"Closeness is the tendency that we fall in love to somebody. This is based on reality that even friends turns to lovers unexpectedly" -Anonymous
(Ria's POV)
First day na pagpaplano about dun sa acquaintace party na yun. Tsk! Nandito kaming lahat ngayon sa Gymnasium, nakaupo sa bleachers at nakikinig sa suggestion ng bawat isa .
"blah-- blah-- blah--" salita ng salita si Gab. Kaso hindi ko naman masyadong maintindihan eh! Iniisip ko kasi ngayon si Jay North. Kamusta na kaya sya kung nasan sya ngayon? Miss ko na sya.
"blah-- blah-- blah--" Haayyss. Sana mabalik ko yung oras! Sana mabalik yung oras na nasa gubat kami :') Yung pinainom nya ko ng Dugo nya at Hinalikan nya ko.
"Ria?" Ang sarap talagang balikan ng mga araw na yun
"Hoy RIA!!!!" sigaw ni Gab, kaya natigil ako sa pagddaydream. Hehe.
"Bakit Gab?" tanong ko
"Nakikinig kaba? Kanina pa kasi ako dada ng dada dito tapos tulala ka lang dyan! Ang lalim ng iniisip mo. Baka naman malunod na kami nyan" Tsk.
"Sorry. Ano nga ulit yun?" pagkatanong ko nun, napa-facepalm na lang si Gab. tapos pinaliwanag na nya ulit.
"Nix, Myx, Ace and Ken. Kayo ang bahala sa Design ng buong Place" sabi ni Gab "Rina, Cindy, Jae at Ria. Sa food kayo" So, sa pagkain pala kami! Haha. "Xiv, Max, Jem at Ako naman ay sa others stuffs like songs and concept" pagpapatuloy ni Gab
"Damn" pagccuss ni Jem. So what's wrong? Ayaw nya ba sa mga kasama nya? Tsk. tinatamad na ko dito eh!
"Gab, masakit ang ulo ko. Punta na muna ako sa clinic" bago pa sya makapagsalita ay umalis na ko .. Wala naman syang magagawa eh.
Hindi ako pumunta sa Clinic. Dun ako sa Music room, magpplay na lang siguro ako ng Organ .. Nagsimula na kong umupo at tumugtog .
♪♪Making my way downtown, Walking fast facest past and I'm homebound. Staring blanky ahead, just making my way. Making my way through the crowd~♪♪
Napahinto ako bigla ng makarinig ng kaluskos, may iba pa bang tao dito?
"May tao ba dyan?" tanong ko pero walang nasagot. Okay? Continue again
♪♪And I need you, and I miss you. And Now I wonder~ If I could fall. Into the sky, Do you think time, would pass me by. Co's you know I'd walk a thousand miles. If I could just see you~ Tonight♪♪
Para talagang may tao? "Kung may tao man dyan, lumabas kana" Yun! Meron nga~ Eh? Si Jae pala! Akala ko kung sino eh! Pero paano yan nakasunod dito?
(Jae's POV)
"Gab, canteen na muna ako huh? Nagrereklamo na kasi yung tyan ko eh!" hindi pa sya nakakapagsalita ay umalis na ko. Eh? Sa music room? Ano naman kaya ang gagawin ni Ria dito?
Nagtago lang ako dun sa may gilid para hindi nya ko makita. Tapos nagstart syang magplay ng Organ :') marunong pala sya? Ang galing naman!
♪♪Making my way downtown, Walking fast facest past and I'm homebound. Staring blanky ahead, just making my way. Making my way through the crowd~♪♪
Sa sobrang pagkadala ko sa pagkanta nya naiurong ko yung upuan sa may harap ko kaya napahinto sya! Sheet! Antanga ko talaga.
Lumingon sya bigla at inilibot ang paningin, ako naman si tanga nagtatago "May tao ba dyan?" tanong nya. Hindi ako sumasagot kaya naman nagpatuloy na sya ulit sa pagtugtog at pagkanta
♪♪And I need you, and I miss you. And Now I wonder~ If I could fall. Into the sky, Do you think time, would pass me by. Co's you know I'd walk a thousand miles. If I could just see you~ Tonight♪♪
Ang ganda talaga ng boses nya. Bakit kaya hindi sya nag choir dito sa school namin? Sayang naman kasi yung boses nya eh! I'm sure magaganda din yung boses ng mga kasamahan nya .Tumigil ulit sya sa pagtugtog. Teka hindi naman ako nag-iingay ah! Bakit sya tumigil?
"Kung may tao man dyan, lumabas kana" sigaw nya. Luh? Ang lakas naman yata ng radar nito. Baka magalit pa sakin eh! Makalabas na nga
"He-he. Hi Ria" bati ko sa kanya, halata naman sa mukha nya na nagulat sya
"Jae? Bakit ka nandito? Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong nya
"Sinundan kita. Nacurious lang naman kasi ako kanina kung san ka pupunta eh! Hehe sorry sa pang iistorbo ko sayo"
"Nope, it's okay. Sa totoo lang naghahanap din ako ng makakausap eh" parang malungkot yata sya? Bakit kaya?
Lumapit ako sa kanya at umupo sa may tabi nya "Ge na. Magkwento kana" sabi ko sa kanya
"Ang hirap pala pag iniwan ka ng taong mahal mo noh?" panimula nya "Ang nakakainis pa dun. Mahal ko sya tapos mahal din sya ni Nix" Huh? Mahal ni Nix? Si Ace ba yun?
"Teka Ria. Sino ba yan huh? Si Ace ba?" tanong ko sa kanya
"Haha. Sira! Hndi ah! Si Jay North. Mahal na mahal ko sya eh! Mahal din sya ni Nix. Pero lumayo si JN dahil ayaw nyang masira ang pagkakaibigan namin ni Nix. Ang sakit lang talaga" biglang may tumulong luha sa mga mata nya. Ano ba naman yan! Ayoko pa naman ng may umiiyak na babae.
"Oh panyo" sabay abot ko sa kanya ng panyo ko
"Salamat" tapos nagpahid sya ng luha
"Sa tingin ko naman, wala ng feelings si Nix kay Jn eh! Kasi pag nakikita ko si Nix masayang-masaya sya sa piling ni Ace" sabi ko sa kanya para naman mabawasan ang sakit na nararamdaman nya
"Yun nga eh! Kung kailan wala ng feelings sa kanya si Nix tsaka naman sya mawawala! Ang sakit!" naaawa ako sa kanya kaya naman hinagod ko na ang likod nya. Who knows? Ang isang mataray at seryosong Ria Shin ay marunong din palang umiyak and to think na ako pa ang nakasaksi .
"Jae?" tawag nya
"Hmm?"
"Pwede bang favor?" favor? Nanghihingi sya sakin ng favor? Oh well, hindi naman ako madamot na tao para hindi sumang-ayon sa favor nya. Kahit naman may inis ang grupo namin sa kanila hindi padin talaga ako makakatanggi sa kanya, lalo na ngayong malungkot sya
"Ano naman yun?"
"Pwede ba kitang gamitin?" Gamitin? Ano ako parang damit lang?
"Huh? I don't get you"
"Rebound" parang nabingi yata ako ah. Anong sabi nya?
"Ano yun Ria?"
"Rebound" pag-uulit nya
"As in rebound talaga? Panakip butas? Ganon?"
"Yeah. Tulungan mo kong makalimutan si JN. Please? Alam ko na malaki ang inis ng grupo nyo sa grupo ko. Pero ikaw lang naman kasi ang lalaking nakausap ko ng ganito eh! Kaya please"
"Okay Sige" teka. Luh? Pumayag ba ko? Tsk! Wala na. Nasabi ko na eh! Hindi na pwedeng bawiin
"Talaga? Salamat" sabay hug nya sakin. Oww. Niyakap nya ko?
"Ay sorry" ancute nya! Bigla syang namula. Pero wala akong gusto sa kanya huh? Ha-ha natawa lang ako kasi namula sya ..
"Kanta kapa dali" utos ko sa kanya
"Okay" tapos nagmake sya ng smile
♪♪There I was again tonight forcing laughter, faking smiles. Same old tired, lonely place. Walls of insincerity. Shifiting eyes and vancancy vanished when I saw your face. All I can say is it was enchanting to meet you♪♪
Parang nakakainlove ang boses nya. Parang nakikinig ako sa isang anghel na kumakanta. Ano ba naman toh!
♪♪Your eyes whispered "have we met?". Across the room your silhouette starts to make it's way to me. The playful conversation starts. Counter all your quick remarks like passing notes in secrecy. And it was enchanting to meet you. All I can say is I was enchanted to meet you♪♪
Gusto ko laging ganto ... Lagi syang kumakanta ..
♪♪This night is sparkling, don't you let it go. I'm wonderstruck, blushing all the way home. I'll spend forever wondering if you knew. I was enchanted to meet you♪♪
"Okay hanggang dun lang! Mahal na ang talent fee ko eh!" sabi ni Ria. Di pa tinapos eh! Sayang naman, ang ganda na ng kanta eh!
"Tapusin mo na!"
"Ayaw! Nagugutom na ko eh! Tara sa canteen! Libre mo ko" tapos hinigit na nya ko palabas ng Music room. Aba! Close agad kami. Madali ko na lang magagawa yung plano ko sa kanya.