(Jem's POV)
Ewan ko kung anong pumasok sa isip ni Max at bakit ganto sya sakin. May masama na naman ba syang balak sakin? Mahal ko sya! Mahal na mahal. Kaso natatakot ako na baka gawin nya ulit yung dati .. Na baka saktan nya lang ulit ako! At paglaruan ang damdamin ko, ayoko na kasing masaktan ulit eh! Tama na yung isang beses lang, kasi kung sasaktan nya ulit ako. Baka hindi ko na kayanin eh!
"Hey Jemimi. What you're doing?" tanong sakin ni Nix. Nakakagulat naman tong babaeng toh. Kung san-san na lang sumusulpot eh
"Sa tingin mo? Deserve nya ba ang second chance?" tanong ko sa kanya. Nandito nga pala kami sa terrace ng bahay, nakaupo lang.
"Ikaw ang tatanungin ko. Mahal mo pa ba?" medyo napatigil ako sa tanong ni Nix, mahal ko pa nga ba? Definitely, YES! Mahal na mahal ko pa din si Max hanggang ngayon. Sya ang first love ko eh!
"Yep"
"Kung mahal mo pa sya, give him a second chance. Pero magbigay ka na muna ng challenge sa kanya. Yung challenge na magpapatunay na mahal ka nya at seryoso sya sayo :)" Bakit ba ang daming alam ng babaeng toh?
"What kind of Challenge?" tanong ko sa kanya. Nahihirapan din kasi ako eh! Hindi ko alam kung anong challenge ang ibibigay ko kay Max
"Hmm. Mag-effort sya. Para naman makita kung seryoso sya talaga sayo"
"Ganon?"
"Yep" nakangiti nyang sabi. Buti pa sya masaya na kay Ace samantalang ako nagssuffer padin.
"Kamusta na kayo ng Boyfriend mo?" tanong ko
"Okay lang naman"
"Mahal mo ba talaga sya?"
"Ah He-he-he Uhm, Oo naman" Ehe? Parang may mali sa sagot nya ah
"Sure kaba Nix?"
"Yep! Masaya naman ako sa kanya kasi mabait sya sakin at mahal nya ko. Yun lang naman ang mahalaga dun eh!" Nice! Buti pa si Nix, naiinggit ako sa kanya
"Nababasa ko ang isip mo Jem! Wag kang mainggit. Dadating din sayo ang taong magmamahal sayo. Tara na nga sa loob!" pag-aaya nya sakin
Bumalik na kami sa loob at nakita namin na busy ang lahat sa paggawa ng decorations at sa pagpprepare ng foods
"Guys tama na muna yan. Lunch na muna tayo" pag-aaya ni Myx
Nagsilapitan naman ang lahat at nagkuhaan na ng pagkain. Teka sino ang nagluto?
"Ikaw ang nagluto?" tanong ni Nix kay Myx
"Luh? Hindi ah! Hahaha. Si Cindy ang nagluto nyan. Isang masarap na Sinigang" sabi ni Myx
"Ang sarap!" ~Gab
"Asim!" ~Jae
Isa lang ang masasabi ko! Masarap talaga! As in masarap. Haayy. Pagkain!
(Jae's POV)
Ang saya dito sa bahay nila Ria :D Ngayon ko lang nakitang nakangiti si Ria. Nakarecover na kaya sya sa pagkawala ni Jay North? Pesteng Jay North naman kasi yan eh! Makita ko lang yun. Babalatan ko sya ng buhay.
Ang sarap kumain. Nakakabusog! Pero bakit ganon?
"Riri hindi ka kakain?" tanong ko kay Ria
"Riri? San mo naman napulot ang pangalan na yun?" tanong sakin ni Ria. Naisip ko lang yun. Maganda namang pakinggan diba?
"Wala lang, ang ganda kasing pakinggan eh!" para namang nagtaka yung mukha ni Ria
"Hahahaha. Okay ako na si Riri tapos ikaw naman si Ruru. Came from you're name Jhenrou. Cute din pakinggan eh!" nice! Ang galing naman.
"Parang Poruru lang ganon?" natawa naman sya sa sinabi ko "Btw Riri, bakit di ka pala kumakain?"
"Huh? Ah eh. Uhm. Busog pa naman kasi ako eh!" sagot nya. Teka parang may mali ah!
"Sure ka? Pero mukha kang gutom na eh!"
"Nope. Ayos lang ako. Promise" sabay taas nya ng kamay na parang nagpapanatang makabayan
"If you say so"
Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Pansin ko lang bakit parang may iba kay Ria? Lahat naman kami dito kumakain. Dont tell me na hindi pa din sya nakakarecover kay Jay North? Psh.
"Girls, bibisita daw dito si Lala" sabi ni Nix
"Talaga?" sabat ni Jem
"Yep. Nagtecks sakin eh!" sagot ni Nix
"Pakidala yung aso nya sabihin mo" sabi ni Myx
"Sige" sabay pindot ni Nix sa cellphone nya
Okay? Sino naman kaya yung Lala na yun? Maganda kaya yun? Tsaka mahilig pala sa aso tong sila Riri. Hahaha ang galing .
Pagkatapos naming kumain nagsibalikan na kami sa mga gawain namin. Haayyss. Nakakapagod din pala noh?
"Ruru pwedeng favor?" sabi ni Ria
"Ano yun Riri?"
"Wag kang aalis sa tabi ko huh?" seryoso nyang sabi
"Hahaha. Hindi naman ako aalis eh! Kasi hindi pa tayo tapos sa ginaga--" hindi pa tapos ang sinasabi ko nagsalita na sya
"Not literally Ruru. Wag mo kong iiwan sa ere. I want you to be my bestfriend :) Rebound/Bestfriend. Parang ganon" napanganga naman ako sa sinabi nya kaya ang sagot ko ..
"Okay Riri" naka-Oo na ko sa kanya kaya papanindigan ko yung mga sinabi ko. Madali lang naman kasi yung favor nya eh! Tsaka rebound nya nga pala ako at pumayag ako dun, tutulungan ko syang makapagmove-on. Mabait naman ako eh! Diba? Hahaha
"Ruru. Salamat sayo huh?" nakangiting sabi ni Ria. Ngayon ko lang napansin, maganda naman pala sya eh!
"Saan naman?"
"Kasi tinutulungan mo kong makalimutan si Jn. Salamat ng madami sayo.. Pumayag ka pang maging rebound ko"
"Hahaha. Ano kaba! Kahit sino naman yata gagawin yun noh!" sabay pat ko sa ulo nya
"Hindi din. Kasi mas gusto nung ibang lalaki na sinasaktan ang mga lalaki. Natutuwa silang makita na nahihirapan yung mga babae. Iilan na lang ang concern sa feelings ng mga babae noh? Hahaha" sabagay tama nga naman ang sinasabi nitong babaeng toh
"Wala yun! Tsaka willing naman akong tumulong sa mga nangangailangan eh! Wag lang pera. Kasi wala akong maibibigay na pera"
"Hahaha. Loko ka talaga!" sabay hampas nya sa braso ko ng pabiro
"Tama na kayo Oy! Nilalanggam na kami ni Rina dito" sabat ni Cindy. Hahaha. Ganon? Tumawa lang naman kami ni Ria sa sinabing yun ni Cindy.
Busy ang lahat ng may tumakbong aso papalapit kay Riri. Teka? Parang kilala ko tong asong toh ah
"Oh Stariray! Namiss kita!" sabi ni Ria dun sa aso tapos hinimas himas nya yung leeg nung aso
"Riri. Kilala mo yang aso?" tanong ko
"Yep! Kilala naming lahat tong asong toh" sabi nya sakin
"Yiee! Nandito na naman si Stariray!" irit ni Nix
"Ako naman ang hahawak kay Stariray!" sabi naman ni Myx
"Ang laki na nya" sabi ni Gab
"Nauna pa yang Stariray na yan kesa kay Lala eh" sabi naman ni Jem tapos nagsilapitan silang lahat dun sa aso. Para talagang pamilyar sakin tong asong toh.
"Oy Jae. Ang sama ng tingin mo sa aso ah? Bakit?" bulong sakin ni Ken
"Ah Wala. Para kasing pamilyar yang aso na yan sakin" bulong ko din sa kanya
"Hahahaha. Baka naman nagseselos ka, kasi sya ang pinapansin ni Ria at hindi ikaw" sabay tawa ni Ken. Baliw din tong lalaking toh eh noh?
"Tanga! Hindi ah! Basta. Parang nakita ko na yang aso na yan" sabi ko sa kanya
"Gusto mo din bang hawakan si Stariray, Ruru?" tanong sakin ni Ria. Lalapit na sana ako dun sa aso tapos tinahulan ako. Badtrip! Bad dog! Bad!
"He-he. Wag na lang. Mukhang di nya ko gusto eh!" sabi ko kay Ria
"Nasan na nga pala si Lala?" tanong ni Gab tapos nagsilingunan sila dun sa main door. Sino ba kasing Lala yun? Siguro sya yung may ari nitong asong askal. tsk. Maya-maya may pumasok dun sa pinto
"Sorry Guys kung natagalan ako! Nagpark pa kasi ako ng car ko eh. Tapos bumaba agad ng sasakyan si Star kaya nauna sya sakin. Ano? Namiss nyo ba yang aso kong pasaway?" sabi nung isang babae. Shet! Sya nga! Sabi ko na! Parang kilala ko talaga yung aso at tong babaeng naglalakad papalapit sa amin.
"Buti naligaw ka dito sa amin" bati ni Gab sa kanya
"Hahaha. Oo nga eh! Medyo busy ako this past few days eh. Pero ngayon, okay na naman yung sched ko" sagot nung Lala
"Busy ka kasi sa pagmomodel mo eh!" sabat ni Myx
"Oo nga! Hahaha. Kaya ka yumayaman eh" si Nix naman
"Dito kana muna magbakasyon samin" sabi naman ni Jem
"Hahahaha. 3days lang ako nakaleave eh! So, 3 days lang ako dito" nakangiting sabi ni Lala "At busy pala kayo huh? Preparation for what?" tanong nya
"Acquaintance Party" sagot ko
"Oh you!" sabay turo nya sakin
"Still remember me?" tanong ko sa kanya
"Yep! If I'm correct. Your name is Jae diba?" nakangiti nyang sabi
"Hahaha. Kilala mo pa pala ako" sabi ko sa kanya, nagkatawanan naman kaming dalawa
"Magkakilala kayo?" tanong ni Ria samin
"Yeah" sabay naming sabi ni Lala
Akala ko hindi na kami ulit magkikita. Ang galing! Kilala nya pa pala ako. Ang ganda nya talaga, no wonder na Model sya. Kasi ang perfect nya eh! Yung aso nya, nakilala ko na. Si Star pala yun. Stariray lang ang tawag nila Ria sa kanya.