(Gab's POV)
Namiss nyo ko? Medyo magulo kasi yung buhay namin ngayon eh! Halata naman diba? May away between Ria, Jem, Nix and Me . Si Myx lang ang neutral eh! Haaay, buhay nga naman.
Balik na naman kami sa school, wala daw kasing aabsent dahil may botohan daw para sa mga Class Officers. Bakit kasi ngayon lang naisipan yang Voting ek-ek na yan eh!
"Girls! Gising na! May pasok pa tayo" sigaw ko.
Inihanda ko na ang mga pagkain sa lamesa tapos isa-isa na silang nagbabaan. Ang kukupad talaga ng mga tong kumilos.
"Kakatamad talagang pumasok! Ayokong pumasok" sabi ni Jem habang naglalakad, di pa nga nagsusuklay eh! Mukhang zombie ..
"Hindi pwede! Kasi may Voting for Class Officers, wala daw aabsent" sabi ni Ria
"Tumahimik ka di ka kinakausap!" inis na sabi ni Jem. Haay, nagsisimula na naman sila
"Ayan na naman kayo! Umayos nga kayo! Para kayong mga bata eh!" saway ni Myx
Anyare kay Nix? Hindi yata nagsasalita? Hindi pa siguro sya okay sa nangyari nitong mga nakaraang araw.
"Nix?" tawag ko sa kanya, pero di naman sya nagresponse. Tumingin lang sya sakin. Siguro galit pa rin to, sampalin ko ba naman eh! Pero di ko naman kasi sinasadya yun eh.
"Tama na ang daldalan, sige na kumain na muna kayo at bilisan nyo sa pagkilos baka ma-late pa tayo!" sabi ko sa kanila. Nagdali-dali naman sila ng kilos .
Hindi pa naman kami late, actually maaga nga kami ngayon eh! 20min pa bago magtime. Tapos wala pa yung mga engot. Sana naman hindi sila pumasok ngayon para naman makumpleto ang araw ko. Nakakasira kasi ng araw yung mga yun eh! Lalo na si XIV CASTRO!
"Anong iniisip mo?" tanong sakin ni Myx
"Ah, wala naman. Iniisip ko lang yung botohan mamaya. Sinu-sino kaya yung mga officers? Sana naman deserving yung makuha para maging okay yung class natin." walang buhay kong sabi
"Haha, basta si Jem ang secretary natin. Maganda kasi sya magsulat eh!" sabi ni Nix, finally! Nagsalita na din sya
"Yup! Ikaw naman Nix ang gagawin naming muse" sabi ko
"Agree ako dyan!" sabay sabay na sabi ni Myx, Ria at Jem
"Haha. Tama na nga yan! Baka dumating pa si Maam" sabi ko. Nag-upuan na kami sa sari-sarili naming upuan. Malapit na din kasing dumating si Maam eh.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Maam kasama yung mga engot na sisira ng araw ko.
"Good Morning" bati samin ng teacher namin for today
"Good Morning din po" we all said
"So let's start! Papaliwanag ko ang rules .. Pwede kayong magnominate ng students kahit ilan pero pag may nagclose na ng voting. Wala nang pwedeng magnominate. Is that clear?"
"Yes, maam"
"The nomination for Class Officers is now open"
"I nominate ..."
Tapos nagnominate sila ng nagnominate ..
After ng ilang minutong pagnonominate ng kung sinu-sino .. Natapos na rin ang botohan.
"Meron na tayong officers. Sana maging responsible ang mga nahalal na officers! Kayo na ang bahala sa Star Section" sabi ni Maam. Shet! Bakit?! Ang sama talaga nito.
"Congrats sayo Gab! Ikaw na ang President namin ngayon. Dati kasi si Xiv eh!" sabi sakin ni Rina. Tama kayo! Ako nga ang President ng Section na to. As in ayoko. Anong alam ko sa pagiging president?!
"Congrats sa ating lahat!" sabi ni Myx
"Nakakaasar talaga! Bakit ako pa? Hindi ko gustong maging President eh!" pagmamaktol ko
"Ok lang yan Gab! Kaya mo yan, tulungan naman tayo eh! Di ka namin papabayaan" sabi ni Ria
Sana nga .. Maging maayos ang pagiging officers namin, ang kinaaasar ko lang naman ay kasama kasi sa officers yung 5 unggoy na prinsipe! Baka makagulo lang sila! Tss.
(Xiv's POV)
Hahaha. Ang saya naman ng botohan namin ngayon, although di na ako ang President pero Still! Nasa officers padin ako! Hahaha. Si Gab na ang President. Tignan lang natin kung makaya nya ang pagiging Ms. President nya! Gusto nyong malaman yung Class Officers? Oh eto ang List ..
Class Officers
President~ Gab Imperial
Vice-President~ Xiv Castro
Secretary~ Jem Ruiz
Treasurer~ Max Mendoza
Auditor~ Rina Basul
Buss. Mngr
*Myx Perez
*Ken Diaz
PIO
*Ria Shin
*Jae Lee
Class Monitor~ Cindy Morales
Muse~ Nix Arellano
Escort~ Ace Go
Oh diba ang ganda ng arrangement? Parang partner-partner lang :D Hell NO! Si Gab? Partner ko? Wag na lang.
Dahil sa pare-pareho kaming officers, mas marami na kaming time para asarin yung mga babae! Hahaha. Exciting toh!
"Oh paano ba yan pre! Di kana President! Natalo ka ni Gab! Hahaha" pang-aasar ni Jae
"Para namang kawalan ang hindi pagiging President. Hindi ko gustong maging President noh! Masaya na akong Vice na lang"
"Sabi sa inyo eh! Ako talaga ang pinakagwapo sa inyo! Tignan nyo! Ako na naman ang escort" ang yabang talaga ni Ace hahaha.
"Treasurer ako? Sure kayong ako talaga?" tanong ni Max sa amin habang nakaturo sa sarili nya.
"Oo nga noh! Bakit ikaw ang Treasurer? Hindi ba nila alam na tinatakbo mo ang pera?" natatawang sabi ni Ken
"Mukha mo! Hahaha, alam ko naman kung bakit ako ang treasurer eh! Kasi sating lima ang mukha ko lang ang mapagkakatiwalaan"
Pagkasabi ni Max nun, nagtawanan kami .. Ano na kayang nangyari dun sa mga babae?
Tumayo ako at lumapit dun sa pwesto nila
"Congrats nga pala! Ikaw na ang bagong President ng Star Section!" sabi ko kay Gab, sabay lahad ng kamay ko para makipagshake hands
"Thanks, Ano yan?" tanong nya
"Malamang kamay! Bobo lang? Makikipagkamay ako to congrats you"
"No need! Baka mahawa pa ko ng kahambugan mo" aww. Yung kamay ko na pinapangarap ng mga babae tinanggihan ng isang Gab? Isang Gab Imperial?
"Hahaha. Ayaw mo ng shake hands ko? Di mo ba alam na pinapangarap ng lahat toh?" pagmamayabang ko! Aba dapat lang!
"Sorry ha? Kasi yang kamay mo para sakin ay ordinaryo lang! Alam mo yun? Tsaka ano namang benefits ang makukuha ko kung hahawakan ko yan? Yayaman ba ko? Magiging popular? Ano? Diba wala naman? Kaya no need na" abat! Ang tigas nitong babaeng toh ah! Tinanggihan nya ang lalaking pinapangarap ng lahat? Tsk.
"Kung ayaw mo makipagkamay. Okay sige, sana lang hindi mo pagsisihan ang hindi pakikipagkamay sakin" nakangisi kong sabi
Pagkasabi ko nun ay bumalik na ko sa upuan ko .. Akala nya?! Magsisisi sya na ako ang kinalaban nya! Dahil hindi nya alam ang kaya kong gawin! So start na talaga kami ng plano! Starting tomorrow magiging mabait na kami sa kanila. Alam na!
"blah-- blah-- blah--"
Simula na naman tong mga teacher namin, medyo nakakatamad talaga! Puro lecture kasi ..
Makapagtext nga muna, di naman ako mahahalata eh.
To: Miya
-s*x tayo maya, pwede ka?
**Sent**
Haayy. Buhay! Sino pwedeng maging s*x slave dyan? Hahaha. Sawa na ko sa babaeng yun eh!
from: Miya
-Sure! Saan ba?
**End**
Uy! Pumayag sya! So, paano ba yan? Hahaha.
to: Miya
-Sa Condo ko! Uwian huh? Bilisan mo! Okay?
**Sent**
from: Miya
-ok :) :*
**End**
Excited na kong umuwi! Sana naman matapos na tong klase!
"Sa tambayan tayo maya" sabi ni Ace
"Sorry guys, hindi ako pwede eh. May importante akong gagawin" sabi ko
"Ano naman yang importante na yan?" tanong ni Max
"Makikipagsex ako kay Miya"
"Ano?! Makikipag ano? Teka, paano si Yas?" tanong ni Jae
"Okay lang yan, wag lang kayong magsusumbong. Kupal kayo" banta ko sa kanila
"So? Paano ba yan? Tayong apat na lang? May gagawin kasing importante si Xiv eh" sabi ni Ken na may halong pang-aasar
"Yeah, kayo na lang. Ito pera oh! Bumili na lang kayo ng kung anong gusto nyo. Basta, excuse muna ako sa ngayon. Okay?" tapos nag-abot ako sa kanila ng pera
"Okay, maya na lang sa tambayan after uwian." sabi ni Ace
Buti naman at pumayag na silang wag muna akong sumama. Haha, syempre paminsan-minsan kailangan ko din ng init sa katawan. Kung may mga batang nagbabasa, sorry na! Ganito lang talaga ako eh.
(Max's POV)
Gusto ko lang i-share na ako ang treasurer ng klase namin. Hahaha, nakakaloko lang kasi ako yung pinili nila. Anyway, secretary pala si Jem. Ang bitter pa din nung babaeng yun sakin. Hahaha, pero kasi .. hindi ko naman din kasi kagustuhan yung nangyari dati eh. Hmm, gusto nyo bang malaman kung ano ang nangyari? Wag na nga lang muna, itatago ko muna sa ngayon.
Pag iisipan ko pa kung kailan ko masasabi sa kung bakit at paano nangyari ang lahat at ano ba talaga ang koneksyon namin ni Jamicha Evelyn Mashia.