Ang buong akala ni Nate ay mag-isa lang siya sa dulo ng sinasakupang lugar ng mini café at nang marinig niya na may tumawag sa kanyang pangalan ay nabigla ito at napabalikwas. Sa kanyang pagmamadaling tumalikod ay sumabit ang dulong parte ng talampakan ng kanyang sapatos sa paanan ng bangko sa gilid ng kanyang kinatatayuan. Nawalan ito ng balanse ngunit ng subukan niyang abutin ang hawakan ng bangko ay huli na ang lahat. Sa paglaho ng tatag ng kanyang mga tuhod ay biglang naramdaman niyang may humablot sa kanyang kuwelyo. Napigtas ang dalawang butones na nag-uugnay sa magkabilang parte ng kanyang polo dahil sa matinding kapit ng lalaking humila sa kanyang damit. Pagkatapos noon ay naramdaman niyang may sumalong mainit na palad sa kanyang likod at banayad siyang hinila palapit hanggang magdikit ang kanilang mga katawan.
Si Caleb.
Nasilayan ni Nate ang mga mata nitong punung-puno ng panunuyo at pangamba sa halos isang dangkal na pagitan ng kanilang mga mukha. Ang hubog ng ilong at pisngi nito ay parang hinulma upang mamukod-tangi sa manaka-nakang pagsilay ng banaag ng araw na lumulusot sa mga dahon ng pine trees na sumisilong sa kanila. Bawat hininga ni Caleb na dumadampi sa kanyang pisngi ay sumisipsip sa kanyang lakas. Habang dahan-dahang bumibigay ang buo nyang katawan ay naramdaman niya ang pagkiskis ng kanyang p*********i sa hita ng kanyang estudyante. Hindi sinasadyang mabilis na naisilid ni Caleb ang kanyang kanang hita sa pagitan ng mga paa nito upang maiwasan ang kanyang tuluyang pagbagsak sa lupa.
Para naman kay Caleb, bumagal ang pagpatak ng oras sa puntong nailapit nito ang napakaamong mukha ng kanyang guro sa kanya. Ang kanyang namamasang mga labi dahil sa hinigop nitong kape, ang kanyang leeg na napakakinis, ang matigas na umbok ng kanyang dibdib at mamula-mulang u***g nito na tumambad sa kanya dahil sa pagkatanggal ng kanyang butones ang bumuhay sa kanyang hindi mapagtantong pagnanasa sa kanyang guro. Naramdaman din nitong kumislot ang kanyang tinatago nang maramdaman nito ang malambot ngunit may kahabaang sandata ni Nate sa kanyang hita nang alalayan niya itong umupo sa bangko. Pilit na iwinaksi ni Nate ang pagkalulong nito sa taglay na kaakit-akit na katangian ng kanyang guro ngunit hindi niya ito mapigilan. Ibinaba niya ito sa upuan at patay-malisyang iniayos ang direksyon ng kanyang sandatang pilit na dumudungaw sa kanyang underwear. Tila hindi naman ito napansin ni Nate dala ng pagkabigla nito sa mga pangyayari.
---
Umupo sa magkabilang dulo ng bangko ang dalawa buhat ng pagkailang sa ilang minutong eksenang kanilang naranasan sa isa’t isa. Nakasandal ng tuwid sa upuan si Caleb at nakapatong ang kanyang mga kamay sa kanyang mga hita. Nakatingin ito sa malayo at nababasa ng pawis ang t-shirt nito sa gitna ng nakakaginaw na klima ng Baguio. Si Nate naman ay nakaharap sa kabilang ibayo at nakasabit ang kanang paa nito sa hawakan ng bangko upang maiwasang matanaw si Caleb. Tahimik itong humihigop ng kape ngunit kitang-kita nito ang panginginig ng kanyang mga kamay. Tuwing madadaanan sila ng hangin ay kanyang ibinabalik sa dati ang ayos ng kanyang polo upang hindi lumitaw ang taas na parte ng kanyang katawan. Kapwa sila nag-ipon ng lakas ng loob para basagin ang katahimikan.
“Teach—”
“Cale—”
Natawa silang pareho sa pagsabay ng kanilang pananalita at tuluyan nang naibsan ang pakailang nila sa isa’t isa.
“Teacher… I am sorry about this morning. I didn’t mean to say that… I just… I don’t have enough English-speaking ability to explain myself well…”
Tinapik ni Nate si Caleb sa likod at hinimas ng marahan. “It’s alright. It is nobody’s fault. I was not angry. I was just, maybe, startled?” Nakangiting sagot nito sa kanyang estudyante.
“I… uh, tried to talk to you after my class, Teacher… To give you your ‘char’ glass, but a teacher told me she will give it to you, anyway.”
Napahalakhak ng mahina si Nate.
“Char? Did Teacher Sheena said that? Don’t use that. It is not an English word.”
Hindi makapaniwala si Caleb na natupad ang nais nitong makita na malayang tumatawa ang lalaking gusto niyang mapagmasdan ng malapitan. Hindi nito maitago ang sayang kanyang nararamdaman dahil para na silang matalik na magkaibigan. Biglang tinusok ni Caleb ang kaliwang biloy ni Nate at ngumiti.
“I wish I had dimples, too, Teacher.”
“Hey don’t do that. I am your Teacher.”
“I am sorry, Teacher.”
“Just kidding.” Tugon naman ni Nate. “Don’t you have a class?”
“I do have, Teacher. But Student Manager Killian told us our books will arrive at the school tomorrow. So he said we can go back to our class tomorrow.”
Tumango-tango si Nate.
Napalingon si Caleb ng marinig niyang may mga boses na nagmumula sa kakahuyan sa direksyon ng mini café. Narinig din ito ni Nate at napagtantong grupo ito ng mga guro na nag-uusap-usap. Tinignan nito ang kanyang relo, eksaktong alas-tres ng hapon. Break time. Tumayo ito sa kanyang kinatatayuan at inayos muli ang kanyang polo.
“Caleb, I have to go. I have an appointment in an hour.”
Tumayo ng mabilis si Caleb at yumuko.
“Thank you, Teacher… for your time. It is really nice talking to you like this.”
Sinukliang muli ni Nate si Caleb ng ngiti. “See you in the class.”
Yumuko ulit si Caleb sa kanya at kanya na itong iniwan. Nang makailang hakbang siya papalayo, nagsalitang muli ang kanyang estudyante.
“The students are right about you. You are very handsome, Teacher.” At kumindat ang binata sa kanya.
Biglang natigilan si Nate sa narinig mula kay Caleb. Hindi nito alam kung imahinasyon lamang niya ito ngunit kumbinsido siyang kinindatan siya ng mabilis ng kanyang estudyante.
“I am just a man on the street. Nothing is special about me.” Tugon naman ni Nate kay Caleb at mabilis na lumayo sa kanya. Kinabog niya ang kanyang dibdib sa kanyang kamao at napailing sa pansamantalang pagtigil ng t***k ng kanyang puso.
“Did my heart skip a beat?” Isip nito.
Nang marating ni Nate ang kanilang kuwarto ay inihagis nito ang bag sa kanyang upuan at ibinagsak ang kanyang katawan sa kama. Ipinatong niya ang kanyang bisig sa kanyang mga mata at bumulong sa kanyang sarili.
“Shhhh*t… Ta**ina…”
Ramdam nito ang umaakyat na init sa kanyang mga pisngi. Pilit nitong binubura sa kanyang isipan ang pagsalo at ang pagkindat sa kanya ni Caleb. Bagamat hindi nito nagugustuhan ang kakaibang kilig na kanyang nararamdaman ay taliwas namang kumikilos ang kanyang mga labi sapagkat kusang napapangiti ito sa mga ala-ala ng sandaling nagkasama sila ng kanyang estudyante. Dumapa ito at ibinaon ang mukha sa unan habang sinusuntok-suntok ang kama.
---