Chapter Twelve - Awkward

2088 Words
(JN's POV) Ah. Hello! Nahihiya talaga ako, lalo na kay Ria. Kasi kung ano-ano ang sinabi ko sa kanya eh! Tapos yung ano .. Haaay, hinalikan ko pa sya! Pero hindi ko rin naman kasi kagustuhan yun eh! Kailangan nya kasi makainom ng dugo. Wala naman akong mahanap na pangsugat sa kamay ko kaya kinagat ko na lang yung labi ko hanggang dumugo para makainom sya ng dugo at di na manghina. Pero sinabi ko rin sa kanyang gusto ko sya. Patay ako nito! Nandito na kami ngayon sa bahay nila. Nagtagal kami sa gubat kasi hinintay ko pang bumalik ang lakas ni Ria kaya inabot kami ng gabi. **At the House "Okay kana ba?" tanong ni Gab kay Ria "Ahh, oo. Okay na ako. Magaan na ulit ang pakiramdam ko. Salamat kay JN" Nakangiting sabi ni Ria sabay tingin sakin, kaya nginitian ko rin sya. Hindi ba sya galit sakin? Sana hindi. "Salamat naman at okay kana" singit ni Jem "Siguro kayong dalawa ang nakita ni Myx sa vision nya!" sigaw ni Nix "Ha?" gulat na sabi ni Ria sabay baling kay Myx "Anong nakita mo sa vision mo?" "Hmm, dalawang tao lang. Yung isa nanghihina tapos tinutulungan nung isa pa. Siguro nga kayo lang yun. Masyado ring malabo eh. Hindi ko masyadong maaninag" kwento ni Myx "Akala ko ... Salamat naman" sabi ni Ria "Bakit Ria? May nangyari ba na hindi namin alam?" tanong ni Gab "Oo nga, meron ba?" pang-iintriga ni Nix "Ha? Ah. Eh. Wala! Wala naman! Ano ba kayo. Ha-ha. Bakit kayo ganyan?" kabadong sabi ni Ria na nakangiting aso "Talaga lang ha?" nakangising sabi ni Jem "Oo nga! Wala nga" sagot ni Ria "Si Ria naman masyadong kabado eh! Binibiro ka lang namin eh!" sabi ni Gab na tumatawa "At nga pala JN, gabi na din eh! Dito kana lang muna matulog. Agahan mo na lang ang gising bukas para makapagbihis ka sa bahay mo" "Okay sige! Dito na lang ako sa sala" sabi ko sa kanya "Hindi ka pwede rito. Baka gapangin ka pa ng iba dyan eh" sabi ni Jem sabay lingon kay Nix. Hahaha, nakakatawa talaga sya "Eh saan naman ako matutulog?" tanong ko "Ah dun ka na lang sa kwarto ko tapos tabi na lang kami ni Gab sa kama nya" pag-aalok ni Ria "Sure ka?" "Oo, okay lang sakin and besides tinulungan mo naman ako eh! Bawi ko na lang din to sayo" sabay ngiti nya. Aww, ang ganda naman ng ngiti nya. Sana lagi syang ganyan, nakakainlove eh. "Okay, tama na! Maaga pa ulit tayo bukas. Magpahinga na tayo" sabi ni Gab "Goodnight!" sabay-sabay nilang sabi "Goodnight din!" sabi ko sa kanila tapos nagpuntahan na sila sa mga kanya-kanya nilang kwarto. Hinatid na muna ako ni Ria sa kwarto nya kasi nga nakakalito ang mga kwarto nila. **At Ria's Room "Oh eto nga pala ang room ko. Ingatan mo ha? Mahal na mahal ko to. Lalo na ang mga gamit na nandito" sabi nya sakin "Hahaha, ang ganda naman dito. Malinis ka rin pala sa kwarto mo" "Oo naman! Si Jem at Nix lang naman yata ang hindi masyadong malinis sa kwarto eh. Pero minsan, hindi ko rin to nililinis at si Gab na lang ang nag-aayos" "Ganon?" "Oo, minsan lang naman yun kapag tamad na tamad ako" nakangiti nyang sabi "Sige na, punta kana sa kwarto ni Gab" pagtataboy ko sa kanya "Haha, oo na! Pupunta na nga eh. Salamat nga pala ha?" nakatungo nyang sabi na parang nahihiya "Salamat naman saan?" "Sa hal--- este sa pagligtas mo sa buhay ko. Kung hindi ka dumating baka namatay na ako sa sobrang uhaw ko. Tsaka, sinugatan mo pa yang labi mo para sakin" sabay hawak nya sa labi ko "Ahh, hehe. Okay lang yun. Ano kaba!" naiilang ako. Hinawakan nya kasi ang labi ko at ang mukha ko "Salamat talaga" hinalikan nya ko sa pisngi tapos tumakbo na sya sa kwarto ni Gab Natulala ako saglit at kinilig. Hahaha, nagulat lang ako sa ginawa nya pero ang sarap sa feeling. Para akong nasa heaven. Jackpot! :D Parang nanalo sa lotto eh! Pumasok na ako sa kwarto nya at humiga sa kama. Hindi pa ako makatulog kaya naman inikot ko ang paningin ko sa bawat sulok ng kwarto ni Ria. Ang ganda nya dun sa picture na nakadikit sa pader ng kwarto nya. Hahaha, ang swerte naman ng magiging boyfriend nya. Sino kaya yun? Uso kaya sa kanila ang boyfriend? Ay ewan. Para na kong tanga dito. Makatulog na nga! Pinilit ko naman ang sarili ko na makatulog eh! Kaso .. wala talaga eh! Hindi pa rin ako makatulog. Teka, anong oras na ba? 11:34pm na? Tapos hindi parin ako dinadalaw ng antok? Ano bang problema ng utak at katawan ko ngayon? "Oy utak! Wag mo muna syang isipin. Pwede ba? Nakakainis kana! Baka magkaroon pa ko ng black and big eye bags" sabi ko sa sarili ko habang inaalog ko ang ulo ko Makalipas ang ilang oras ... (1:05am) Ano ba yan! Nakatulog nga ako, isang oras lang naman. Nakakasusot eh! Kasi naman eh. Pesteng utak to. Nagfflashback yung mga nangyari kanina sa gubat. Hindi ko alam kung bakit ayaw mawala sa isip ko yung pesteng scene na yun! Tsk. Kinuha ko yung picture ni Ria na nasa frame sa side table ng kama nya at tinitigan yun. "Ria, ano bang ginawa mo sakin ha? Bakit ayaw mo kong patulugin? Alam mo namang maaga pa tayo bukas diba? Buti kapa ang sarap na nang tulog mo sa kwarto ni Gab. Tapos ako dito puyat na puyat na! Tsaka ang daya mo. Bakit ako, naiilang sayo? Tapos ikaw hindi? Wala lang ba sayo yung nangyari? Wala ka bang nararamdaman sakin? Kahit katiting lang?" Haaay, baliw na nga yata ako! Pati picture kinakausap ko. Ewan, basta gumagaan ako sa ginagawa kong to. Hahaha, mapapagod din ako sa pagkausap sa picture ni Ria. (Ria's POV) Hmm, hindi ko talaga alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Basta ang alam ko lang masaya ako at gusto ko yung nangyari kanina. Pero may sinabi si JN nung nasa gubat kami eh! Kaso, hindi ko lang talaga maalala kung ano yung sinabi nya .. FLASHBACK >> "R-ria? Ayos ka lang?" tanong nya sakin "Nauuhaw na ako, JN" sagot ko sa kanya "Dugo ko .. Tama! Inumin mo ang dugo ko" nagulat ako ng i-offer nya sakin ang dugo nya, kasi naman diba? Ang bait nya naman kung ganon "Gago! P-apaano kung mapa ... hamak ka? Nahi-nahihibang kaba!?" "Oo, gago na kung gago. Pero di ko kayang may mangyari sayo! Kasi .." Hindi ko na masyadong narinig yung kasunod ng sinabi nya kasi nga nanghina na ako ng sobra at gusto ko na talagang uminom ng dugo. Pero ano ng kaya yung sinabi nyang yun? END OF FLASHBACK << Parang may something dun sa kasunod na word eh! Ano kaya yun? Hmm, ano kaya kung itanong ko na lang bukas? Pwede naman yata. Nagtry akong matulog kaso .. walang epekto eh. Kasi, hindi talaga ako makatulog. Buti pa si Gab, ang sarap na nang tulog. Samantalang ako? Eto, mulat parin! Teka, anong oras na ba? 11:39pm?! Holy clock! Late na late na pala! Kailangan ko na matulog! 6am pa ang pasok namin at kailangan naming gumising ng 5am bukas! Tss, bahala na! Matutulog na lang ako. 1:09am. Mulat pa rin talaga ako! Ay leche plan! Ano ba naman to. Nananadya ba ang isip ko? Nagfflashback sakin yung ginawa ko kanina. Yung paghalik ko kay JN sa pisngi nya. Hindi ko naman kasi talaga dapat gagawin yun eh! Nagkusa lang yung nguso ko. Asar! Aaaaaaahhhh! Di ko na kaya to! Siguro ang himbing na ng tulog ni JN tapos ako? Eto ganito parin. Nakakainis naman kasi eh! Lord, bakit kaba ganyan sakin? Masyado mo naman po akong pinapakilig eh! Tumahimik ako saglit tapos .... "Aaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!!!!!" Nagulat yata si Gab sa pag-irit ko kaya nagising "Ria, ano bang problema mo? Ala una na ng umaga tapos hindi ka pa rin natutulog? May pasok pa tayo bukas diba?" iritableng sabi ni Gab "Ah, hehehe. Sorry Gab, hindi lang talaga ako makatulog eh" nakapeace sign kong sabi kay Gab "Kung hindi ka makatulog, wag mo na lang akong idamay ha? Kasi antok na antok pa ko, okay? Manahimik kana lang dyan at matulog kana. Baka bukas lutang ang isip mo sa school" Pagkasabi nya nun ay nahiga na ulit sya at nagtalukbong ng kumot Ano bang gagawin ko? Silipin ko kaya si JN sa kwarto ko? Hmm. Pumunta nga ako sa harap ng kwarto ko. Hahaha. Di nakatiis eh! "Tulog na kaya sya?" bulong ko sa sarili ko Binuksan ko ng kaunti ang pinto ng kwarto ko para sumilip. Tama ako! Tulog na nga sya. Sarap nga ng tulog eh. Aalis na sana ako ng may mapansin akong hawak nya, ano kaya yun? Lumapit ako sa kanya ng dahan-dahan. Eh? Bakit kaya hawak nya to? Teka, wag mong sabihin na tinitigan nya ang picture ko at nakatulugan? Hmm, pero okay lang naman! Masaya nga ako eh. Ewan ko kung bakit ganon. Kasi sa aming lima, ako ang pinakamaingat sa gamit ko at ayokong may ibang hahawak sa gamit ko ng walang paalam pero bakit sya? Hindi naman sya nagpaalam na tititigan nya ang picture ko pero hindi naman ako nagalit? Himala! Teka lang .. Ang cute nya pala pag natutulog. Para syang bata. Hahahaha! Ano ba naman yan. Para akong tanga rito. Makaalis na nga. Pero teka -- Bakit may kamay na nakahawak sa braso ko? Omegesh. Wag mong sabihing .. "Ria, anong ginagawa mo dito? Ala-una na! Malapit na ring mag alas-dos" Tama nga ako ng hinala, nagising nga si JN. Patay ako nito. Kailangan ko ng palusot. Humarap ako sa kanya at nagsalita "Ah .. ano kasi" "Ano?" tanong nya "Ano, ahh. Tinignan lang kita kung tulog kana. Yun lang. Tinignan lang kita" "Yun lang?" "Bakit? Ano bang gusto mong marinig?" tanong ko sa kanya. Ugh, naiilang ako "Yung totoo. Yun ang gusto kong marinig" "Ha? Pero ---" "ANG SABI KO ... YUNG TOTOONG RASON" malakas nyang sabi "Ah kasi .. Okay fine! Sasabihin ko na nga. Tss, tinignan kita kung okay kana kasi ako, hindi ako makatulog eh. Yung lang" "Bakit hindi ka makatulog?" nakangisi nyang tanong "Aba ewan ko din sa utak ko! Eh sa ayaw nyang matulog, anong magagawa ko? Pati katawan ko nakikisang-ayon sa utak ko" "Weh? Hindi naman yan ang totoo eh" "Tss, gusto mo talagang malaman ang totoo?" "Oo, gustong-gusto" nakangiti nyang sabi Bumuntong hininga ako "Kasi naman eh, hindi ka man lang napapagod sa pagtakbo sa utak ko. Pwede bang kahit isang oras lang tumigil ka naman sa pagtakbo sa isip ko? Tapos para kang sirang plaka! Paulit-ulit ka sa isip ko! Alam mo yung salitang unli? Ganon ka eh! Tapos ---" Naputol ang sinasabi ko ng .. Halikan nya ko. Whaaaaaaat?! Inalis nya ang labi nya sa labi ko at ngumiti sakin. Aba! Loko to ah! "Hahaha, Ria. Tama kana nga sa sinasabi mo. Ang cheesy mo eh! Ang sweet mo masyado. Sige ka! Baka agawin ako sayo ng mga langgam" nakangiti nyang sabi sakin "JN?" "Oh?" "Anong meaning nun?" nakatulala ko paring sabi "Ng alin? Ah nung kiss?" "Ah.. Oo yun nga!" "Kasi mahal kita. Mahal kita. Naririnig mo ko? At buti naman ganon rin ang nararamdaman mo sakin" sabi nya na parang nagniningning ang mga mata "Totoo ba yun?" tanong ko "Oo naman. Totoong-totoo" "Salamat JN" "Anong salamat? May kapalit yun" "Ano naman?" "Hahaha, secret na muna. Bukas ko na lang sasabihin sayo" sabi nya sakin "Ah, sige! Hmm, 2:11am na. Hala! Babalik na ako sa kwarto ni Gab. Tutulog na ko" taranta kong sabi "Ha? Wag ka nang bumalik dun. Dito ka na lang muna matulog" "Saan?" "Sa kama, tabi tayong dalawa" sabi nya sakin at nagulat naman ako "Seriously?" "Yeah. Ayaw mo ba?" nakapout nyang sabi. Aww, ang cute naman ng nilalang na ito "Ah, kasi baka makita nila tayo eh! Patay ako sa mga yun" "Hindi yan. Gigising ako ng maaga bukas para mailipat ka sa kama ni Gab" nakangiti nyang sabi "Ahh kasi --" "Sige na kasi Ria, please?" "Sige na nga" Humiga na kami sa kama. Hmm, malaki naman yung kama ko kaya kasya kaming dalawa kaso ang AWKWARD! Ngayon lang ako may nakatabing lalaki sa kama. Malandi na ba ako? Tss, hindi naman siguro. Basta, masaya ako ngayon at wala nang pwedeng humadlang sa kasayahan ko. Natulog na kami ng magkasama ni JN. Yeah, nasa langit na ba ko? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD