(LJ's POV)
Sa wakas! Nakabalik na din ako sa Istoryang ito. Hi? Still remember me? I know hindi nyo na ko kilala. Let me introduce again. I'm Lovely Jasmine Rivera "LJ" for short or you can call me Lala, isang model at 17 years old na ko. Hindi na ko pumapasok sa school kasi nga modelling na lang ngayon ang inaatupad ko. Hindi nyo padin ako nakikilala? Wait, eto mini flashback
Flashback >>
"Hey Miss!" sigaw ng isang lalaki kaya naman automatic akong napalingon
"Oh, it's you again!" nakangiti kong sabi sa kanya, sya yung lalaking tinahulan ni Star
"Hmm, nasan ang dog mo?" tanong nya sakin.
"Ah, iniwan ko na muna sya sa bahay baka kasi makawala na naman ulit eh!"
"Ganon ba? Hmm, nung last time na nagkita tayo hindi ko nga pala nakuha name mo" nakangiti nya sabi sabay kamot sa ulo na parang nahihiya
"Ah, name ko ba? It's Lovely Jasmine, LJ na lang"
"I see, nice name and nice to meet you again Miss Lj. I'm Jhenrou Axel Ezekiel, JAE for short" pakilala nya sakin
"Nice to meet you again, Jae. Hmm, I need to go na eh! See you around Mr. Jae"
"Sige, ingat!" sabi nya
Umalis agad ako kasi may importante talaga akong pupuntahan nun
End Of Flashback <<
Naalala nyo na? Yung sa Chapter Four po yan. Yes, ako yung babae dun.
"Magkakilala kayo?" tanong ni Ria samin
"Yeah" sabay naming sabi ni Jae, natawa naman kami pareho
"Paano? Saan? Kailan?" sunod sunod na tanong ni Ria sa ami
"Hahaha. Matagal-tagal na yun. One time kasi nakawala si Star tapos nakita ko na lang na tinatahulan nya si Jae. Kaya nagkakilala kaming dalawa" sagot ko sa tanong nya "Teka, schoolmates kayo?" tanong ko ulit
"Yeah, actually classmates kami" sabi naman ni Jae, hmm? Classmate nga lang ba?
"Para saan ba yang mga ginagawa nyo?" tanong ko sa kanila sabay turo dun sa ginugupit nila Myx
"Sa Acquaintance yan" sagot ni Jem
"Ah good. Tara na! Sali ako dyan sa ginagawa ninyo" sabi ko sa kanila tapos nakiupo dun kila Myx at naggupit na din ng Decorations. Bumalik naman ang lahat sa ginagawa nila. Si Jae nasa kusina naghahanap sila ng pagkain na gagamitin sa Party daw nila sa school. Sayang! Gusto ko pa naman sana sumali
By the way. Di ko pa pala nasasabi sa inyo noh? Vampire din ako. Friend ako nila Gab simula pagkabata pa. Hehehe, kaya close kaming lahat. May secret ako! I like Jae, siguro naman walang magagalit? Sa tingin ko naman kasi wala syang Girlfriend eh. Sana nga wala.
Tumayo ako at pumunta kila Jae. Hehehe makikisali din ako sa kanila tapos magtatanong na din ako kay Jae
"Jae?" tawag ko sa kanya, lumingon naman sya agad
"Yep? Ano yun?" nakangiti nyang sab
"May maitutulong ba ko sa inyo?"
"Here! Maghanap ka ng food na pwedeng gamitin sa Party" sabay abot nya sakin ng Cook book, binuklat ko naman agad yun at naghanap ng mga pagkain na pwede sa party.
"Pwedeng magtanong?" tanong ko ulit kay Jae
"Sige lang"
"Uhm may Girlfriend kaba?" nagulat naman sya sa tanong ko pero ngumiti din naman agad sya
"Bakit?"
"Wala lang naman. I'm just asking if meron" pacute voice kong sabi sa kanya
"Wala" kalmado nyang sabi. Yey! Ngiting tagumpay na naman ako! Hahaha Sabi na eh. "Pero I'm dating Ria" what? He's ano daw? He's dating Ria?
"What? You're dating who?" tanong ko sa kanya, baka naman kasi nagkamali lang ako ng dinig
"Dinidate ko si Ria, My Riri" tapos tumingin sya kay Ria "Nasa M.U Stage na nga kami eh" what? M.U Stage? Sheett! It can't be! Matagal ko na syang hinahanap eh! Tapos kay Ria sya mapupunta? Di ako papayag! I like Jae! He's mine! Mine only!
"Ria? Totoo?" tanong ko kay Ria
"Uhm. Yep! Were dating. He's my Ruru, my Poruru" nakangiting sabi ni Ria. So? Totoo nga? Why? Huli na pala ako! Pero MU palang naman diba? Hindi pa sila mag bf/gf, may pag-asa pa ko. Kung ang asawa nga naaagaw eh! Ka MU pa kaya? Sorry Ria pero I like Jae that much.
"Ah~" yun na lang ang nasabi ko tapos nagpatuloy na ko sa paghahanap ng mga foods dun sa Cook Book. Hmm, mapapasakin din naman si Jae. Konting hintay lang *smirk* gagawin ko ang lahat mapunta lang sya sakin!
(Ria's POV)
"I'm dating Ria"
"I'm dating Ria"
"I'm dating Ria"
"I'm dating Ria"
"I'm dating Ria"
Paulit-ulit yan sa isip ko. Bakit ganon? Parang feeling ko ang espesyal ko.
"Riri, ayos ka lang?" natigil lang ang pagddaydream ko ng magsalita si Jae
"Ah yep" sabi ko sa kanya tapos nagtaray ako
"Bakit mo naman ako tinatarayan? May nagawa ba kong mali sayo?" tanong nya sakin sabay pout. Luh? Yan na naman sya sa pacute style nya eh! Nakita ko namang umalis si LJ at pumunta dun sa kwarto ni Gab. Magpapahinga yata yun? Pagod kasi sya eh, nakasunod pa sa kanya si Stariray.
"Wala" tapos inirapan ko sya
"Luh? Riri naman eh!" sabay pout nya na naman. Natatawa na nga lang si Cindy at Rina saming dalawa eh!
"Wala nga. Okay? Change topic nga pala .. Parang may gusto yata sayo si LJ" sabi ko sa kanya
"Nagseselos ka?" tanong nya habang nakangiti ng nakakaloko
"Gago ka talaga! Kapalmuks ka huh? Ako magseselos? Bakit naman?"
"Kasi diba? We're DATING" talagang in-emphasize nya pa. Ayos! Feeling ko tuloy nagbblush yung cheeks ko. Tsk.
"Heh! Pero hindi mo ba sya type?" pagcchange ko ng usapan
"Nope" cool nyang sabi
"Huh? Bakit naman?"
"Kasi diba Rebound mo ko? So, hindi dapat ako nakikipagflirt sa iba" bulong nya sakin. Oh? Rebound ko nga pala sya noh?
"Rebound lang pala eh"
"Bakit anong gusto mo? Totohanan na? Gusto mo yun Riri?" pang-aasar nya sakin
"Che! Tumigil ka na nga dyan! Para kang tanga eh! Maghanap kana lang ng pagkain dyan sa Cook Book" sabay hampas ko sa mukha nya ng Cook Book. Tumawa lang sya tapos nagtingin-tingin na ulit ng pagkain. Bakit ganon? Parang ang tagal na naming magkakilala, kasi parang ang close na namin ng sobra eh! Pero hindi pwede toh! Kasi kaaway kasi ng grupo namin ang grupo nila eh! Si Ria? Ang isang Knight Lord? Nakikipagkaibigan na? Astig naman! Tsk. Pero wala naman yatang masama kung makikipagkaibigan ako eh! Kaibigan lang naman eh! Tinignan ko yung nililistahan namin ng mga ipapaluto namin sa Caterer.
"Wow may lasagna pala dyan?" nakita ko kasi sa Listahan ni Cindy eh! Sheezz. I'm craving for Lasagna
"Yep! Favorite mo ba toh Ria?" tanong sakin ni Cindy
"Sobra! Sobrang favorite ko yan. I am now craving for that" sabi ko sa kanila
"Guys! Alis na muna ako huh?" pagpapaalam ni Jae
"Teka! Hindi pa ta--" bago ko pa masabi yung sasabihin ko, nakalayas na sya. Hindi pa tapos yung ginagawa namin eh! Lumayas agad? Unfair.
"Pahinga na muna tayo" sabi ni Nix "Pakitawag sila Gab dun sa taas sabihin nyo kain na muna tayo ng meryenda" utos ni Nix, sino pa bang susunod sa kanya? Edi yung loving and caring nyang boyfriend. Tinawag na dun sa taas sila Gab. Nasan na ba si Jae? Ang tagal nya naman yatang bumalik? Yun ay kung babalik pa nga ba. Nakababa na sila Gab at nagsiupo na dun sa Sala at nagsalang ng Cd. Manonood daw sila ng The Grudge at Imprint. Horror ang tema eh!
"Nasan si Jae?" tanong sakin ni Max
"Umalis eh. Ewan ko kung saan nagpunta yun" sabi ko tapos nagpatuloy lang silang manood
"Oh ayan! Cookies! Bahala kayo kung mauubos nyo yan" sabi ni Nix habang hawak ang garapon ng cookies at nasa likod nya si Ace na may hawak din na garapon. Nagsikuhaan naman ang lahat at nagsinood na din.
No choice talaga ako! Makikiupo na nga din ako. Umupo ako sa may sahig at kumuha ng cookies. Hahaha. Parang tanga lang si Xiv nagtatago sa likod ni Gab. Ano ba naman yan?! Ang tanda-tanda na! Takot padin sa ganyang palabas? Hahahaha.
"Sorry guys kung ngayon lang ako" sabi ng isang Jae na humihingal tapos may dalang mga plastic bags
"San ka galing bro?" tanong ni Ace
"Bumili lang ng drinks. Eto oh" sabay taas nya ng plastic bag. Tinulungan naman namin sya sa pagdadala ng plastics.
"Riri tara!" pagkababa ko ng plastic dun sa may mesa hinila nya ko palabas, dun sa may garden ng bahay namin
"Anong gagawin natin dito?" tanong ko
"Kakain"
"Huh? Kakain? Anong kakainin? d**o?" pilosopo kong sabi
"Baliw! Eto oh!" tapos tinaas nya yung isang supot
"Ano naman yan?"
"Lasagna" nabato naman ako sa kinatatayuan ko ng marinig kung ano yung laman ng supot. Sheezz! Is this real? As in My Lasagna?
"Lasagna? For real?" tanong ko sa kanya
"Yep" hinila nya naman ako dun sa may upuan at binuksan yung nasa supot. Shet! Oo nga! Lasagna nga!
"Wow! My Lasagna" kukuha na sana ako nang bigla nyang ilayo
"What?" inis kong tanong sa kanya
"Bago mo makuha tong Lasagna mo, may kondisyon ako"
"Ano naman yun?"
"May 3 wishes ako sayo" sabi nya
"Okay. Okay! Basta give me my Lasagna" tapos pilit kong inabot yung Lasagna ko.
"Promise? May 3 wishes ako?" paninigurado nya
"Oo na" pagkasabi ko nun ay ibinigay na nya sakin yung pagkain ko. Yes! Yehey! My Lasagna. Di na ko nagpaliguy-ligoy pa kaya kinain ko agad.
"Burrpp-- Opps. Sorry" sabay takip ko sa bibig ko
"Parang di ka babae eh!"
"Eh sa nabusog ako eh! Ang sarap kaya"
"Halata nga eh! Hindi mo man lang ako tinirhan, eh binili ko yun para SATIN" sabay kamot nya sa ulo. Hahaha. Saming dalawa pala yun? Sarrey! Di ko alam eh
"Sorry" apologize ko, nakakahiya naman
"Ge, Okay lang. Tara na sa loob"
Pumasok na kami sa loob at nag-imis na ng mga kinalat namin.
"Bye!" paalam nila sa amin, pagabi na din kasi eh! Kaya naman pinauwi na namin sila. Delikado na. Si Max at Jae ang maghahatid kay Rina at Cindy.
"Natapos din ang nakakapagod nating araw" sabi ni Gab
"Tara nang magpahinga" sabi ni Myx
"Nasa kwarto mo pala si Lala" sabi ko kay Gab
"Hayaan na. Myx tabi muna tayo huh?" sabi ni Gab kay Myx, nagnod lang naman si Myx kaya nagsiakyatan na kami. Totoo nga! Nakakapagod talaga tong araw na toh. Haayyss ang daming nangyari! Byebye na! Pahinga na muna kami.