(Gab's POV)
Weekends ngayon at kung suswertehin ka nga naman! Kasama padin namin hanggang ngayon ang grupo ni Xiv. Sheett! Imbis na magpahinga kami, nagpaplano kami ng bwisit na party na yun! Shete talaga!
"So ano ang gusto nyong Concept ng buong place?" tanong ni Myx. Sila nga pala yung magdedesign sa buong place. Ano nga ba ang maganda?
"I want black" suggest ni Cindy, yung Class Monitor namin
"Black? Para namang halloween party. Wala kang taste. Tsk" sabi ni Ken. Ganto ba talaga toh? Makapanlait wagas!
"I think mas maganda ang Black pag pinares mo sa yellow. Ang elegant kasi tignan eh!" Suggest ni Nix. Sabagay maganda nga yung ganon.
"Tama! Yun na lang! Ang galing talaga magsuggest ng Girlfriend ko" sabi ni Ace, inirapan lang naman sya ni Nix. Hahaha, ang kulit talaga nila.
"So the color concept is Black and Yellow, masquerade ba?" tanong ko sa kanila
"Wag naman masquerade. Ano toh? JS Prom? Hahahaha." sabi ni Ria
"Oo nga. Wag na!" sabi ni Jae
"Kami na ang bahala sa food. May caterer na kaming nakausap para sa food" sabi ni Rina
"Yung mga songs naman?" tanong ni Max
"Mas maganda pag senti songs, lovesongs" sabi ni Xiv
"Okay. Kanya-kanya ng isip!"
Pagkatapos ng Conversation, naggrupo-grupo na kami. Si Nix, Ace, Myx at Ken sa may Sala. Gumagawa ng mga Designs. Si Rina, Cindy, Ria at Jae naman sa may part ng Kusina, naglilista ng mga pwedeng ipaluto dun sa Magccater. Tapos dito kami sa may taas, kasama ko si Xiv, Max at Jem. Naglilista at nakikinig ng Music na pwede
"Ano bang gusto nyong kanta?" tanong ni Xiv. Aba! Himala? Nakikisali sya ngayon sa pagpplano namin.
"A thousand years, Only Hope, Gitara, Lips of an Angel" suggest ni Jem
"Ano pa?" tanong ulit ni Xiv
"You're Love, Moving Closer, You and I" suggest naman ni Max
"Ikaw Gab? Any suggestions?" tanong sakin ni Xiv. Ano nga bang mai-ssuggest ko? Hmm.
"You're my Guardian Angel" sabi ko
"Yun lang?" tanong ni Max
"Wala akong maisip eh!" sabi ko sabay tawa ng pilit.
Tumahimik na naman ulit kami tapos nakinig lang sa Laptop na dala ni Xiv. Maghahanap pa kasi ng mga kanta ng pwedeng gamitin eh!
"Jem" bulong ni Max kay Jem. Pero rinig ko naman, Close sila? Di ako nagpahalatang naririnig ko at nagpatuloy lang sa pakikichismis.
"Pwede ba Max, tigilan mo na ko" iritang sabi ni Jem sabay walk-out. Ay? Best actress si Jem! Maya-maya sumunod si Max kay Jem
"Anong meron sa dalawang yun?" tanong ko kay Xiv
"Malay ko. Chismoso ba ko?" tokneneng talaga tong lalaking toh eh! Tss.
"Che!"
Okay? Anong meron? Parang may anghel sa pagitan namin ni Xiv ah! Ang tahimik. Di pa naman ako sanay ng ganito kasi naiilang ako!
"Ah Ano, Ah Xiv kuha lang ako ng snacks sa baba huh?" paalam ko sa kanya tapos bigla nyang hinawakan ang braso ko.
"Naiilang ka noh?" straight nyang tanong. Shemay! Halata bang naiilang ako?
"Hi-hindi ah! bakit naman ako mahihiya?" uutal-utal kong sabi
"Talaga lang huh?" tapos tinanggal nya yung kamay nya na nasa braso ko at hinawakan ang kamay ko. Fvck! Ayoko ng ganito! Kaya ayoko ng may lalaki sa bahay namin eh!
"Xiv, ano ba!" sigaw ko
"See? Naiilang ka! Bakit? Ngayon ka lang ba nahawakan ng isang lalaki?" nakasmirk nyang sabi. Oo! Ngayon lang ako nahawakan ng isang lalaki. So, sya ang unang humawak sakin
"Xiv!" pagkasigaw ko, binitawan na nya ang kamay ko. Tapos bumaba na ko.
Nakahinga na ko ng malalim ng makalayo ako kay Xiv. Si Xiv ba talaga yun? Para kasing hindi eh!
Pumunta ako sa Kusina at nakita ko dun sila Ria. Close na sila agad ni Jae? Ayos? Baka naman sila na ang susunod na Couple huh? Kumuha ako ng Chocolate Bar sa Ref at pumunta na ng Sala. Nakakabitter naman dun kasi nandun si Nix at Ace na nagkukulitan, tapos si Myx at Ken? Aba! Parang close na close na din ah! So, ganon? Oo nga pala. Bestfriend nga pala sila diba? Hayyss. Si Jem and Max? Parang may problem yata ah! Teka! May naaamoy ako sa mga girls ah.. Parang . parang lang naman. Pero sana naman hindi sila mahulog sa mga Gangster na yan! Baka masaktan lang sila eh! Pero sa tingin ko naman, yung misyon lang ang ginagawa nila. Tsk. Dito na nga muna ako sa baba! Bahala si Xiv dun sa taas. At nasan na ba nakarating si Jem at Max?
(Xiv's POV)
Nakakatawa talaga si Gab. Nagwalk-out? Naiilang nga talaga sakin. Siguro ngayon lang yun nahawakan ng lalaking gwapo! Swerte nya kasi ako ang unang nakahawak ng kamay nya! Hahaha. Mula dito sa kinauupuan ko kitang-kita yung Garden nila. Medyo malaki din kasi tong bahay nila eh! Teka. Sabi na! Si Jem at Max yung nahagip ng mata ko. Ano naman kayang ginagawa nila sa Garden?
Nanood lang ako sa kanila. Nag-uusap sila, kaso di ko naman naririnig. Ano kaya yung pinag-uusapan nila?
Maya-maya biglang umiyak si Jem. Teka? Ano bang meron sa kanila ni Max at bakit sya umiiyak? Si Max naman patuloy lang sa pagsasalita at pinapahid nya ang luha ni Jem, tapos si Jem tinatabig lang ng tinatabig yung kamay ni Max. Napapagod na kong manood sa kanila. Kung ano man ang problema nila. Sila na ang bahala dun! Wala na kong pakialam sa kanila.
Nakipaghiwalay na din pala ako kay Yas. Umalis na sya papuntang Canada. Nung una ayaw nya pang makipagbreak pero ayoko na talaga eh! Hindi ko naman kasi talaga sya mahal. Pinapahirapan ko lang yung sarili ko pati na din ang damdamin ni Yas napaglalaruan ko na din. Kaya mas maganda ng hiniwalayan ko sya para di na sya magdusa sakin .
Bumaba ako sa Sala at nakita dun si Gab kumakain ng Chocolate Bar.
"Oy Babae!" tawag ko sa kanya, tumingin lang sya sakin
"Ano?" tanong nya
"Wag kang kain ng kain ng Chocolate! Nakakataba kaya ang mga sweets" pagpapaalala ko sa kanya, ganyan din kasi si Charity eh! Mahilig sa sweets
"Okay lang toh! Tsaka ano bang pakialam mo? Sa masarap kumain eh!"
"Tsk. Bahala ka"
Pagkasabi ko nun ay kumuha na din ako ng pagkain sa Ref. Aba naman ang mga Gangster na toh dumidiskarte sa mga Girls. Hahaha. Ako na lang yata ang hindi makadiskarte eh! Bwisit naman kasi si Gab eh! Tsk. Ang hirap kuhain ng loob. Mukhang magffail pa ko sa misyon namin. Buti pa sila! Tsk. Makainom na nga lang ng Softdrinks in Can .
(Max's POV)
Shett talaga! Napaiyak ko na naman sya! Bakit ganto? Kung kailan gusto ko ng maayos ang lahat tsaka naman sya lalayo sakin
"Max, ayoko na!" sabi nya habang umiiyak "Masakit na eh! Sobrang sakit. Alam mo ba yun?" pagpapatuloy nya
"Sorry na Jem. Hanggang ngayon mahal pa din kita! Pwede bang ibalik natin yung dati?" tanong ko sa kanya
"Kahit na anong gawin mo hindi mo na mababalik yung dati eh! Masakit na kasi. Tama na, sobra na kong nasaktan eh! Ano pa bang gusto mo huh? Napaiyak mo na ko, nasaktan mo na ko. Hindi pa ba sapat yun huh?!" pahikbi-hikbing sabi nya. Ramdam na ramdam ko talaga yung sakit na nararamdaman nya! Sobrang mali talaga yung ginawa ko sa kanya dati. Nang dahil sakin nagssuffer sya hanggang ngayon. Ang sama ko! Ang sama ko talaga! Hindi ko na gagawin yung misyon namin nila Xiv ang gusto ko na lang ngayon ay maibalik si Jem sakin, dahil hanggang ngayon alam ko sa sarili ko mahal na mahal ko parin sya
"Bigyan mo ko ng Second chance Jem. Gagawin ko ang lahat mabalik ka lang sakin. At pag pinagkatiwala mo sakin ulit ang puso mo. Pangako! Hindi na ulit kita sasaktan pa" sabi ko sa kanya. Hindi na sya nakaimik at niyakap ko na lang sya habang patuloy padin ang pag-iyak nya. I really want this lady, I want her back.
"Tara nang pumasok sa loob" pag-aya ko sa kanya, tumango lang naman sya at hinawakan ko ang kamay nya papasok.
Pagkapasok namin ni Jem sa loob. Ganito ang mga itsura nila O__O
So? Anong meron? Bakit ganon sila makatingin?
"Dont tell me na may Relationship din kayo?" tanong ni Myx
"Huh? Ah Wala ah" sabi ni Jem sabay kalas ng kamay nya sa kamay ko. Ah~ Kaya pala ganon sila makatingin kanina.
"Talaga lang huh?" pang-aasar ni Gab
"Hahaha. Soon to be Couple" sabi ko sa kanila. Tumingin lang naman sakin si Jem at di na nagsalita. Alam ko naman kasi na maaayos din namin ni Jem yung relationship namin eh! Sana nga! Sana talaga!