sa dalawa ang tanggapin kung anu man ang namamagitan sa kanila. Mangilan-ngilan na rin ang nakilala nitong mga ex-girlfriends ni Nate noon at alam nitong magiging sagabal din ang konserbatibong Korean culture ni Henry upang magalugad nila ang kanilang totoong nararamdaman sa isa’t isa. Sa kabila nito, disidido si Reden na gumawa ng paraan upang lalong maglapit ang dalawa. Kapwa sila mga mababait at mapagmahal na tao at alam nitong pinagtagpo sila ng tadhana dahil sila ang karapat-dapat para sa isa’t isa. --- Kwarenta minutos rin silang nag-jogging sa maaliwalas na daanan ng Tacay Road. Dahil ang daan na ito ay ginawa sa ibabaw ng bundok, kahit na malayo na sila sa kanilang akademiya ay tanaw pa rin nila ito na matibay na nakatayo at nakadikit sa paanan ng bundok. Nagdesisyon na silang tumigil nang marating nila ang harapan ng Tam-awan Village, isang sikat na pook-pasyalan sa Baguio. Humandusay sa pagod si Sheena sa view deck at isinabit ang lumapaypay nitong mga kamay sa hawakan ng balkonahe. Tinulungan ito ng dalawang guro na itayo habang natatawa sa pagal na pagal na katawan ni Sheena. Umupo ang magkakaibigan at tumuloy naman si Henry sa sari-sari store. Sa di-kalayuan ay natanaw nila ang mala-adonis na hubog ni Henry habang ito’y bumili ng makakain at maiinom. “Itataya ko ang virginity ko ng isang gabi matikman ko lang yang roommate mo.” Sabi ni Sheena kay Nate habang hinahaplos ang kanyang leeg na hindi mawari kung uhaw ito sa tubig o sa katawan ng student manager. Natawa si Nate sa tinuran ng kanyang kaibigan. Habang nakapatong ang kaliwang binti nito sa malaking bato at nakahawak sa talampakan ng sapatos upang i-unat ang kanyang paa at balakang, ipinaling nito ang kanyang ulo sa kinaroroonan ni Henry. Tunay na maglalaway nga naman ang kahit sinong babae sa pisikal na katangian ng kanyang roommate. Naglalakad ito papalapit sa kanila habang bitbit ang isang plastic bag. Sinusuklay ng isang kamay nito ang kanyang mamasa-masang buhok sa pawis. Sa pagtaas ng braso nito ay sumilip ang buhok ng kanyang kilikili. Pumapatak ang kanyang pawis sa kanyang lalaking-lalaki na hulma ng kanyang panga. Dumadaloy ito hanggang sa kanyang matitigas at malalaking dibdib na nakabakat sa yellow training tank top nito. Kumikintab din sa pawis ang kanyang bibiluging deltoids at biceps na resulta ng kanyang ilang taong paggygym. Bumaba ang tingin ni Nate sa kanyang mga malalakas at malalapad na hita habang mabagal itong naglalakad. “Kabsat (‘kapatid’ sa salitang Ilokano)… Tignan mo naman. Nakaboxer brief lang yata ang Fafabells. May mahabang linya na basa sa kanyang shorts. Ganun ba kahaba ang ahas, Nate? Tapatin mo ko!” Nangangaralgal na boses ni Sheena. “Ate!” “Yung totoo. Alam mong alam ko ang ugali ng mga yan. Naghuhubad ang mga yan sa room!” “Tsk. Ate! Huwag ganyan!” Lumapit si Nate kay Sheena at sinubukang takpan ang bibig nito. Nagtatawanan ang tatlo ng datnan sila ni Henry. Umusog sa inuupuang semento papalapit si Reden kay Nate upang bigyan ng espasyo ang student manager. Tumabi naman ito sa kanya at isa-isang binigyan ng bottled water ang tatlo. Nagpasalamat sila sa kanya at sabay-sabay na nagbukas ng bote para uminom ng tubig. Pagkatapos ay iniabot sa kanila ni Henry ang mga naglalakihang piraso ng okoy para makakain. Tuwang-tuwa naman sina Reden at Sheena sa pagiging thoughtful nito. Nang akmang dukutin na ni Nate ang kanyang okoy sa plastic, tinapik ito ni Henry at sumenyas na maghintay. Nabigla ang dalawang guro sa kinilos ni Henry. Nakabukaka ang kanilang mga bibig at hindi maisubo ang okoy. Pinagmasdan nila kung ano ang ginagawa ng student manager. Dahan-dahang tinanggal ni Henry ang mga katamtamang laki ng hipon sa okoy ni Nate. Sinipat niya ito ng mabuti kung may nakaligtas pa sa kanyang paningin. Nang mapagtanto na nito na wala ng nakapatong sa ibabaw ng okoy ay tsaka niya ito iniabot kay Nate. Ibinaba ni Sheena ang kinakaing okoy at inusisa ang ginawa ni Henry. “Why did you do that?” “Teacher Nate is allergic to shrimp. He can eat one small shrimp or two, but still has to be careful.” “Why are you doing that?” Dugtong naman ni Reden. Tumigil sa paggalaw si Henry at nagpalipat-lipat ang kanyang mga mata kina Nate at Reden na tila naguguluhanan sa tanong ng guro. “I mean why do you care so much about Nate?” Tinignan ni Henry ang plastic ng okoy, sabay pasa kay Nate ng mabilis at umupo ng tuwid. “He’s my room… (namalat ang boses). He’s my roommate. I know a lot about him.” Sabay pisil sa kanyang ilong, kumurap-kurap at tumingin sa malayo. Dahan-dahan namang kinagat ni Nate ang okoy habang nililipat ang tingin sa dalawang lalaki. Nagugulumihanan din ito sa tanong ni Reden kaya hindi makapasok sa usapan. “He’s lucky to have you.” Dugtong pa ni Reden habang pinagmamasdan kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang maskuladong estudyante. “… as his BIG BROTHER.” Pagtatapos ni Reden sa kanyang pahayag. Naglabas naman ng nahihiyang ngiti si Henry at hinimas-himas ang batok. Kitang-kita ni Reden ang pamumula ng pisngi at tenga ni Nate, senyales na may nakalabit siyang namumuong damdamin sa student manager. Napangiti si Reden sa kanyang napansin at mas lalong lumakas ang kutob nito hinggil sa kanyang hinala. Biglang tumayo si Henry, tinapik ang balikat ni Nate at itinuro ang daan. “It’s… it’s getting hot in here. Don’t you think? Can you eat while walking? I want to take a shower.” Tuloy-tuloy na sabi ni Henry kay Nate. Iwinasiwas nito ang kanyang mga braso na parang nag-uunat. Naglakad ito papalayo sa kanila habang pinapaypayan ang sarili. Nagkibit-ulo naman si Nate at hindi maintindihan kung bakit naiinitan ang roommate nito samantalang giniginaw na siya sa lamig. “Tsss…” Nakangising sambit ni Reden. Humarap ito kay Nate at tinanong ng mabilis. “Don’t you find Henry attractive?” Nalunok bigla ni Nate ng buo ang sinubong okoy. Kinabog-kabog ang dibdib at uminom ng tubig. “Kuya, he’s a man!” Pagpapaliwanag nito sa kanyang kaibigan. Humalakhak ng malakas si Reden. “Just asking.” Natatawang hinimas-himas ni Sheena ang likod ni Nate para tulungang maibsan ang sakit na kanyang naramdaman nang mabilaukan ito. Minulagatan niya si Reden. Tumahimik ito at isinubo ang okoy. --- Pinipindot ni Nate ang passcode ng digital door-lock ng kanilang unit nang maramdaman nitong may humila sa pintuan papasok sa kuwarto. Tumambad si Henry sa kanyang harapan. Nakaligo na ito at mukhang magche-check kung nasa night class na ang mga estudyante. Napakalakas talaga ng dating ng kanyang roommate. Amoy na amoy nito ang kanyang masculine perfume. Napayuko ang dalawa at nagka-ilangan. “I… I’m sorry I’m not going to eat dinner with you. I have to check if the new students are in their self-study rooms.” “Yeah. It’s alright hyoung nim. Jus..Just make sure you bring biscuits. You might get hungry.” Sinagot naman siya ng ngiti ni Henry at muling hinaplos-haplos ang batok. Nagtangka siyang lumabas ng pintuan ngunit nagkakasalubong sila ng direksyon ni Nate. Umurong si Nate upang malayang makalabas si Henry. Ngumiting muli si Henry at napansin ni Nate na namumula ang pisngi nito. Mabilis na naglakad papalayo ang Student Manager. --- Pumasok sa comfort room si Nate para maligo. Nang isabit niya ang tuwalya sa towel rack ay bigla siyang nanigas sa nakita. Kusang gumapang ang init sa kanyang katawan sa nakakadarang na bagay na nakasabit sa rack. Ipinikit ni Nate ang kanyang mga mata at yumuko upang tanggalin ang anumang naglalaro sa kanyang isipan ngunit patuloy siyang sinusukuban ng tukso. Naramdaman nito ang unti-unting pagkabuhay ng kanyang alaga. Lumapit ito sa towel rack at pigil na hinawakan ang nakasabit. Naiwan ni Henry ang boxer brief nito sa banyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD