(Nix's POV)
Nakita raw nila Max si Jem kanina? Sana naman hindi sya galit sa akin. Kasi kung pati sya galit sakin, hindi na talaga ako babalik sa bahay. Tsaka nakita nila? Teka! Class hour ah. Wag nilang sabihin na nagcut ng class si Jem? Hala! Hmm, hindi naman yata?
On the way na ako pauwi sa bahay. Medyo malayo pa, pero malapit na! Ang g**o ko ba? Hahaha, basta ganon!
"Miss, ang ganda mo naman" sabi ng isang gago na lalaki. Yuck! Ang panget nya! Mukha syang adik na tingting. Teka, adik naman talaga yata to eh
"Oh? Ano ngayon kung maganda ako? Panget ka naman! Tse!" sabay lakad ko
"Teka lang naman. Kinakausap pa kita eh! Bastos ka ah!" sabi nya habang nakahawak sa braso ko
"Let go of my arms!" seryoso kong sabi
"At kung ayoko? May magagawa ka ba?"
"Hindi mo alam ang kaya kong gawin. Baka magsisi ka!"
"Talaga? Bakit? Ano ba ang kaya mo? Ha?" Punyeta na to! Hinahamon talaga ako!
"Hinahamon mo talaga ako? Panget na adik?"
"Hahaha, oo! Tsaka teka nga! Ang talas ng dila mo ah!" sabi nya sakin
"Talaga? Kung matalas ang dila ko, bakit yang baba mo ang talas din? Hahaha, ang haba ng baba mo pre!" Natatawa-tawa kong sabi sa kanya. Eh sa mahaba at matulis naman talaga ang baba nya eh!
"Aba't! Gusto mo talagang matabas yang dila mo?" galit nyang tanong sakin
"Tatabasin mo ang dila ko? Bakit hindi muna yang baba mo ang tabasin mo?"
Sasampalin nya na sana ako nang may umawat. Superhero lang, ganon?
"Oy! Panget! Wag na wag mong sasaktan ang girlfriend ko!" sabi ni ... ACE? Teka, bakit sya nandito?
"Hahaha, nagpapatawa ka ba? At kung saktan ko sya? Ano namang gagawin mo?" tanong ni kuyang babaloo
"Sasamain ka sakin" seryosong sabi ni Ace
"Talaga? Sige nga" hamon ni babaloo
Hindi na yata nakapagpigil si Ace kaya naman sinuntok na nya! Hahaha, bull's eye! Ang galing naman. Tulog agad eh.
"Ikaw naman kasi eh! Sabi ko sayo, sasamahan na kita! Kung di pa ako dumating. Siguradong napahamak kana!" sabi sakin ni Ace habang hinihimas ang ulo ko. Yung parang sa aso? Ganon!
"Tss, alam mo? Kahit naman hindi ka dumating, di naman ako mapapahamak noh? Tsaka ano bang sabi ko? Kaya ko ang sarili ko. Kung hindi ka lang dumating, sinuntok ko na yang adik na yan eh! Kung nagawa ko yun. For sure, paglalamayan na yan bukas" matapang kong sabi kay Ace
"Talaga lang ha?" nakangising sabi ni Ace
"Oo, ganon ako kalakas! Hindi mo naman kasi alam ang totoo eh! Kung alam mo lang. Paniguradong matatakot ka sakin. Pati na rin sa mga kasama ko" pagmamayabang ko
"Hahaha, oo na nga! Ikaw na ang malakas. Ikaw na ang matapang. Di na ko tututol pa" natatawa-tawa nyang sabi
"Alam mo? Halatang napipilitan ka lang sa sinasabi mo"
"Hindi ah! Oo na nga diba? Ikaw na ang malakas, ikaw na talaga!"
"Hahaha, salamat Ace"
"So, hatid na kita sa inyo?" tanong nya
"Hindi pwede" sagot ko
"Bakit naman?"
"Kasi nga diba? Galit sa inyo ang grupo namin? Baka pag nakita ka nila, kainin ka nila ng buhay"
"Haha, as if naman na papabayaan mo ko diba?" sabi nya
**slow motion**
"Ah, eh. Oo na nga! Panalo kana. Pwede mo na kong ihatid"
"Salamat, Nix" nakangiti nyang sabi
Naglakad na kami papunta sa bahay ko. Ugh, bakit ganito ang pakiramdam ko? Parang ang init! Tapos, pinagpapawisan ako ng malamig. Oh well, may araw pa kasi eh! Teka, may naalala ako bigla.
"Ace, may tatanong pala ako sayo"
"Ano naman yun?" tanong nya ng hindi ako tinitignan
"Ano yung sinabi mo dun sa mamang adik kanina? Girlfriend mo ko?"
Ang talaga nya sumagot tapos namumula yung mukha nya. Pero humarap sya sakin.
"Ah yun ba? Wala lang yun! Sinabi ko lang yun para naman hindi ka nya galawin o saktan"
"Yun lang?"
"Ha? Anong yun lang? Ano pa bang gusto mong sagot? Tsaka pwede ba manahimik ka na lang dyan? Oh eto! Kainin mo" sabay salpak nya sa bibig ko ng ice pop?
"Teka, san galing to?" tanong ko
"Binili ko"
"Saan? Tsaka paano ka nakabili?"
"Malamang sa tindahan. Kanina ko pa yan dala. Pumunta ako sa mini-store para bumili nyan. Tapos nakita kita na hawak nung lalaking adik kaya ako pumunta sayo"
"Ahh, okay"
So, hindi nya talaga ako niligtas? Napadaan lang pala sya? Akala ko pa naman sinundan nya ko para masecure kung makakauwi ako ng ayos. Yun pala, hindi. I changed my mind! Hindi na pala sya gentleman. Hambog parin sya.
(Ace's POV)
"Ace, may tatanong pala ako sayo"
"Ano naman yun?" tanong ko
"Ano yung sinabi mo dun sa mamang adik kanina? Girlfriend mo ko?"
Di agad ako nakasagot kasi nag-iisip pa ako ng palusot. Okay, ready. Sana lumusot :D
"Ah yun ba? Wala lang yun! Sinabi ko lang yun para naman hindi ka nya galawin o saktan"
"Yun lang?"
"Ha? Anong yun lang? Ano pa bang gusto mong sagot? Tsaka pwede ba manahimik ka na lang dyan? Oh eto! Kainin mo" sabay salpak ko sa bibig nya ng ice pop baka kasi may itanong pa sya eh
Aaminin ko. Nagitla talaga ako dun sa tanong ni Nix sakin. Pati ba naman kasi yun tinatanong nya pa!
"Ouch!"
Nabalik ako sa realidad nang marinig ko si Nix na sumigaw. Lumapit agad ako sa kanya para makita kung okay lang sya.
"Nix, anong nangyari?" tanong ko sa kanya, nakaupo na kasi sya sa kalsada
"Sumakit ang ankle ko eh"
"Ano? Kaya mo pa bang maglakad?" tanong ko
"Teka, susubukan ko" tumayo sya kaso bumagsak ulit sya
"Ano ba kasing nangyari sayo? Di ka kasi nag-iingat eh!" sigaw ko sa kanya
"Sorry naman. Ang tanga naman kasi ng daan eh! Bakit kasi hindi marunong tumabi yang mga batong nakakalat. Ang tanga nila noh?" napakasarcastic ng babaeng to!
"Ikaw nga yung tanga eh" sabi ko sa kanya
"Tss, ako? Tanga? Kung sinasapak kita dyan? Engot ka talaga! Ano? Di mo pa ko tutulungan? Magtititigan na lang ba tayo dito?"
"Tara! Sakay kana sa likod ko" sabi ko sa kanya at umupo para makasakay sya
"Ha?"
"Sa likod ko. Kung ayaw mo, bahala ka dyan" sabay tayo ko at lakad palayo
"Oy! Ace! Wala naman akong sinabi na ayaw mo ah! Oo na nga diba? Di makapaghintay? Atat?" sigaw nya
Lumapit ulit ako sa kanya at umupo. Sya naman, sumakay na sa likod ko. Papayag din naman pala, ang dami pang arte.
"Ang bigat mo" sabi ko sa kanya
"Kung mabigat ako edi ibaba mo na lang ako. Nabibigatan ka pala eh"
"Hahaha, joke lang naman! Oh eto, earphone. Suotin mo yung isa tapos sakin yung isa. Share tayo" sabi ko sa kanya
"Wag na. Baka may germs pa yan" ang arte talaga ng babaeng to.
"Kung ayaw mo, okay"
Naglakad lang ako at eto namang nakasakay sa liod ko, tahimik lang. Buti naman at tahimik lang sya. Nakakarindi na rin kasi ang boses nya eh
"Ace?" tawag nya sakin
"Oh? Ano na naman?"
"Eto naman!" sabay hampas nya sakin"
"Ano nga?"
"Hmm..."
"Ano?"
"Pahiram ng isang earphone. Gusto ko rin kasi makinig ng music eh!" sabi nya na parang natatae
"Oh! Akala ko ba ayaw mo? Dahil may germs?"
"Binabawi ko na! Kaya pwede bang pahiram na? Please?"
"Sige na nga" sabi ko tapos kinuha nya yung isang earphone, sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko. Nakakailang.
Madali naman pala yung plano eh! Hahaha, pag na-inlove na ng tuluyan si Nix sakin. Madali ko na lang syang masasaktan. At makakaganti na kami sa kanila. Maghintay ka lang Nix. I will break your heart. Sana lang hindi ako mahulog sa kanya kasi kapag nangyari yun? Ako naman ang masasaktan. Pero hindi! Hindi ako mahuhulog sa kanya.
"Nix, nandito na tayo sa bahay nyo"
No response?
"Nix, uy! Nandito na tayo sa bahay nyo"
Aba! No response pa rin?
"HOY NIX! GUMISING KANA DYAN! HINDI AKO KAMA! NANDITO NA TAYO" sigaw ko sa kanya. Tignan ko lang kung hindi pa sya magising
"Peste naman, Ace! Ginulat mo ko!" asar nyang sabi
"Ayaw mo kasing gumising eh!"
"Sorry naman diba? Kasalanan na ba ngayon ang makatulog sa likod mo?"
"Oo! Kasi tulo laway ka pa!"
"Ha? Saan?" sabay punas nya sa bibig nya
"Wala naman eh!"
"Biro lang! Uto-uto ka naman?"
"Whatever!"
Ibinaba ko na sya. Pero inalalayan ko parin sya.
"Ge, salamat"
"Teka, papasok kana? Oy! Nix. Wala ka bang puso? Hindi mo man lang ako papapasukin sa loob?"
"Kapal?"
"Pagkatapos kitang pasanin ng pagkalayo-layo! Ganito lang ang gagawin mo sakin? Wala ka talagang puso! Buti pa ang saging may puso! Ikaw? Wala!"
"Ang drama mo, Ace. Tara sa loob" pag-aaya nya
"Ouch, masakit pa pala ang paa ko" sabi nya
"Ayan! Tanga! Tara nga dito, aalalayan kita!" tapos hinawakan ko sya sa braso at bewang para maglakad
"Oh, Nix! Teka, bakit kasama mo yan?" tanong ni Gab
"Oo nga! Bakit nandito yan?" tanong ni Ria
"Diba si Ace yan? 5th prince?" sabi naman ni Myx
"Pwede mamaya na kayo magtanong? Injured ang kaibigan nyo. Pagpahingahin nyo na muna. Tsaka kaya ako nandito kasi nga hinatid ko sya. Nainjured kasi ang ankle nya. Nasagot na ba lahat ng tanong nyo?" sabi ko sa kanila
"Ahh okay. Tara Nix, upo ka muna dito" sabi ni Ria na akmang lalapit kay Nix
"Pwede ba Ria! Wag kang plastic? Alam ko namang masaya kapa sa nangyari sakin eh. Kailan ka pa natuto na mag-alala?" sabi ni Nix
"Nix, ano ba?" saway ni Myx
"Oh ano? Pagtutulong-tulungan nyo na naman ba ko? Nasaan na ba si Jem? Sya lang naman ang kakampi ko eh!" sabi ni Nix
"Nasa kwarto sya" sagot ni Ria
"Ace, pwede bang tulungan mo kong pumunta sa room ni Jem?"
"Ahh, oo sige"
Hinatid ko na sya sa kwarto ni Jem. Grabe talaga silang mag-away. Sana maging maayos na sila para naman hindi na kami magkaproblema sa plano.