Chapter Twenty - Ways to Make her Fall in Love

1593 Words
(Nixxieannie claire's POV) Here padin kami sa bahay ni Yas, nanonood padin ng bala. Kanina ko pa nga tinitignan ang bestfriend ko eh! Hahaha, inlababoo talaga toh kay Yas. Sana naman mapansin na sya ni Yas noh? Gusto nyo ba yun? Tsaka sana magkaroon ako ng Lovelife! Agad-agad! "Ang lalim naman yata ng iniisip mo?" tanong sakin ni Yas "Haha, wag mo lang akong pansinin. May naalala lang kasi ako" nakangiti kong sabi sa kanya "Hmm, ano naman yun? Share mo naman dyan" "Hehe, wala lang naman yun. Wag mo nang alamin kasi non-sense naman" nakangiwi kong saad "Hehe, okay .. if you say so" Ngumiti lang sya sakin tapos ngumiti lang din ako sa kanya. Haayy, ang manhid din kasi nitong babaeng to eh! Pero ano nga ba ang magagawa natin? Mahal na mahal nya si Xiv eh! Makaraan ang isang dekada, bumalik na si Nanay Mary. "Mga anak, ito na yung palitaw nyo oh." sabay lapag ni nanay Mary ng platito sa mesa. Palitaw? Ano yung pagkain na yun? Ngayon ko lang kasi narinig "Kung hindi nyo po mamasamain, gusto ko lang malaman kung ano po ito?" tanong ni Dylan "Palitaw yan, masarap yan. Sige kainin mo lang, gawa yan sa malagkit na bigas na pinulbos." sabi ni nanay Mary Kumain naman kami ni Dylan kahit di naman namin kilala yung pagkain, hehe. Nakatitig lang si nanay Mary at si Yas na parang nag aabang ng reaksyon mula samin ni Dylan. "Ang sarap nga!" excited kong sabi. Hehe, masarap naman pala ito eh. Matapos naming kainin yung palitaw, inihatid na kami ni Yas sa labas ng bahay nila. "Uy, ingat kayo sa pag uwi ah?" sabi ni Yas while waving her hand "Thank you sa time mo Yas! Nag-enjoy kami na kasama ka" sabi ko sa kanya tapos umalis na kami. Alam ko na ang mga paraan na pwedeng gawin ni Dylan para magkatuluyan sila. Hehehe. (Dylan's POV) Wag kayong magulo, seryoso ako ngayon. Pero joke lang, ang kulit naman kasi ni Claire eh! Kanina pa to. Nakakairitado na, ang immature masyado eh. "Ang ingay mo naman, Claire. Tsaka di ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kanya "Nope. Makikitulog ulit ako dito sa inyo no! May pagpaplanuhan tayong dalawa" ngingiti ngiti nyang sabi "Ano na naman yang kalokohan na yan?" "Basta! Dyan ka lang, upo ka muna dyan at isusulat ko lang sa paper. Okay?" pagkasabi nya nun ay umalis sya para humanap ng papel. Umupo lang ako sa kama ko. By the way, nandito na nga pala kami sa bahay ko. Kakauwi lang namin at itong babaeng to .. wala yatang balak umuwi sa kanila. Tsaka may pagpaplanuhan? Ano naman kaya yun? Hmm, medyo curious lang ako. Ang tagal naman! Ano kayang sinusulat ni Claire? "Claire? Oy! Ano ba yang sinusulat mo ha?" tumayo ako para silipin yung sinusulat nya kaso tumakbo sya palayo. Kaasar naman! Ano na naman kayang kalokohan ang binabalak nitong babaeng to? "Ano ka ba naman, Dylan?! Dyan ka nga lang. Mamaya mo na tignan. Epal mo talaga eh! Di ka rin makapaghintay no?" inis na sabi nya "Tsk. Ano ba kasi yan ha? Naiinip na ko eh! Curious ako, patingin na kasi" tapos sinubukan kong agawin sa kanya yung papel kaso di nagwork. "Maghihintay ka o sasapakin kita?" sabi nya habang nakataas ang isang kilay "Okay fine! Maghihintay na ko" So, no choice ako kung hindi ang maghintay. "Oy babae, dyan ka lang ha? Kukuha lang ako ng pagkain sa ref ko" "Okay~ Ikuha mo na din ako ng pagkain ko. Hehe, thanks!" utos nya Haayy, ang saya ko talaga! Nakasama ko si Yas. Pero .. kahit kailan naman kasi hindi sya magiging akin eh! Na kay Xiv na sya! At ayokong kalabanin si Xiv dahil alam kong talong talo ako sa kanya. Sana kasi ako na lang ang minahal ni Yas eh! Bakit kasi si Xiv pa? Meron naman kasing iba eh! Bakit sya pa? Kinuha ko lang yung Coffee Jelly sa ref ko tapos bumalik na ko sa room ko, mukhang tapos na si Claire dun sa sinusulat nya. "Best, tapos kana ba sa sinusulat mo?" tanong ko sa kanya. "Yeah! Tapos na!" "Patingin nga!" lalapit palang ako sa kanya nakaharang na agad ang kamay nya, problema nito? sabi nya, tapos na! Weird. "Hep! May tanong muna ako sayo Mr. Dylan" seryoso nyang tanong "Ano yun?" "Mahal mo ba talaga si Yas?" "Hahaha, tinatanong pa ba yan? Alam mo yan best kung gaano ko kamahal si Yas diba?" lungkot ko sabi .. kasi alam ko namang hanggang daydream nalang ako sa kanya. "Eto Best Dylan, gusto mo bang makuha si Yas?" "Paano?" curious kong tanong sa kanya "Eto oh! Pakibasa!" _____________________________________________________________ WAYS TO MAKE HER FALL IN LOVE #01- Make her notice you #02- Take your time #03- Make the effort to get to know her #04- Compliment her #05- Gain her trust #06- Ask her on a date #07- Be the person you want to be Created By: Pretty Nixxieannie Claire :) _____________________________________________________________ "Anong kalokohan na naman to, Claire?" tanong ko sa kanya "Hindi ba, gusto mong mapunta si Yas sayo? Ayan na, gumawa ako ng ways para maging sayo sya. No need to thank me best" sabay tawa nya. Eh? Ano na naman kayang pumasok sa isip nito at ginawa nya to? "Hindi ko gets, paliwanag mo nga." utos ko sa kanya "Okay, ganito yan .. Makinig ka ha?" "Yes, ayusin mo mga sasabihin mo , Claire" banta ko sa kanya "#01 Make her notice you .. Do something that will make her notice you. Syempre best! Kailangan toh. Magpapansin ka sa kanya." paliwanag nya "How?" "Gumawa ka ng moves, alam mo na kung anong moves yun! Ano kaba naman, Dylan! Parang di ka dumaan sa ganyan eh!" "Okay, okay. Medyo gets ko. Tapos yung sunod?" tanong ko "#02 Take your time" "Take my time? Bakit?" tanong ko "You must Take your time best. These things take time. Don't expect to win her heart in just a matter of days. Hintay-hintay din pag may time diba? Yung iba nga inaabot ng months or years eh mapapayag lang ang kanilang nililigawan! Basta. Hintay lang!" paliwanag nya "Hmm, interesting. Sige, ano yung kasunod" tanong ko. Medyo curious ako sa sinasabi ni Claire tsaka may point din naman .. So? Tignan natin kung saan ang pupuntahan ng mga sinasabi nya. "#03 Make the effort to get to know her" patuloy nyang paliwanag "Pero diba kilala ko na naman sya?" "Ano kaba naman Dylan! Kilala mo nga sya pero alam mo ba ang dislikes and likes nya?" taas kilay nyang tanong "Hmm, hindi? Medyo? Haha, di ko alam eh" "Yun naman pala eh! Makinig ka! You need to know her to find out who she is, what she stands for, where she's coming from, what she likes and dislikes. Para naman makasabay ka sa trip nya. Baka kasi may gawin ka na ayaw nya tapos panira pa ng diskarte yun. Right?" "Yeah, sabagay. Marami pa kong hindi alam sa kanya. Makakatulong nga na kilalanin ko muna sya." "#04 Compliment her .. Some girls likes compliment. Syempre, alam ko to! Babae ako eh tsaka nakakataas ng confidence yun no?!" ngiti nyang sabi "Katulad ng ano? I mean, anong compliment yung pwede kong sabihin sa kanya?" tanong ko "Say to her that she is beautiful when she smile or she's more beautiful than the sunset or para kang stars sa langit na nagbibigay ningning sa gabi ko. Mga ganon?" "Hmm, dami mong alam! Haha, ano pa? Yun lang ba?" "Syempre! Ako pa ba? Pretty and brainy Claire to eh! Okay, continue. #05 Gain her trust. You don't necessarily have to be her bestfriend, but show her why she deserves to trust you. If she trust you, mapagkakatiwala nya din ang puso nya sayo." Tumango-tango lang ako, medyo nagsi-sink in na sa utak ko yung mga pinagsasasabi ni Claire. Medyo maganda yung idea nya. Actually, lahat naman may point eh. "Next step is #06 Ask her on a date" "Agad-agad?" gulat kong tanong "Anong agad-agad? Tangeks! Syempre may trust na sya sayo no! Papayag naman na sya non! Tsaka hello? Friendly date lang naman." "Ah~ Okay?" "At last! This is the last step and the most important sa lahat ng steps na sinabi ko .. #07 Be the person you want to be." "Ano? Be the person I want to be? Medyo di ko gets to" "Haay, Dylan. Ultimately, you have to show her who you are in your soul, at your very deepest, to give her the chance to love you kung sino ka talaga" masinsin nyang sabi "Show her the real me?" "Yeah. Most of the girls ay ayaw ng plastik! Mas gusto nila ang taong totoo. Yung pinapakita agad yung totoong ugali?! Yung ganon" "Ah. So ganon pala yun. Hanggang #07 lang?" "Bakit? Gusto mo pa?" "Kasi wala pa dun sa alam mo na yun. Sa courting stage?" taka kong tanong "Hahaha. Wag kang masyadong magmadali best! Ipasa mo muna lahat ng Ways na ibinigay ko ngayon. Ibibigay ko ang kasunod nyan pag tapos mo na at kung nakuha mo na ang loob ni Yas, okay?" "Okay, sige! Deal ako dyan. Salamat sa mga pinagsasasabi mo na. Meron ka rin palang naiisip na pa ganto eh! Haha, ikaw talaga. Pero salamat dito, Claire" sinsero kong sabi sa kanya "No problem! Syempre, para saan pa ang pagiging mag bestfriend natin? Tayo lang din ang magtutulungan sa huli. Wag mokong kakalimutan ha?! Sapak ka sakin." sabi nya sabay nagtawanan na lang kami sa mga kalokohan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD