(Jem's POV)
"Nasan na kaya si Nix?" tanong ni Ria
"Baka naman lumayas na yun. Kasi naman eh! Haaay, kasalanan ko to! Dapat talaga hindi ko sya sinampal" sabi ni Gab
By the way, nandito na nga pala kami sa school. Wala pa kaming teacher kaya nakakapagkwentuhan pa kami.
"Alam nyo, wala naman kasing may kasalanan eh! Hindi naman kasi natin ginusto na magkaganito tayo" sabi naman ni Myx
"Tss, kasi naman. Sino ba naman kasi ang may kasalanan na tumabi sa lalaki? Sino ba naman kasi yung malanding yun?" sabi ko sabay tingin kay Ria
"Jem, ako ba ang pinariringgan mo?" tanong ni Ria sakin
"Ha? Tinatamaan ka ba? Tsaka, paano mo nalamang ikaw yun? Sinabi ko bang 'ANG LANDI MO RIA?' Hindi naman diba?"
"Jem, wag mo akong hinahamon. Alam mo kung paano ako magalit" sabi nya sakin
"Really? Ow, I'm so scared. Then bring it on!" hamon ko sa kanya. Susugod na sana sya kaso pinigilan sya ni Gab
"Ano bang problema nyo ha? Wag nyong sabihin na pati kayo mag-aaway? Act your age Jem and Ria! Don't be so childish. Hindi na kayo bata para sawayin ng sawayin. Malalaki na kayo! At pwede ba? Wag na kayong dumagdag sa g**o? Hindi naman kasi kayo nakakatulong eh! At ikaw Jem, itikom mo yang bibig mo. Masyadong matalas ang dila mo at ikaw naman Ria! Wag mong ipagmalaki na malakas ka! Dahil pantay-pantay parin tayo dito. At sa inyong dalawa, kaya ko kayong patayin pareho! Kaya wag kayong magmalaki, ha? Wag na kayong sumabay" sabi ni Gab
"Pst, Gab" tawag ni Myx
"Ano?!" iritableng sabi ni Gab
"Pwede bang manahimik kana?" nakangiwing sabi ni Myx
"At bakit?!"
"Nakatingin na ang mga classmates natin satin" bulong ni Myx
Tumingin naman si Gab sa paligid at nakita na nakatingin nga lahat ng classmates namin sa kanya.
"Sorry" sabi ni Gab sabay tahimik
Biglang dumating yung teacher namin, kaya naman nagsitahimik na kami. Tss, mamaya sakin tong si Ria. Wag nyang sabihin na mas malakas sya sakin. In fact, this is all her fault. Kung hindi dahil sa kanya hindi aalis si Nix at hindi masasampal ni Gab si Nix. Tsaka, alam nya naman na sa una palang, gusto na ni Nix si JN eh. Grabe naman sya! Pati kaligayahan ni Nix, aagawin nya pa? Sya lang naman ang sisira ng samahan namin eh. Kasi selfish sya!
"Good morning" bati ng teacher namin
"Good morning, sir" bati rin namin
"What's good in the morning?" bulong ko sa sarili ko
"Okay, you may sit" sabi nya at nagsiupuan na kami at nagtawag na sya para sa attendance
"Hmm, nasan nga pala si Ms. Arellano?" tanong ni sir
"Wala po sya, hindi nakapasok eh" sabi ni Myx
"Bakit?"
"Masama po kasi ang pakiramdam. Ang sabi nya po, bukas na lang po sya papasok. Tsaka, sabi naman po nya na mag-eexcuse sya. Hmm, pati raw po ang mga quiz at test na kukuhain ngayong araw ay ireretake na lang daw nya tomorrow. Kung meron man po. Pwede po ba?" sabi ni Myx
"Pwede naman. Sana bukas ay makapasok na sya. Okay, so start na tayo"
Nagstart na syang magdiscuss about History. Nakakainip! Wala kasi si Nix eh. Sana naman, pumasok na sya bukas. Wala kasi akong kadaldalan sa ganitong oras eh.
"Blah-- blah-- blah--"
Nakakatamad talaga ang History! Economics na kami ngayon kasi nga graduating na kami pero more on History parin kay tinatawag ko paring History to. Ayoko pa naman ng ganito. Teka lang, may napansin pala ako. Parang may mali?
"Gab, may napapansin kaba?" tanong ko kay Gab
"Ha? Ano naman?" taas kilay nyang tanong
"Wala ka talagang napapansin?"
"Wala nga eh! Ano ba kasi yun?" curious nyang tanong. Tss, hindi talaga nya nahahalata? Hina naman ng radar nito.
"Okay, sasabihin ko na sayo"
"Okay, so ano nga yung napapansin mo?"
"Wala yung mga engot! Wala si Xiv, Jae, Ken, Max at Ace. Wala silang lima! Diba ang saya?" sabi ko sa kanya
"Oo nga noh? Ngayon ko lang din napansin. Hahahahaha! Buti naman at wala sila! So, mamaya sa canteen tayo! Magpplano tayo ng mga gagawin natin sa kanila" sabi ni Gab
"Okay sige! Go ako dyan" irit ko
"Ms. Imperial at Ms. Ruiz, ano ang pinagkakaabalahan nyo dyan?" tanong ni sir. History
"Hmm, nothing po" sagot naming dalawa
"Okay, so can I continue?"
"Yeah, continue your lesson" sabi ni Gab
Naglesson na naman si sir. Nakakatamad naman talaga to! Ayaw pang matapos! Bakit pa kasi kailangan na aralin ang History? Nakalipas na yun ah! Bakit mo pa babalikan ang natapos na? Dapat nakasentro na yung utak mo sa present at sa future. Hindi yung pinipilit mo paring bumalik sa nakaraan kahit hindi na kailangan pang balikan.
After ilang "blah-- blah-- blah--" Natapos din si sir. Salamat naman! Nakakatamad naman kasi. So, dalawang subject na lang at matatapos na! Canteen na ang susunod! Yey!
**2nd Subject
"Ang tagal naman yata ni sir?" sabi ng isa sa mga classmates namin .. si Bubbles
"Oo nga noh? 10 minutes late na sya. Hindi naman nale-late yun ah. Pagkatapos ni sir. History. Nakaabang na sya agad. Ano kayang nangyari?" nagtatakang sabi ni Cindy
Daldalan lang ng daldalan ang mga classmates namin habang hinihintay yung teacher namin sa Physics. Ang tagal nga nya! Hindi naman kasi talaga nale-late yun eh!
Biglang may pumasok sa room namin na babae at nagsalita "Ahem! Star section"
Tahimik lang kami at nag-aabang sa sasabihin nya
"Ahh, wala po si sir ngayon at wala rin po ang ibang teacher dahil may urgent meeting po lahat" sabi nung babae
"Cut ba ang classes?" tanong ni Myx
"Yes, cut po. Pwede na po kayong umuwi"
Pagkatapos nyang sabihin yun. Naghiyawan na ang mga engot naming kaklase. Hahahaha, eto ang gusto ko eh! Walang pasok. So? Lagalag na naman kaming apat! Sana nasa bahay na si Nix :( Para naman may kausap na ako.
"That's good! Mapagpaplanuhan natin ng maayos yung paghihiganti natin sa mga engot na yun" sabi ni Gab
"Ha? Anong revenge naman yan?" nagtatakang tanong ni Myx
"Nakalimutan nyo na ba? Yung paghihiganti natin sa mga gangster na pumatay sa mga kasamahan natin" galit na sabi ni Gab
"Ngayon na ba natin pagpaplanuhan, Gab?" tanong ni Ria
"Hindi, bukas! Baka busy ka? Bukas na lang?" pambabara ko kay Ria
"Magsisimula na naman ba kayo?" asar na sabi ni Gab
"Hindi! Matatapos palang" sabay irap ko
"Tss, Jem! Ano ba?! Umayos ka nga!" sigaw nya sakin
"Nakaayos naman ako ah! Saan ba ang lakad natin at kailangan pang mag-ayos? Party ba? Ha? Party?"
Napahawak na lang si Gab sa ulo nya "Hindi ko na talaga alam ang gagawin sayo Jem" sabi ni Gab sakin
"Oo na! Aayos na ko. So, tara na? Uwi na tayo. Para naman mapagplanuhan na yang revenge ek-ek na yan"
Ano pa nga bang ginawa namin? Edi umuwi! Alangan namang pumasok ulit kami? Cut nga ang klase diba? Tanga lang? Ganon? Ugh, nababadtrip talaga ako! Nasaan na kasi ang engot na si Nix? :( Miss ko na talaga sya! Parang isang taom ko na syang hindi nakikita eh! Basta, miss ko na talaga sya! Sana naman Nix magpakita ka, sana nasa bahay kana pagdating namin.
(Ria's POV)
Hindi ko talaga malaman kung bakit nagkakaganito! Bakit galit sakin si Nix? Pati si Jem, kinakalaban na rin ako! Masama ba ko? Hindi ko naman ginusto na magkagusto kay Jay North eh! Hindi ko rin inaasahan na mahuhulog ako sa kanya. Sana naman maintindihan ako ni Nix.
"Ria, okay ka lang ba?" tanong ni Myx sakin
"Okay lang ako. Wag mo na lang akong pansinin"
"Hayaan mo na lang muna si Jem. Alam mo namang kasi na malapit sya kay Nix kaya ganyan sya makapagreact. Hindi naman nya sinasadya yung mga sinabi nya eh! At mahalaga ka rin sa kanya. Kaya kung ano man ang nasabi nya sayo kanina. Hayaan mo na lang, babalik din yan sa dati kapag bumalik na si Nix" sabi ni Myx sabay himas sa likod ko
"Paano kung hindi na bumalik si Nix nang dahil sakin? Ano na lang ang magiging tingin ni Jem sakin?"
"Wag ka ngang negative thinker! Alam kong babalik si Nix. Pero hindi agad kayo magkakaayos pero maaayos natin to! Malalagpasan natin ang mga problemang to. Be a positive thinker, okay?" sabi nya
Tumango ako kasi tama naman sya "Ako naman kasi ang dapat sisihin eh! Ako ang may kasalanan nito! Dapat pala hindi ko na lang minahal si JN. Kung alam ko lang na mangyayari to. Itinigil ko na sana yung nararamdaman ko"
"Alam mo, Ria? Walang may gusto nito! Walang may kasalanan. Tsaka, alam ko naman na magiging maayos din kayo ni Nix. Positive nga lang diba?"
"Sana .. Sana nga" bulong ko
**At the house
"So, anong plano?" tanong ni Jem kay Gab
"Eto na nga ang plano .. Ang tagal ko ring pinag-isipan to! Pero ngayon ko lang napag-isipang sabihin sa inyo. Yung plano natin ay ganito. Makinig kayo ha?" huminga ng malalim si Gab bago ulit magsalita
"Ako ang susubaybay kay Xiv. Myx, ikaw kay Ken. Jem, kay Max ka. Ria, si Jae ang sayo at si Nix naman kay Ace"
"Teka, paano magagawa ni Nix yung sa kanya? Eh hindi nya tayo kinakausap? Tsaka, wala sya dito eh" tanong ni Myx
"Simple lang! Si Jem ang kakausap kay Nix. Sigurado naman akong babalik sya dito eh at kakausapin nya si Jem" sabi ni Gab
"So, ako ang kakausap kay Nix?" turo ni Jem sa sarili nya
"Exactly! Ikaw nga ang kakausap kay Nix para naman maging successful ang plano natin"
"Pagkatapos natin silang manmanan? Anong kasunod?" tanong ko
"Buti naman at natanong mo yan! Pagkatapos natin silang subaybayan, titignan natin ang weakness nila at yun ang gagamitin natin para makapaghiganti tayo sa kanila" nakangising sabi ni Gab
"Papatayin ba natin?" tanong ni Jem
"Buti naman at natanong mo yan! Gusto ko ring malaman ang sagot ni Gab sa tanong mo na yan" sabi ko sa kanya habang nakangiti pero inirapan nya lang ako. Haaay, galit talaga sya sakin.
"Natanong nyo na rin naman yan. Sasagutin ko na .. Depende! Kapag natripan ko. Gagawin natin, kung magmakaawa sila? Pag-iisipan ko. Hahahaha, magiging exciting to!" may malapad na ngiti sa mukha ni Gab
"Hahahaha, sana nga! Namiss ko rin ang ganito eh!" ngiting wagi na sabi ni Myx
"Ako rin! Namiss ko" -Jem
"Me too!" sabi ko
"Sana naman maging maayos na ang family natin. Babalik si Nix! Alam ko" sabi ni Myx
"Sana nga" bulong ko sa sarili ko
"San tayo ngayon?" tanong ni Gab
"Ha? Bakit? May pupuntahan ba tayo ngayon?" tanong ko sa kanya
"Wala naman. Pero paano tayo este kami kakain?"
"Tawagin nyo si JN" suggest ni Myx
"Hindi! Wag nyo syang papuntahin dito at baka mapatay ko yung hayop na yun" galit na sabi ni Jem
"Oww, paano tayo ngayon?" tanong ulit ni Myx
"Padeliver na lang" suhestiyon ko
"Ikaw din naman ang nakaisip. So, ikaw na ang tumawag para magpadeliver" sabi ni Jem habang nakataas ang kilay sabay alis
"Hayaan mo na lang muna si Jem ha? Tiisin mo na lang sya" sabi sakin ni Gab habang hawak ako sa balikat
"Oo, Gab. Kaya ko pa namang magtimpi eh. Pero sana naman wag na syang magalit sakin. Iiwasan ko na lang muna si JN para naman tumahimik na ang pamilya natin" sabi ko
"Good! Iwasan mo na lang muna sya. Para naman hindi na lumala pa ang g**o between you and Nix at pati na rin kay Jem"
"Oo, gagawin ko talaga ang lahat para naman hindi na sila magalit sakin"
"Tama yan, Ria" sabay tapik sakin ni Gab "Tara na nga! Tama na yang drama! Hahahaha, tawag ka na ng magdedeliver. Para naman makakain na kami ng lunch." dagdag nya
"Mabuti pa nga"