Chapter Thirteen - Nix and Ace

1490 Words
(Nix's POV) By the way, nag-aayos na kami kasi papasok pa kami, remember? Tss, nakakatamad talagang pumasok eh! Bakit kasi kailangan ko pang pumasok eh. "Myx, nakita mo ba si Ria?" tanong ni Gab "Ha? Nandyan lang naman yun sa kwarto mo ah! Kasi ang alam ko, magkatabi kayong natulog kagabi" "Hindi ko kasi sya napansin eh, ikaw Nix? Nakita mo ba?" tanong sakin ni Gab "Hindi rin eh! Baka naman nauna na sa pagpasok?" sagot ko "Paanong mauuna yun? Eh si Gab nga ang taga gising natin, teka .. Nakauwi na ba si JN?" tanong ni Jem "Oo nga noh? Baka naman -- Oh my! Wag naman sana" Pagkasabi ko nun ay nagsipuntahan na kami sa kwarto ni Ria. Para kami nakakita ng multo ... As in nanlaki ang mga mata namin sa nakita namin. "RIA? JN?" Nagulat naman silang dalawa nang marinig ang boses ko. Kaya napabalikwas sila. "Anong ibig sabihin nito?" tanong ko sa kanila "Nix, let me explain. Hear me out" sabi ni Ria "No, hindi ko kailangan ng explanation mo" sigaw ko sa kanya "Nagtanong ka kung anong ibig sabihin nito.. Tapos, hindi mo kailangan ng explanation? Baliw lang Nix?" singit ni Jem "Ano ba Jem! Kung wala kang masabi na maganda. Pwede bang tigilan mo ko?!" "Okay" sagot nya "Ahas ka Ria. Akala ko pa naman kaibigan kita tapos ganito? Tss, pare-pareho lang kayo" sigaw ko "Nix, ano ba? Maghinay-hinay ka nga sa pagsasalita mo" sigaw sakin ni Gab. Tss, pati ba naman sya? "At bakit? Totoo naman eh! Mas kakampihan nyo pa si Ria kesa sakin, diba? Mga wala naman kayong kwenta!" Pagkatapos kong sabihin yun, hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Natulala lang ako sa nangyari. Dahil sinampal ako ni Gab. "Nix, di ko sinasadya" Tumingin ako sa kanilang lahat at tumakbo palabas. Ayoko munang manatili dun. Di ako papasok, bahala na sila. Kaya ko naman ang sarili ko eh. Pupunta na muna ako sa tahimik na lugar. Ayoko na munang maalala yung nakita ko kanina. (Ace's POV) Hi! As usual, di kami papasok ngayon dahil sa nangyari sa detention. Tss, tsaka may bukas pa naman eh. Bukas na lang kami papasok. Nandito lang kami ngayon sa tambayan. Hahaha, natatawa nga ako sa pinag-gagagawa ng mga to eh! Lalo na kay Max, sayaw ng sayaw na parang baliw. "Ano, gusto nyo ng beer?" tanong ni Xiv "Wag na muna. Nakakatamad mag-inom eh. Coke in can na lang" sabi ni Ken "Sayaw na lang tayo" pag-aaya ni Max "Tss, tigilan mo nga yan. Mukha kang tanga! Alam mo ba yun?" sabi ni Jae kay Max "Hahahaha! Inggit ka lang kasi. Sa gusto kong sumayaw eh, gaya ka na lang" sabi ni Max habang sumasayaw parin "Ako na lang bibili ng coke" pagpiprisinta ko "Ha? Ikaw ang bibili?" tanong ni Jae "Oo, ako na ang bibili. Feel ko maglakad-lakad ngayon" "Okay, eto ang pera oh!" sabay abot sakin ni Xiv ng pera "Dyan lang kayo. Sandali lang ako tsaka treat ko na rin ang mga snacks" sabi ko sabay alis Naglalakad lang ako. Nakakailang nga eh! Pinagtitinginan ba naman ako ng mga babae. Di lang ako sanay. Makapagsoundtrip na lang nga muna. Now Playing: It Ends Tonight "Your subtleties, they strangle me, I can't explain myself at all, And all they want and all the needs, All I don’t want to need at all" "The walls start breathing, my mind's unweaving, Maybe it’s best you leave me alone, A weight is lifted on this evening, I give the final blow" "When Darkness turns to light, It ends tonight, it ends tonight" Inihinto ko na muna saglit ang pakikinig ko dahil may nahagip ang paningin ko. Teka, si Nix ba yun? Bakit naglalakad mag-isa yun? Maaga pa ah! At ang alam ko, may pasok kami ngayon. Tsaka umiiyak sya? Marunong pala sya nun? Hahahaha, asarin ko nga >:) "Nix!" tawag ko sa kanya. Lumingon naman sya kaso saglit lang tapos nagpatuloy na sya sa paglalakad. Tss, akala nya ganon lang yun? Hindi sya makakaalis nang hindi ko sya naaasar. Tumakbo ako sa kanya at hinawakan ko sya sa braso. "Ano ba?! Kung wala kang sasabihin na matino, pwede bang tigilan mo ko? Pwede?! Wala ako sa wisyong makipagbangayan ngayon!" sigaw nya sakin sabay higit sa braso nya na hawak ko. Problema nito? "Hindi naman ako mang-aasar ah! Magtatanong lang! Halata bang mang-aasar ako?" tanong ko sa kanya "Pwede ba! Wag mo kong inisin ngayon at baka sapakin kita dyan. Tsaka kung itatanong mo kung bakit ako nandito, simple lang ang sagot ko. Kasi ayokong pumasok at wala akong pakialam sa pagpasok ko, okay? Pwede na ba kong umalis?" "Saan ka naman pupunta?" "Sa puso mo! Pwede ba? Pwede?" "Oo naman! Gusto mo? Free ang puso ko ngayon na magmahal, sabihin mo lang sakin Nix kung gusto mo ng pag-ibig ko" nakangiti kong sabi sa kanya "Aaaaaarrghhh! Pwede ba Adevance Carl Ethan! Tigilan mo ko sa kakaganyan mo? Peste talaga! Wala bang matinong makakausap ngayon? Grrr!!" Inis na inis na sabi sabi ni Nix. Sabi na nga ba eh! Maaasar tong bababaeng to :D "Ohh, kabisado ni Nix my loves ang pangalan ko ah! Mahal mo yata ako eh! O baka naman stalker kita? Hahahaha" "Grrr, bahala ka na nga sa buhay mo!" sabay talikod nya at lakad ng mabilis. Asar talo talaga yung babaeng yun. "Nix, teka lang naman!" tapos hinawakan ko na naman sya sa braso nya "Ano na naman?! Alam mo napepeste na ako sayong siraulo ka!" sigaw nya. Kanina pa nga kami pinagtitinginan eh! Parang may shooting. Hahahaha :D Wala naman kaming pakialam. "Sama ka sakin" pag-aaya ko sa kanya "Saan naman?" "Sa motel. Hahahaha, ano game ka?" "Grrr! Bahala ka sa buhay mo! Peste!" sigaw nya sakin "Uyy, joke lang naman eh! Sa tambayan namin! Nandun naman sila Xiv eh" "Wag na! Baka ano pa ang gawin mo sakin! Tse!" "Tss, wala akong gagawin sayo noh! Kaya sumama kana lang sakin. Kapag hindi ka sumama, hahalikan kita dyan" "Wala akong pakialam sayo! Tsaka hindi kita nanay para sumunod ako sayo. Dyan kana nga!" Makulit talaga tong babaeng to. Masample-an nga! Hinigit ko sya tapos pagkaharap nya sakin, hinalikan ko sya. Ang kulit kasi eh! Pag ako pa naman ang nagsabi, tinototoo ko. Tss. Ayun, natulala sya. Hahahaha. Pasaway kasi eh "Ano? Sasama ka o hindi?" tanong ko sa kanya. Tumango-tango lang sya tapos hinawakan ko na sya sa kamay at naglakad na kami para bumili ng coke in can. (Nix's POV) Hindi ko talaga alam kung ano ang problema ng isang to. Ang kulit-kulit nya! Tapos yung ginawa nya sakin nagfflashback parin. Tss, kainis! Nandito kami ngayon sa 7eleven. Kumukuha sya ng mga softdrinks na nasa lata habang hawak parin ang kamay ko. Ano bang problema nito?! Kasi. pag nagsalita naman ako o sinigawan ko sya baka gawin nya ulit yung kanina. Naiiyak ako! Bakit sa kanya napunta ang first kiss ko? Dapat kay JN lang diba? Napepeste na talaga ako sa isang to. "Nishaline Irish Xyla? Anong gusto mong bilhin? Don't worry, treat ko naman eh" tanong nya sakin "Wala" "Wala kang gusto?" "Wala nga" "Ano nga?!" sigaw nya sakin "Wala" "Di ka sasagot?" Natakot naman ako bigla dahil feel ko may gagawin na naman sya eh. Kaya sumagot na ko "Oo na nga eh! Sasagot na .. Gusto ko ng V-cut yung malaki, Nova, Piattos, dalawang coke in can, M&M at isang slurpee. Yun lang" "Sigurado ka?" tanong nya sakin "Oo naman. Kung ayaw mo, edi wag! Di naman kita pini--" "Ate, narinig mo yung sinabi nya? Lahat yun kuhain mo. Pwede ba? Please?" sabi nya dun sa babaeng nasa cashier with matching pa-cute pa. Tss, akala nya naman bagay sa kanya. Di kaya! "Ah, opo kuya. Girlfriend nyo po ba sya?" tanong nung babae "Excuse me miss. Pero --" Naputol ang pagsasalita ko ng magsalita na naman tong mokong na to "Oo, girlfriend ko sya. Nakikita mo naman yatang hawak ko ang kamay nya diba?" sabi ni Ace sabay taas ng kamay naming dalawa "I see, sige po. Kukuhain ko na po yung sinabi ng gf nyo" Umalis na yung babae para kuhain ang mga sinabi ko. Patay sakin tong lalakeng to "Hoy! Anong sinasabi mong girlfriend mo ko? Kapal mo naman!" "Ayaw pa? Sa gwapo kong to? Ayaw mo?" "Tss, kapal din ng mukha mo noh? Mas makapal pa sa semento! Tse! Tsaka pwede ko na bang makuha tong kamay ko?" "Ayoko nga!" pagprotesta nya "At bakit? Kamay ko naman toh ah!" "Gusto mong halikan kita ulit? Magtigil ka kung ayaw mo" babala nya sakin "Pero--" "Ay, gusto mo talaga?" "Oo na nga eh! Tatahimik na. Peste talaga" "Good girl" sabi nya sabay kindat Ano pa nga ba ang ginawa ko? Syempre, nanahimik na lang ako kesa naman mahalikan ulit ako diba? Worst day talaga to para sakin! Sana panaginip na lang to. Para naman mabalik pa ang pagkavirgin ng lips ko!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD