Chapter Thirty Four - Dates (Part 2)

1359 Words
(Nix's POV) Masama ang pakiramdam ko. Yun lang ang masasabi ko sa ngayon. Ang tanga naman kasi ni Ace eh! Ano bang problema nya at iniwan nya ko sa playground? Pauwi na ko kanina ng biglang bumuhos yung ulan. Tumakbo na lang ako ng mabilis para hindi mabasa kaso walang talab eh! Inabutan padin ako ng ulan. Tsk! Pag naaalala ko yung nangyari kanina, naiirita lang ako eh! Teka. Parang ang lambot yata ng hinihigaan ko? Nasan ako? Nagmulat ako ng mata at nakita ko na nasa isa akong kwarto. Teka paanong? Ah. Oo nga pala nawalan ako ng malay kanina. "Gising kana pala eh! Ano? Ayos kana?" tanong ni Ace. Bat nandito sya? Tsk. "Ano naman sayo kung hindi pa ko ayos?" pagtataray ko sa kanya "Tinatanong ko lang! Tsaka masama bang mag-alala sa Girlfriend ko?" Natigilan ako sa sinabi nya. Girlfriend? "Ha-ha-ha. Girlfriend? Talaga lang huh? Diba't hindi naman totoo na mag-on tayo?!" "Bakit?! Gusto mo ba totoo?" tanong nya sakin. Ano nga bang gusto ko? "Hahaha. Totoo? Tototohanin mo? Eh simpleng pagbabantay nga lang sakin hindi mo magawa eh! Hinayaan mo pa kong mabasa ng ulan! Wala kang kwentang Boyfriend! Wala! Iniwan mo kong mag-isa dun! Hindi mo man lang inisip kung anong mangyayari sakin kapag iniwan mo ko dun! Paano kung narape ako? Paano kung may pumatay sakin? Paano kung naligaw ako? Hindi mo ba naisip yun huh? Ngayon mo sabihin sakin? Worth it ba na naging boyfriend kita? Worth it ba?" hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na ko "Nix" tawag nya sakin. Hindi na ko makapagsalita dahil hikbi na ko ng hikbi "Sorry Nix. Hindi na mauulit yun" sabay yakap nya sakin ng mahigpit, patuloy pa din ang agos ng luha ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? I feel safe with him. Pagkatapos ng madrama naming scene. Tumayo na sya at kumuha ng damit .. "Chichi ko. Eto damit oh! Suotin mo na muna. Basang-basa ka kasi eh! Sige labas na muna ako para makapagpalit ka" lalabas na sana sya kaso pinigilan ko sya "Dito ka lang. Sa Cr. na ko magpapalit" ngumiti naman sya sakin at umupo dun sa kama. Pumasok naman ako dun sa Cr at nagpalit. Ang laki nung t-shirt eh! Hahaha. Pero ang sarap sa pakiramdam na nakapagpalit na ko "Eto na" sabi ko sa kanya "Ayan! Buti naman at nakapagpalit kana. Chichi ko, Sorry nga pala dun sa nangyari kanina huh? Di ko na uulitin yun" sabi nya. Sincere naman yung pagsosorry nya eh! Sige na nga. Papatawarin ko na sya "Sige na Ace. Pinapatawad na kita" sabi ko at tumabi ako sa kanya sa kama "Nix?" tawag nya sakin "Yep? Ano yun?" "Pwedeng usap tayo ng seryoso?" "Uhm. Sige! Ano ba yun?" "Make our Relationship Real" Huh?! Anong sabi nya? "Ano yun Ace?" tanong ko ulit sa kanya "Sabi ko. Totohanin na natin tong Relationship natin. Kung okay lang sayo" "Ah Kasi .. Ano eh" "Di mo naman kailangan na magmadali eh! Okay lang sakin kahit matagalan. Kung kailan ka na lang ready" Haayyss. Di ko alam ang isasagot ko sa kanya eh! "Ok. Payag na ko" nanlaki naman yung mata nya "Sure ka?" "Yep" "Weh? Talagang talaga?" tanong nya ulit. Kulit ng lahi nito ah! "Yep! Ang kulit mo!" "Nix. May aaminin ako sayo" "Ano yun?" "Mahal na kita. Kaya sana mahalin mo din ako huh?" Eh? Seryoso ba talaga toh? "Seryoso ka?" "Oo naman. Ayokong lolokohin mo ko huh? Kaya sana hindi mo gawin sakin. Ikaw lang ang nag-iisang Chichi ng buhay ko" nakangiti nyang sabi. Seryoso ba toh? Mahal nya ko? I'm so happy! Sana magwork ang relationship namin. Kasi I think I'm falling in love with him too "Promise yan. Chowchow ko" Hinug nya ako at hinalikan sa noo. Yes! We're Officially ON! Thanks! (Jem's POV) Bwiseeettt!! Kanina pa nangungulit sakin si Max! Gusto nya daw akong maging Date sa Acquaintance! Ano ba! "Pumayag kana kasi Jem" pangungilit sakin ni Max "Ayoko nga!" pagmamatigas ko "Sige na. Please?" tapos nagpout pa sya. Ang cute nya! Kaso .. NO WAY! "Hahaha. Kawawa ka naman Max! Casanova nga, hindi naman makakuha ng partner" pang-aasar ni Ken "Bakit ikaw meron na?" tanong ni Max kay Ken "Yep! Meron na. Si Pillows ko" sabi ni Ken. Nyee? Sinong Pillows? "Sino yun?" sabay naming tanong ni Max "Si Myx" sagot nya. Tinignan naman namin si Myx. Halata sa mukha ni Myx na nagulat din "Pillows? San mo naman nakuha yun?" tanong ni Myx kay Ken "Wala lang. Ang cute kasing pakinggan eh! Endearment ko sayo. Payag kana huh?" sabi ni Ken "Okay." sagot ni Myx "Wala kang itatawag sakin?" tanong ni Ken "Ano ba?" "Mallows na lang huh? Ikaw ang Pillows ko. Ako naman ang Mallows mo" sabi ni Ken kay Myx "Okay Mallows. What so ever" sabi ni Myx at nagfocus na sa panonood ng tv. Makaalis nga dito! Nakakabitter! "Oy Jem! San ka pupunta?" tanong sakin ng asungot "Malayo sayo!" tapos nagpatuloy na ko sa paglalakad. Papahangin lang ako dun sa labas, sa may parteng swimming pool. Masarap yata dun eh! Bakit ganon? Parang ang saya na yata ng mga kaibigan ko. Si Nix, boyfriend si Ace. Si Ria, nagkakamabutihan na sila ni Jae. Ganon din si Myx kay Ken. Si Gab, ewan ko lang. pero mukhang may papatunguhan din yun eh! Tsk. Ako? Eto nganga padin! Haayy. Buhay! Parang Life "Ang lalim ng iniisip mo ah" napalingon ako. At tama ako -___-" yung asungot na naman "Bakit nakasunod ka dito?" tanong ko sa kanya "Naglakad. Malamang" "Tsk" "Hahaha. Di ka pa rin talaga nagbabago" "Madami nang nagbago" mataray kong sabi sa kanya "Madami ngang nagbago. Pero ikaw pa din ang Jem na kilala ko. Yung Jem na minahal ko dati" "Ano ba! Pwede ba! Past na yun at ayoko ng balikan" tatayo na sana ako. Kaso pinigilan nya ko "Jem. Let's talk" seryoso nyang sabi "Talk about what? Wala na tayong pag-uusapan" "Please?" "Okay. Fine!" Umupo kaming dalawa sa Bench. "Jem. Seryoso na ko ngayon. Please? Pagbigyan mo naman ako" "Ayoko" "Bakit naman?" tanong nya "Ayoko na kasing masaktan. Masakit kasi" "Bakit? Sasaktan ba kita?" "Bakit hindi? Once mo nang ginawa sakin yun at pwede mong gawin ulit sakin yun" "Paano kung sabihin kong. Hindi ko na gagawin sayo yun? Na hindi na kita sasaktan? Hindi na kita papaiyakin? Pagkakatiwala mo ba ulit yang puso mo sakin?" Seryoso? Gagawin nya talaga yun? "Pwede" "If you say so. Paghihirapan ko. Kukuhain ko ulit ang pagtitiwala mo at ibabalik ko yung dating tayo" nag-nod lang ako sa kanya "Pero bago yun. Pumayag kana muna na maging Date ko" sabay ganon? Tsk. Ayos din toh eh noh? "Mukha mo" "Pag di ka pumayag. Itutulak kita dyan sa swimming pool" nakasmirk nyang sabi. Luh? O_o s*****a talaga toh! "Oy! Wag naman" "Payag kana?" tanong nya ulit "Ayaw" "Okay" binuhat nya ko tapos sabay kaming tumalon sa swimming pool. "Gago!" sigaw ko. Nakalunok pa ko ng tubig "Hahahaha. I know you Jem" pang-aasar nya sakin "Hoy! Wag mo kong bibitawan! Alam mo namang hindi ako marunong lumangoy eh! Papatayin kita!" pagbabanta ko sa kanya "Hindi kita bibitawan kung i-kikiss mo ko" sabay nguso nya "Mukha mo! Ano ka sinuswerte?!" "Ayaw pa?" unti-unti nya kong binitawan "Max naman eh!" "Sige na kasi" "Ayoko nga kasi!!" pagmamatigas ko parin "Okay" tapos binitiwan nya ulit ako. Isang kamay ko na lang ang hawak na at lumulubog-lubog na ko "Max!!" sigaw ko "Ano?" "Wag mo kong bitawan!" "Then do it! Kiss me" "Tsk." "Ayaw mo talaga?" "Okay Fine!" pagkasabi ko nun. Agad nya kong hinila at hinalikan sa lips. "Namiss ko toh Jem" sabi nya sakin "I miss you too Max" tapos ako na ang kumiss sa kanya. Pagkatapos ng scene na yun. Ini-ahon na nya ko "Okay na tayo?" tanong nya sakin "I think so" "Thank you Jem" tapos niyakap nya ko ng mahigpit. Aaminin ko! I really miss this man. Kahit na ang dami nyang ginawa sakin before isang halik nya lang sakin. Humuhupa na ang galit ko sa kanya. Sana ganito na lang kami. Kung panaginip tong nangyayari. Sana di na ko magising dahil mas gugustuhin kong ganito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD