Chapter Sixteen - The Boy's Plan

1636 Words
(Myx's POV) Hindi ko na talaga alam ang mga nangyayari. Basta ang alam ko lang at malinaw sakin ay .. MAGKAKAGALIT sila. Kailan kaya magiging maayos ulit ang pamilya namin? Tsaka, hindi pa nagsisink-in sa utak ko yung 'Revenge' na word. Haaay, ang tanga naman kasi ng mga gangsters na yun eh! Bakit isa pa sa mga kasamahan namin ang pinatay nila? At yung mataas pa! Ang bobo talaga nila. Ayan tuloy, mapapadali ang buhay nila. Kawawang mga nilalang. Mga engot kasi eh! Anyway, ang nagsink in lang yata sakin ay yung mga tao na susundan namin .. Gab kay Xiv Ria kay Jae Jem kay Max Nix kay Ace at sakin si Ken Hahaha, kung sinuswerte nga naman! Dun pa ako napatapat sa laiterong yun! Akala nya, patay sya sakin ngayon. Gagantihan ko sya sa mga katangahan nya. "Ano? Ayos na ba yung pagkain na pinapadeliver?" tanong ni Jem "Hindi pa po madam" sabi ni Gab "Tsk. Ang tagal naman yata! Bakit ba ang tagal nyan? Sasapakin ko yung delivery boy ng fastfood na yan eh!" pagmamaktol nya "Sa matagal eh! Anong magagawa?" asar na sabi ni Gab "K. Aalis na muna ako! May bibilhin lang ako sa labas" pagpapaalam ni Jem "Okay sige! Bilisan mo lang at baka mamaya nandito na yung pagkain" sabi ni Ria "Baka nga maunahan ko pa yang delivery boy eh! Sa sobrang kupad nya" Umalis na si Jem at kaming tatlo ang naiwan dito sa bahay. Bahala sila sa buhay nila. Basta neutral lang ako at wala akong kakampihan. Kasi naman, pareho silang may mali. Kung sino pa ang nagsasaway dati, yun pa ang taga-panguna ngayon ng g**o. Ewan ko sa kanila. (Jem's POV) Hindi ko na talaga makakayanan na manatili pa dun sa bahay habang nandun yung Ria na yun. Wag lang talaga magpakita sakin yung Jay North na yun! Kasi hindi talaga ako magdadalawang isip na patayin sya! Pangako. Nandito ako ngayon sa kalsada, naglalakad. Wala kasi akong magawa eh! Bibili na lang muna ako ng softdrinks. Agang-aga ano? Wala kayong pakialam! Trip ko magsoftdrinks sa umaga eh. Baliw nga kasi ako. **Mini store "Ate, pabili nga ng softdrinks. Yung nasa can. Sprite" sabi ko "Eto na oh" sabay abot nya sakin Pero pagtalikod ko ... "Look who's here? Hahaha" sabi ni Max. Kung minamalas nga naman "Tabi nga! Ang laki mong bara sa daanan eh" sabi ko at binangga sya "Teka nga!" sabay hawak nya sa braso ko "Bakit? What do you want? Ha?" tanong ko "What do I want?" he rephrase "Bingi ka? Tagalugin ko pa ba? Anong gusto mo?" "I WANT YOU" sabi nya sabay ngiti "Me? Are kidding? Bitawan mo nga ako engot!" "No, I'm not" "Who do you think you are?" inis kong tanong sa kanya "Me? Well, I am Maxell Adrian Xeb. The one that make you fall in love" "Really? Patawa ka! Harap ka nga muna sa salamin. Pwede? And will you please let go of me? Baka mahawaan ako ng virus mo! Engot!" sabay higit ko braso ko at lakad palayo. Bakit? Sino ba sya para hawakan ako? Ang kapal naman ng mukha nya! "Hahaha, ano Max? Papatalo ka?" narinig kong tanong ng engot na si Xiv "No! Hindi ako papatalo! Watch me" sabi nya. Ano na naman kaya ang gagawin nitong engot na to? "Hoy! Jamicha Evelyn Mashia! Hindi ako papayag na ginaganito mo lang ako! Sino ka sa tingin mo? Ang swerte mo nga eh! Kasi pinapansin pa kita! Alam mo ba yun?" sabi nya sakin. Hala sya oh! Patawa talaga. Hahahahaha! "Talaga lang ha? I want to tell you this! I'm not stupid, idiot! Kung akala mo, cheap akong babae. Nagkakamali ka! Hindi ako katulad ng mga babae na napapaikot mo! Para sabihin ko sayo, iba ako sa lahat ng babae! Kaya kung balak mong gamitin sakin yang charm mo. Pwee! Hindi yan tatalab sa isang Ruiz. Tandaan mo yan! Babye! LOSER ka talaga!" Pagkasabi ko nun ay umalis na ko ng tuluyan at sya? Nakakatawa yung mukha nya. Kasi naman mukha syang nalugi. Buti nga sa kanya! Akala nya naman tatalab sakin ang pang-aakit nya? HELL NO! Makabalik na nga sa bahay. Nandun na yata yung mga pagkain. Nagugutom na rin kasi ako eh! Babye! Mahal ko kayo :) Medyo nabawasan talaga ang init ng ulo ko dahil sa mga engot na yun! Nakakaenjoy ang pagsira ng araw ni Max :D (Max's POV) "Talaga lang ha? I want to tell you this! I'm not stupid, idiot! Kung akala mo, cheap akong babae. Nagkakamali ka! Hindi ako katulad ng mga babae na napapaikot mo! Para sabihin ko sayo, iba ako sa lahat ng babae! Kaya kung balak mong gamitin sakin yang charm mo. Pwee! Hindi yan tatalab sa isang Ruiz. Tandaan mo yan! Babye! LOSER ka talaga!" sabi ni Jem Potek! Sinabihan ako ng LOSER?! Ang isang Max? Sinabihan ng ganon? Hindi ako makakapayag! Magbabayad sya sakin "Hahaha, ano? Talo ka na ba?" tanong sakin ni Xiv "Tss, hindi pa ko talo noh! Sinong nagsabing talo ako? Tsaka may bukas pa! Makakaganti rin ako sa kanya. Gagawin kong impyerno ang buhay nya. Magsisisi sya na kinalaban nya ko" "Hahahaha, talaga lang ha?" "Oo! Talagang-talaga!" asar kong sabi "Tara na nga! Balik na tayo sa tambayan! Nakakatamad na dito eh! Tsaka baka patay na yung mga yun dun" sabi ni Xiv Umalis na kami sa mini store. Asar talaga eh! Papasok naman kami bukas eh! So, bukas ko na sisimulan yung paghihiganti sa Jem na yun! **Tambayan "Saan ba kayo galing?" tanong ni Jae samin "Dyan-dyan lang" sabi ni Xiv "Saan yun? Maganda ba yun? Mapuntahan nga yung 'dyan-dyan lang' na lugar" sabi ni Jae "Hindi ka rin tanga noh?" asar na sabi ni Xiv "Tss, nagtatanong lang naman ah! So, saan nga kayo galing?" tanong ulit ni Jae "Sa mini-store" sagot ko "Eh bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Ace sakin "Kasi naman .. HAHAHAHAHAHA! Natalo sya ng isang babae! And guess who?" ngiting-ngiti na kwento ni Xiv "Sino?" sabay-sabay nilang tanong "Si Jem! Nakakatawa talaga yung nangyari kanina! Kung nakita nyo lang talaga! Hahahahahaha" tatawa-tawang kwento ni Xiv "Ha? Si Jem?" tanong ni Nix "Oo! Si Jem nga" sabi ni Xiv "Saan nyo sya nakita?" tanong ulit ni Nix "Sa mini-store nga. Bumili ng softdrinks in can eh tapos umalis din agad" sabi ni xiv "Gusto ko kasi sya makausap" nakatungong sabi ni Nix "Makakausap mo naman yun pag-uwi mo sa bahay nyo ah!" sabi ni Ken "Hindi ko alam. Sana hindi sya galit sakin" nakatungo paring sabi ni Nix "Hindi naman siguro" paniniguro ni Ken "Sana nga .. By the way, alis na ko. Uuwi na ako ha? Maghahapon na kasi eh! Baka hinahanap na nila ako" pagpapaalam ni Nix "Okay sige! Ingat sa pag-uwi!" sabi namin "Sige, salamat sa time nyo" "Teka, Nix ihahatid na kita sa inyo at baka kasi mapahamak ka pa eh! Madami pa naman ang mga loko-loko dyan sa kanto" sabi ni Ace. Naks! Dumadamoves na naman to! Hahaha. "Hindi. Dyan ka na lang. Okay lang ako, kaya ko naman ang sarili ko eh! Tsaka walang binatbat ang mga loko-loko sa akin" sabi ni Nix "Sigurado ka?" tanong ni Xiv "Oo naman! Kaya ko ang sarili ko. Wala kayong alam sa kaya kong gawin. Okay lang ako" sabi nya "Ahh, okay sige" "Bye!" paalam nya ulit Nganga na lang kaming lima. Ano naman kaya ang ibig sabihin ng words nya na "wala kayong alam sa kaya kong gawin"? Parang nangilabot ako dun ah. "Oh paano ba yan! Wala na si Nix. Ano na pala ang plano natin?" tanong ni Jae kay Xiv "Teka! Anong plano? Bakit hindi namin alam yan?" tanong ko "Hahahaha, kami lang naman kasi ni Jae ang nakakaalam nito. Sasabihin palang kasi namin sa inyo" sabi ni Xiv na taas baba ang kilay "Teka, teka. Para saan naman ang plano na yan?" tanong ni Ace "Wala lang naman. Katuwaan lang! So, game ba kayo?" tanong ni Jae samin "Depende! Sabihin nyo na muna yang plano na yan bago kami pumayag" sabi ko "Ganito ang plano natin. Makinig kayong mabuti. Yung mga babaeng maputla. Kilala nyo na naman yata diba? Si Gab, Ria, Myx, Jem at Nix! May plano akong maganda. Tsaka sana naman walang kj ha? Paiibigin natin sila! Tapos, paglalaruan lang natin sila. Ganon lang" salaysay ni Xiv "That's it?" tanong ni Ken "Haha, oo yun lang! Bakit? May gusto ka pa bang idagdag?" tanong ni Xiv "Wala naman. Hahaha, yun lang pala eh! Game ako dyan" sabi ni Ken "Ikaw, Max?" tanong sakin ni Xiv "Oo naman! Ako pa ba?" "Ace?" sabay tingin ko kay Ace "Hmm, sige! Payag na ko. Ang sabi nyo kasi Kj's not allowed eh" "So eto na nga ... Max ikaw ang kay Jem. Ace sayo na si Nix dahil palagi naman kayong magkasama. Jae, ikaw kay Ria. Ken, sayo na si Myx at ako naman kay Gab" sabi ni Xiv "Hahaha, sige! Masaya yan! Sakin pala si Jem eh. Tignan natin ngayon. Maghihiganti ako sa kanya" sabi ko "Sakin si Ria? Hahaha, mukhang mahirap ah! Pero sige, kakayanin ko to! Mukha namang weak si Ria pagdating sa love eh" sabi ni Jae "Si Myx? Mukha namang tahimik ang isang yun. Parang walang thrill eh! Baka madali ko lang makuha ang isang yun" sabi ni Ken "Si Nix? Hahaha, madadalian lang ako sa kanya. Kasi kuha ko na ang loob nya eh! Tsaka masaya to! Panigurado kasi na lagi ko na syang maaasar" sabi naman ni Ace "Sakin naman si Gab Imperial. Haha, akala nya! Hindi ko pa nalilimutan yung ginawa nya sakin! Masakit yung suntok nya pero mas masasaktan ko sa kung puso nya ang wawasakin ko. Maghintay lang sya" sabi ni Xiv Yan na ang mga plano namin. So, paano ba yan? Let the game begin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD