Chapter Eighteen - His Real Feeling

1772 Words
(Yas's POV) Kasama ko ngayon si Nixxieannie Claire at Dylan. Nasa park lang kami ngayon kung saan ako nakita ni Dylan dati nung tinakasan ko si Xiv sa mall. "Yas oh!" sabay abot sakin ni Claire ng sandwich "Salamat" "Hmm, matanong ko lang sayo, Yas" panimula ni Claire "Ano yun? Sige, tanong ka lang" "Bakit si Xiv ang boyfriend mo? Marami namang iba dyan?" "Hahaha, bakit sya? Ewan ko. Basta, mahal ko sya. Kahit na minsan di nya naa-appreciate yung mga ginagawa ko" sagot ko "Mahal mo ba talaga sya?" "Yup! Mahal ko sya at hindi ko kayang mawala sya. Kaya nga kahit ganito ang sitwasyon namin ngayon, tinitiis ko eh" "Tama na nga muna yang kwentuhan nyo. Kumain na muna kayo" saway ni Dylan samin "Hahaha, oy si Dylan! Anong meron? Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Claire sa kanya "Wala! Basta, kumain na muna kayo at mamaya na kayo magkwentuhan, para naman mabusog kayo. Diba?" sabi ni Dylan habang sumusubo ng pasta "Hoy! Don't speak when your mouth is full" saway ko sa kanya. Kasi naman, nagsasalita sya habang puno ang bibig nya. Pasaway! "Sorry naman po" sabi nya "Ehem! Hahaha, oo nga! Mamaya na tayo magkwentuhan, Yas" sabi ni Claire sakin habang nakangiti na parang aso. May kakaiba talaga sa babaeng to. Anong meron? "Anong nangyayari sayo, Claire? Para kang tanga dyan" sabi ko sa kanya "Wala" Tumahimik na lang kami at kumain. Kasi naman si Dylan eh! Ang awkward tuloy. Ang tahimik namin, eh yung ibang tao na nasa park lang ang naririnig ko.   (Dylan's POV) Sa totoo lang? Naiilang ako sa pinag-uusapan ni Claire at Yas kanina. Tsaka nag-aalala kasi ako na baka madulas si Claire at masabi nya kay Yas na gusto ko si Yas. Gusto nyong malaman kung paano nangyari yun? Matagal ko na talaga syang sinusubay-bayan. Kung hindi nya lang naging boyfriend si Xiv, paniguradong liligawan ko sya at siguro .. Kami na ngayon. Kaso, hindi eh! Naging sila ni Xiv at hindi ko naman sya pwedeng sulutin sa leader namin kasi baka bukas pag gising ko, eh nasa hukay na ko. Okay .. Ganito kasi yun. FLASHBACK >> "Pre, saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Max. Sya kasi ang kasama ko. Hinigit pa ako kung saan-saan "Basta! Sunod ka lang sakin" "Baka naman kalokohan to ha?" "Hindi ah! Dyan ka muna. May pupuntahan lang ako dun" paalam nya sakin Gabi na rin yun at wala na masyadong tao na dumadaan. Nandito ako sa labas ng isang bar, sa ilalim ng puno. Napansin kong may babae dun. Akala ko nga white lady eh! Nakaputi kasi sya then I decided na kausapin sya. "Miss?" tawag ko sa kanya pero nakatungo lang sya "Ahh, sino ka?" tanong nya habang nakatingin na para bang nasisilaw "Ahh, ako ang iyong anghel" sabi ko sa kanya. Hahaha, as if naman na maniniwala sya diba? Pagttripan ko lang naman "Ha? Anghel ka talaga?" tanong nya habang inaaninag parin ang mukha ko "Pffft. Ahh, ehem. Oo, anghel talaga ako. Ako ang anghel mo at nandito ako para sayo" "Talaga? Sasamahan mo ba ko ngayong gabi?" tanong nya "Ahh, oo. Sure! Bakit wala kang kasama?" "Wala na eh! Break na kami ng boyfriend ko. Ngayon-ngayon lang" mangiyak-ngiyak nyang sabi "Bakit naman?" "Ang sabi nya sakin, may mahal na raw syang iba at hindi na daw nya ko mahal. Ayaw nya na daw sakin" sabay tulo ng luha nya. Ewan ko ba pero naaawa ako sa kanya. Niloko ko pa sya tungkol sa anghel kunwari "Alam mo, hindi mo kailangang aksayahin ang ganda mo sa isang tanga! Tanga talaga sya dahil pinakawalan nya ang isang tulad mo! Hindi nya ba alam na wala na syang makikita na kagaya mo?" sabi ko sa kanya. Pampalubag loob lang "Yun na nga eh! Wala syang pakialam sakin tapos ang masakit pa dun, bestfriend ko pa yung pinatos nya! Bakit ganon? Kung ibang babae pa sana eh! Tanggap ko pa pero bakit pati sarili kong bestfriend, trinaydor ako? Ang sama nila!" sigaw nya habang patuloy parin sa pag-agos yung luha nya "Hayaan mo na lang sila. Mahahanap mo rin ang lalaking para sayo. Nandito lang ako. Ako ang anghel mo na laging magbabantay sayo. Pangako ko yan sayo" sabi ko sa kanya habang hinihimas ang ulo nya. Nakayakap na kasi sya sakin eh! "Wag mo kong iiwan ha?" sabi nya sakin "Oo, hindi kita iiwan. Ano nga pala ang pangalan mo?" "Ako nga pala si Yas" pakilala nya habang nakayakap parin sakin. Aba! Tsansing na to ah! "Ang ganda naman ng pangalan mo" "Salamat, eh ikaw? Ano ang pangalan mo?" Patay! Anong sasabihin ko sa kanya? Hahahaha. "Ako? Ahh, ako nga pala si Gabriel" pakilala ko. Di ko pwedeng sabihin ang pangalan ko sa kanya dahil ngayon lang naman kami magkakasama. Di na kami magkikita sa susunod. "Salamat sayo angel Gabriel! Kung hindi dahil sayo, hindi maaalis ang sakit sa dibdib ko" "Walang anuman! Aalis na pala ako, Yas" paalam ko. Baka kasi hinahanap na ko ni Jae "Ha? San ka pupunta?" "Sa ... sa.." "Sa? Saan?" tanong nya ulit "Sa .. sa langit! Tama! Sa langit. Hehe, tinatawag na ko sa langit eh! Umuwi ka na rin. Gabi na oh! Gusto mo bang ihatid kita?" "Ihahatid mo ko?" "Oo naman! Tara na" "Okay sige" nakangiti nyang sabi END OF FLASHBACK << Yun ang nangyari dati. Na-love at first sight ako sa kanya mga tsong! Lalo na nung nakita ko syang umiiyak. Buti nga at hindi nya ko nakilala eh! Nakajacket kasi ako nun at nakasaklob yung hood sa ulo ko. Naka nerd glasses pa ako nun. Kaya alam kong di nya talaga ako makikilala. Tsaka ayoko na maalala yun. Naging anghel ako nung mga time na yun nang wala sa oras eh! "Oy, Dylan. Ang lalim yata ng iniisip mo? Tsaka, bakit ka nakangiti?" tanong sakin ni Yas "Ha? Ahh, wala lang yun! May naalala lang akong nakalipas na" "Hmm, ano naman yun? Uso ang share" "Hahaha, wag na! Wala lang naman yun eh! Walang kabuluhan na bagay" natatawa kong sabi "Ang daya naman! Sige na kasi, ikwento mo na" sabi nya habang nakapout. Ang cute nya kapag nakapout. Sana lagi syang ganon "Hahaha, ayoko nga!" "Oo nga naman, Dylan! I-share mo na yan" singit ni Claire "Ayoko" "Ano ba kasi yan? Curious na tuloy ako" sabi ni Yas "Wala nga kasi yun" natatawa na talaga ako sa mga to. Hahahaha! "Tss, kung ayaw mong ikwento. Okay. Di na kita pipilitin" sabi ni Yas na parang nagddrama "Sorry na. Wala lang naman talaga yun eh!" "Tara na nga! Uwi na tayo. Malapit na mag-gabi eh" pag-aaya ni Claire "Oo nga, tsaka baka hanapin na ako sa bahay" sabi ni Yas "Tara na!" Umalis na kami sa park at hinatid ko na tong dalawa. Actually, nag-enjoy talaga ako sa araw na to. Kasi naman, kasama ko sya. Sana umayon sakin ang panahon. Sana, balang araw .. Maging akin din si Yas. **House of Yas "Salamat nga pala sa paghatid sakin, Dylan. Nag-enjoy talaga ako sa araw na to! Nakalimutan ko yung pag-aaway namin ni Xiv nang dahil sa inyo ni Claire. At ikaw naman, Claire! Alagaan mo ang bestfriend mo ha?" sabi ni Yas kay Claire. Haha, ano ako? Aso? Pusa? "Oo ba! Ako ang bahala sa isang to! Wag kang mag-alala" sabi ni Claire "Good! By the way, gusto nyo bang pumasok muna?" "Hindi na! Aalis na rin kami. Mag-gagabi na rin kasi eh!" sabi ko "Ang kj mo naman, Dylan! Inaaya na nga tayo ni Yas eh" pagmamaktol ni Claire "Oo nga. Saglit lang naman kayo sa loob eh! Sige na?" sabi ni Yas habang nagpapacute. Sino ba namang hindi makakapayag kung ganon na ang itsura nya? Ang cute nya talaga. Kaya nahuhulog ako sa kanya eh! "Oo na nga. Papasok na kami sa loob pero saglit lang ha? Baka kasi gabihin kami masyado sa daan" sabi ko "Yup! Saglit lang kayo. Meryenda lang kayo tapos pwede na kayong umalis ni Claire" Pumasok na kami sa loob ng bahay nila. Wow! As in, WOW! Ang laki ng bahay nila. Tapos, ang linis pa! "Yas, ang ganda naman at ang linis ng bahay nyo" puri ni Claire "Haha, allergic kasi si mama sa alikabok eh! Kaya sobrang linis ng bahay namin" sagot nya "So, nasaan pala parents mo?" tanong ko "Ahh, sila? Wala sila dito eh! Out of town. Baka next week pa ang balik" sagot nya "Wala kang kasama?" "Meron! Nandyan naman si nanay Mary. Tsaka, may allowance na iniwan sakin kaya hindi ko na problema yun" sagot ni Yas. Ang lungkot sa bahay nya "Mga anak, umupo muna kayo at magmeryenda" sabi ng isang matandang babae kaya naman nagsiupo kami "Ay, nanay Mary! Si Dylan at Claire nga po pala. Mga kaibigan ko" sabi ni Yas habang itinuturo kami ni Claire "Dylan at Claire, si nanay Mary nga pala! Sya ang nag-alaga sakin mula pagkabata ko hanggang ngayon" sabi ni Yas "Ahh, kaibigan mo pala ang lalaking to. Akala ko pa naman ay nobyo mo" sabi ni Nanay Mary. Hahahaha. Natawa naman ako sa sinabi nya. Akalain mo yun? Napagkamalan akong boyfriend ni Yas? "Hehe, hindi nya po boyfriend yan, Nay. Sa kasamaang palad" sabi ni Claire. Sinamaan ko naman sya ng tingin "Ha? Eh sino ang lalaking to? Ikaw ba ang nobya nya?" tanong ni nanay Mary kay Claire "Nako nay! Asa! Hindi ko po sya nobyo. Bestfriend ko lang po sya" sabi ni Claire "Akala ko pa naman! Sige, maiwan ko na muna kayo dyan. Ihahanda ko lang ang meryenda nyo" nakangiting sabi nung matanda. Ihahain nya raw yung palitaw? Ano kaya yun? Sana masarap "Dylan, pagpasensyahan mo na ha? Napagkamalan ka pa tuloy ni nanay Mary na boyfriend ko" nahihiya nyang sabi sakin "Okay lang yun! Di rin naman nya alam eh! Wag kang mag-sorry" sabi ko sa kanya "Sorry talaga! Hayaan mo, pagsasabihan ko na lang si nanay mamaya" "Ano kaba! Okay nga lang yun. Hindi mo na kailangang sabihan si nanay Mary" sabay tapik ko sa kanya "Sure ka? As in sure ka?" "Oo naman! Parang yun lang eh! Hindi big deal sakin o samin yun" "Salamat naman. Hmm, nood tayo ghost fighter?" aya nya samin. Sabi na eh! Magtatagal kami dito. "Sige! Crush ko kaya si Vincent! Yey!" excited na sabi ni Claire "Hahaha, crush mo din sya? Pareho tayo! Sya din ang gusto ko eh! Tsaka si Dennis! Crush ko sila! Sana totoo na lang sila" sabi naman ni Yas Sinalpak na nila yung cd dun sa dvd player at nagsimula na kaming manood. Sandali lang daw eh. Yung sandali nila. Umaabot ng limang oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD