(Jem's POV)
By the way, namimiss ko na talaga si Nix. Kailan naman kaya sya babalik dito? Ayoko talaga ng ganito, sana soon bumalik na sya. Pangako, pag bumalik na sya hindi ko na sya aawayin nang madalas. Tsk. Kasalanan to nung babaeng Ria na yun eh! She's so flirty kasi.
Nandito lang ako sa kwarto waiting for Nix. Hindi ako lalabas dito hangga't hindi sya tumatawag sakin then suddenly may biglang kumatok. Hmm, speaking? Eh si Myx at Gab lang naman to.
"Ano?! Diba ang sabi ko hindi ako lalabas dito hangga't wala si Nix? Leave me alone!" sigaw ko
"Jem? Jemimi?"
Teka! Parang pamilyar yung boses na yun ah? Parang si Nix? Tsaka ... tsaka yung tawag nya sakin? Jemimi? Isa lang ang tumatawag sakin ng ganon eh.
Tumakbo agad ako papunta sa pinto at binuksan, hindi nga ako nagkakamali! Kasi iniluwa ng pinto ko ang isang Nix Arellano!
"Nix!" sabay hug ko sa kanya
"I thought galit ka sakin katulad nila, kaya natakot akong umuwi" mangiyak-ngiyak nyang sabi
"Hindi, hindi ako galit ako. Galit ako kay Ria, alam nya naman kasi na may gusto ka kay JN tapos nilandi nya pa! Grabe talaga sya!" inis kong sabi tapos nag-let go na ko sa yakapan namin. "Hmm, teka nga Nix .. bakit nga pala kasama mo yang kumag na yan?! Hmm, wag mo sabihing .. OMG! Hindi nga?! Tama ba ang iniisip ko?"
"Hahaha, oo tama nga yang nasa isip mo Jem! Nakamove-on na sya. Tsaka .." sabi ni Ace tapos inakbayan nya pa si Nixxy. Omg talaga! I can't believe this and I can't breathe sa mga nangyayari. Umaawra ang babae!
"Oy, ano ba Ace?!" tapos inalis ni Nix yung pagkakaakbay ni Ace "Jemimi, wag kang maniwala kay Ace. Mali yang iniisip mo, kasi nga ano .."
"Nix, hindi mo naman kailangan itago sa kanila. Malalaman din naman kasi nila." sabi ni Ace
"Ace! Ano kaba?! Baka .. " nag-aalalang sabi ni Nix
"Hehe, Nixxy! It's okay. Para namang hindi ko napagdaanan yan. Kaso nga lang fail yung relationship ko sa kanya. Haha" sabi ko sa kanya .. Haha, naalala ko lang kasi yung pang-gagago sakin nung hayop na yun. Minahal ko kasi sya eh! Kaso ginago nya ko. Tapos ngayon? Umaaligid na naman sya. Tsk.
"Jemimi, wag mo nang alalahanin yun ha?" sabi ni Nix, kami lang kasing dalawa ang nakakaalam nung relationship ko na yun. We're bestfriends nga diba?
"Haha. Dont worry Nix. Nakamove-on na ko" nakangiti kong turan
"Ehem! Baka gusto nyong umupo sa kama. Kanina pa kasi tayo nakatayo eh!" sabi ni Ace. Pansin ko din, achuchu kung hindi lang sya boyfriend ng kaibigan ko! Hindi ako magiging mabait sa kanya, hmpt!
"Ay oo nga pala, upo pala kayo dyan Lovebirds! Kukuha lang ako ng maiinom" sabi ko sa kanila at ayun di na umangal! Umupo din. Husay!
Iniwan ko lang sila saglit para kumuha ng lalamunin namin. Tsk, sana naman wala nang bumadtrip sa araw ko. Sana lang talaga.
(Ace's POV)
Hello ulit! Miss me? Oh come on! I know you miss me, don't you?
Medyo makapal! Hahahahaha. So paano ba yan? Parang mauuna na kong mapasagot tong si Nix! Kasi naman ang alam ni Jem sa amin ay mag bf/gf . Ang lakas talaga ng appeal ko eh! Ang gwapo ko talaga.
"Oy Mr. Go! Ano yung sinabi mo kay Jem ha? Nakakainis ka talaga!" sabi ni Nix tapos hinampas-hampas ako
"Hahaha, as if naman na ayaw mo diba? Gusto mo din naman eh! Diba?"
"Ang kapal talaga ng mukha mo! Idol na kita sa kakapalan!" tapos hinampas-hampas nya ulit ako
"Di ka titigil sa paghampas sakin?!"
"Hindi! Ang sama mo kasi!" tapos mas nilakasan nya pa yung hampas sakin
"Pag di ka tumigil hahalikan kita!"
"Mukha mo!" patuloy padin talaga sya! So? Paano ba yan? Parang gusto talaga nyang makiss ..
Hinalikan ko sya at yung mukha nya .. Dilat na dilat yung mata tapos sobrang pula ng mukha nya na parang lahat ng dugo nya sa katawan eh pumunta sa mukha nya.
"Waaaah! p*****t! Yuck! Kadiri ka! Bastos!" sigaw nya pagtapos nya kong itulak. Sus, ang arte naman. Parang kiss lang eh!
"R-T-U Nix. Arteyou talaga. Parang kiss lang eh" nakangisi kong sabi
"Nakakadiri ka Ace! p*****t!" tapos nagtakip sya ng mukha
"Ang arte mo Nix. Cheeks nga lang yung kiniss ko eh! Bakit? Gusto mo ba sa lips?" pang aasar ko pa sa kanya.
Pagkasabi ko nun, automatic na namula sya. Hahahaha. Ang cute nyang magblush, para syang bata.
"Ang bastos mo talaga!" sigaw nya, tatayo na sana sya nang bigla ko syang hilahin ..
"Uy Nix, Joke lang yun ha? Don't take it seriously" masinsin kong sabi sa kanya
"Uhm, ano .. Uhm .. Baka pwede mo nang bitawan ang kamay ko?!" naiilang nyang sabi kasi tinititigan ko ang mga mata nya.
"Ah, hehe" sabay bitaw ko sa kanya
Umuupo na din sya ng tapos ... Walang imikan. Parang walang balak magsalita. Ang awkward naman kasi nung ginawa ko eh.
"Oh, Lovebirds? Anong nangyari sa inyo?" sabi ni Jem habang hawak ang tatlong balot ng chips.
"Wala lang to, nagtatampo lang kasi sakin ang Chichi ko" sabi ko para di naman awkward
"Ang cute naman ng endearment nyo. Ikaw Nixxy? Anong tawag mo sa kanya?" tanong ni Jem, sana naman makisakay tong babaeng to.
"Chichi ang tawag mo sakin? Teka! Bakit Chichi?" tanong sakin ni Nix
"Hehe, kasi ang liit ng mata mo, Chichi. Pinaikling word ng chinita. Chichi harthart" sabi ko sa kanya with nguso. Cute kasi nung mata nya.
"Ah, ganon pala yun!" pangiting sabi ni Jem
"Okay. Chowchow naman ang tawag ko sayo." nakangiti sabi ni Nix
Nanlaki naman ang mata ko, nakanampucha ano yun?! "Teka! Bakit naman Chowchow?! Saang lupalop naman nanggaling yung word na yun?" para kasing ang pangit nung chowchow eh! Sa gwapo kong to?! Tapos ganon lang ang tawag sakin? Hindi ba pwedeng honey na lang? O kaya Love? Baby? Babe? Bakit yun pa?
"Ayaw mo? Edi wag!" tapos nagtaray na naman si Nix
"Hindi naman sa ayaw ko, nagtatanong lang naman kung saan nanggaling yun eh!"
"Chowchow, kasi mukha kang aso! Hahaha. Alam mo yung asong Chowchow? Ayun! Kamukha mo kasi yun!" sabi nya tapos tumawa pa! Saya nya diba? Mukha daw akong aso? Aww saket! Pero okay lang! At least may tawag sya sakin! Hahaha.
"Hep-hep! Mamaya na nga yang landian nyo! Tara munang kumain! Tsaka nilalanggam na din kasi ako sa inyo eh!" sabi ni Jem, haha nandito pa pala sya! Akala ko kasi kami lang ni Nix ang nandito eh! Si Nix na kasi ang nagpapaikot ng mundo ko! BOOM! Ang corny ko!
"Okay!" sabay naming sabi ni Nix
Haaay, so paano ba yan? Hindi na yata ako mahihirapan sa isang to. Ang dali lang pala ng naibigay sakin eh. Tuloy ang plano ko, este namin pala.
Mabait din naman pala si Nix at Jem, kahit papaano pero hindi ako papadala sa bait nila! Gaganti kami sa mga pinag-gagagawa nila sa amin.
(Nix's POV)
Di ko talaga alam kung ano talaga ang trip ni Ace at pinalabas nya kay Jem na kami pero okay lang! Gusto nya ng ganon? Hahaha. Magsisisi sya!
Nandito parin kami sa kwarto ni Jem. Naglalaro lang ng monopoly habang lumalafang.
"Di kapa ba uuwi?" tanong ko kay Ace
"Pinapaalis mo na ba ko Chichi ko?" tapos nagpout pa. Yuck! Kakadiri naman, oh well! Sasakyan ko na lang ..
"Hindi naman Chowchow ko. Pero baka kasi hinahanap kana ng mga kaibigan mo eh!" sabay pisil ko sa pisngi nya ng madiin
"Ang sweet naman ng Chichi ko. Sige bukas na lang ulit baka nga hinahanap na ko ng mga yun!"
"Babye!" paalam ko sa kanya
"Babye lang? Wala bang kiss?" turan nya habang nakanguso na parang hahalik
"Sige na Nix, pagbigyan mo na yang boyfriend mo!" sabi ni Jem. Haaay~ Isa pa tong si Jem eh!
"Oo nga naman Chichi ko. Please?"
"Sa cheeks lang ha?"
"Okay sige!" agree nya
Tapos kiniss ko sya sa cheeks, medyo nahihiya nga ako eh! Kasi naman! First time kong kumiss sa cheeks ng isang lalaki! Sa tagal-tagal na naming nabubuhay. Tsk.
"Salamat Chichi Ko. Sige alis na ko ha?! Loveyou much!"
"He-he Welcome Chowchow ko, wag ka nang babalik ha?!" sabi ko sabay mad face
"Wag ka ngang magbiro Chichi ko, alam ko namang mamimiss mo din agad ako eh!" kapal huh? Sya? Mamimiss ko! Yuck! In his dreams ..
"Haha, Geh Chowchow! Alis na!" tapos tinulak-tulak ko na sya palabas ng kwarto ni Jem.
Tss, ang kapal talaga ng isang yun! Di ko na masikmura eh! Nakakadiri yung mga words nya! Pati yung mga moves nya nakakadiri! Ngayon ko lang nalaman na malandi talaga si Ace. Grabe sya!
"Nixxy, Miss mo na agad sya?" tanong ni Jem sakin, kaya nawala yung mga thoughts sa utak ko ..
"Hehe. Hindi ah! Tss, yun mamimiss ko? No way!"
"Tanggi kapa! Wag ka na kasing magdeny, naranasan ko na yan diba? Kaya ok lang magkwento ka sakin" usisa ni Jem
"Jem?" tawag ko sa kanya, medyo kasi gloomy yung itsura nya
"Ano kaba Nix! Okay na ko ngayon! Hindi ko na din naman dinadamdam yun. Nakamove-on na ko! Matagal na!"
"Sure?" paninigurado ko kasi ang gloomy talaga ng mukha nya
"Oo naman! Hindi na ko nasasaktan no!" proud na sabi sakin ni Jem, totoo kaya? Totoo kayang nakamove-on na sya dun sa lalaking yun? Sana nga! Kasi kung hindi pa, patuloy at patuloy pa din syang masasaktan! At yun ang ayaw kong mangyari! Kasi once na masaktan ulit si Jem, papatayin ko na ang lalaking mananakit sa kanya. Di ko kayang nakikita si Jem na umiiyak dahil sa lalaki .. Nasasaktan pati ako ..