(Ace's POV)
Hahaha. Natatawa pa din ako pag naaalala ko yung mukha ni Nix. First kiss nya kaya yun?
"Para kang tanga dyan. Ngingiti-ngiti ka! Share mo na yan" sabi ni Max. Nakabalik na pala ako sa bahay ni Ken at si Nix? Wala pa. Nakatulala pa din yata yun dun sa playground eh! Hahaha.
"It's none of your monket business bro!" sabi ko sa kanya sabay upo sa couch
"Daya! Di mo talaga sasabihin?" K.Fine! Mangungulit lang toh eh!
"Oo na. Sasabihin ko na. Makinig ka huh?" nag nod naman sya at parang bata na nakikinig sa Story telling "I kissed her" proud kong sabi
"Who?"
"Si Nix"
"Hindi nga?" di nya makapaniwalang tanong. Hahaha, sabi na! Magugulat toh
"Yep. Kanina lang. Nagulat pa nga sya sa ginawa ko eh! Mukhang first pa yata" natatawa-tawa kong sabi
"Hahaha. Hanep ka talaga bro! Yan ang gusto ko sayo eh!" tapos tinapik nya ko "Pero teka lang! Pumayag na ba sya na maging date mo sya?" tanong nya ulit
"Naman!"
"Sige. Magpakasaya ka lang dyan! Didiskarte muna ako kay Jem. Gusto ko syang maging Date eh!" paalam nya sakin
"Ge lang" nabalik naman ang mata ko sa panonood ng t.v. By the way, ano na kayang nangyari kay Nix? Hahaha. Di ko talaga makalimutan yung mukha nya kanina. First kiss nya ba yun? Siguro naman hindi. Pero mas matutuwa ako kung first time nya yun.
(Ken's POV)
Sa wakas! Napapayag ko na din si Myx maging partner ko sa Acquaintance. Ansaya lang!
FLASHBACK >>
"Uy Mad!" tawag ko kay Myx
"Hindi Mad ang pangalan ko! Madison Yvonne Xhiena ang tama" pagtataray nya
"Galit ka pa din ba?"
"Hindi"
"Weh?"
"Sabing hindi nga eh!" irita nyang sabi. Hahaha. Hindi daw eh! Pero halata naman sa kanya na naaasar na sya
"Usap nga tayo seryosohan" pagkasabi ko nun at inikot ko yung upuan paharap sakin. Pinaglalaruan nya padin kasi yung desktop ko eh
"Oh? Ano namang pag-uusapan?" Nyee? Galit pa din sya
"Pwede kang maging date?" straight kong tanong
"No" tapos inikot nya ulit yung upuan paharap sa desktop. Ang kulit! Inikot ko ulit paharap sakin yung upuan nya
"Please? Sige na Myx"
"Ayaw!" pagmamatigas nya
"Ano ba yan! Lugi ka pa? Makakadate mo ang isang Keith Enzo Niel? Isang gwapong nilalang? Oh c'mon!"
"Kapalmuks ka din noh?"
"Hindi naman sa ganon pero sinasabi ko lang yung totoo. Pasalamat ka nga! Kahit hindi ka kagandahan pinapansin kita eh! Tsk." sabi ko sa kanya. Nyay! Parang nalait ko yata sya dun ah. Sana di magalit!
"Ha-ha-ha" sarkastiko nyang tawa "Hoy! Ken Diaz! Hindi mo magiging Date ang isang Madison Yvonne Xhiena! Dahil tong dyosa na nasa harap mo ay mahirap mapapayag!" Weh? Sya mahirap mapapayag? Talaga lang huh?
"Talaga? Tignan lang natin!"
Binuhat ko sya papunta sa kama at nilagyan ko ng tape yung kamay na pati yung paa nya. Hahaha XD May gagawin ako! At alam ko na papayag sya pag ginawa ko yung binabalak ko ..
"Ken!! Ano ba! Tanggalin mo nga tong mga tape na nakakabit sakin! Bobo ka talaga!" sigaw nya. Pumunta ako dun sa pinto ng kwarto ko at nilock "Hoy Ken! Anong gagawin mo sakin?" kabado nyang tanong
"Ano bang gusto mo?" malambing kong sabi habang papalapit sa kanya
"Sheett ka!! Tanggalin mo na toh!"
"Pumayag ka munang maging partner ko sa Acquaintance"
"Ayoko nga kasi eh! Bakit ba ang kulit mo?!" sigaw nya
"Ayaw mo talaga? Ikaw bahala" Sinimulan ko na yung balak ko sa kanya
"Hahahaha .. Ken!! Hahahahaha. Tama Hahahahaha. Na!! Ayo Hahahahaha Ko Hahaha Na!" hindi na sya makapagasalita ng ayos kasi di ko sya tinitigilan. Kinikiliti ko lang naman yung tuhod nya XD
"Pumayag kana muna" utos ko sa kanya
"Ayo Hahahahaha Ko Hahahahaha. Ano!! Hahahahaha." tawa padin sya ng tawa. Pulang-pula na nga yung mukha nya eh! Pawis na pawis pa. May aircon naman dito. Eh?
"Ayaw mo talaga huh?! Sige lang! Magmatigas kapa!" tapos mas kiniliti ko pa sya
"Hahahahhahaha. Ta--ma Hahahahaha. Oo na!!" tumigil ako saglit sa ginagawa ko. Tama ba yung narinig ko?
"Payag kana?" tanong ko sa kanya
"Oo na nga! Pakawalan mo lang ako dito" sabi nya na hahabol-habol sa hininga
"Sure? Wala ng atrasan?" paninigurado ko
"Oo nga! Payag na ko. Kesa naman mamatay ako sa kakatawa" agad ko namang tinanggal yung tape sa kamay at paa nya ..
"Ouch!" sigaw nya pagkaalis ng tape sa kamay nya
"Hala! Bakit?" tanong ko sa kanya tapos kinuha ko yung kamay nya. Nakita ko na may gasgas. Siguro nagasgas toh nung tape. Ang higpit kasi ng pagkakalagay ko eh! Tapos pinipilit nya pa kaninang tanggalin. Shet! Nasaktan ko yata sya "Masakit?" tanong ko sa kanya. Pero obvious naman yata na masakit! Dumudugo nga eh. Tanga ko talaga
"No. Ayos lang ako" sabi nya sabay bawi ng kamay nya
"Wait lang!" tumayo ako saglit at kinuha ang first aid kit sa ilalim ng kama ko. "Gagamutin ko yang sugat mo" kinuha ko ulit yung kamay nya pero pagtingin ko wala na yung sugat. San napunta yun? kinuha ko din yung isa nyang kamay tapos tinignan ko. Wala na ding sugat. Eh? Ano yun nag magic?
"Nasan na yung sugat mo?" tanong ko sa kanya
"Huh?! Meron ba? Ang alam ko namula lang yung kamay ko pero walang sugat" sabi nya sakin. Namula lang? Pero nakita ko talaga kanina eh! May dugo sa may bandang pulso nya. Anong nangyari dun at nawala?
"Hahaha. Hayaan mo na nga! Namalikmata lang siguro ako" sabi ko at ibinaba na yung first aid kit.
"Siguro nga! Gutom lang yan! Tara kain na tayo!" hinila nya naman ako papunta sa Sala kung san nandun yung iba pa naming member. Nakakapagtaka yung nangyari kanina! Nakita ko talaga yung dugo sa pulso nya eh! Pero siguro nga gutom lang yun. Hayaan na lang
END OF FLASHBACK >>
Nandito kami ngayon sa may Dining Area at kumakain ng Meryenda. Hapon na din kasi. Pinagmasdan ko lang ang lahat. Si Jae kausap si Ria, Si Max parang nag-aaya yata kay Jem na maging date, buti pa ko meron na! Si Xiv patay malisya kay Gab pero nahuhuli kong sumusulyap, Si Ace? Nakangiti lang habang nakatitig dun sa cake na kinakain nya. Problema nun? Adik yata yun XD pero pansin ko lang. Wala yata si Nix. Haayyss, hindi ko na papansinin yun! Basta ako masaya lang XD The End! Nyee~
(Myx's POV)
One word! SHEEEEEETTTTTT!!! Muntikan na ko kanina ah! Haayys. Buti di nya pinansin, ang tanga kasi ng sugat ko sa pulso eh! Naglihom bigla. Alam kong nagtaka si Ken kung pano nangyari yun. Pero sana naman hindi na nya maalala yung nangyari kanina.
"Nasan nga pala si Nix?" tanong ko sa kanila. Napansin ko kasing sya lang yata ang wala dito
"Nasa playground pa yata" sabi ni Max
"Huh? Bakit nasa playground?" takang tanong ni Gab
"Naiwan ko dun" sagot ni Ace. Ano?! Naiwan nya? Ano si Nix. Laruan?
"Hoy! Bakit mo iniwan si Nixxy dun?" sigaw ni Jem
"Di ko iniwan, ayaw nya lang talagang sumama" sabi ni Ace sabay subo ng Cake.
Maya maya. Biglang bumuhos ang ulan ..
"Shet! Si Nix!" sigaw ni Jem
"Dyan lang kayo! Ako na ang pupunta kay Nix" aalis na sana si Ria ng may magbukas ng pinto
O___O ~> reaction naming lahat
"Nix!" sigaw namin
Agad naman kaming lumapit sa kanya. Basang-basa si Nix ng ulan.
"Ayos ka lang?" tanong ni Rina sa kanya, ngumiti naman si Nix sa kanya. Lumapit si Ace kay Nix
"Tanga kaba?! Bakit ka nagpaulan?" sigaw ni Ace kay Nix
"Ace ano ba!" awat ni Jem
"Ha-ha-ha. Sino bang nang-iwan sakin sa gitna ng Playground? Di ba't ikaw?" nakasmirk na sabi ni Nix "Kasalanan mo toh Ace" galit na sabi ni Nix. Tumahimik naman si Ace at si Nix nagpatuloy sa paglalakad ng bigla syang bumagsak
"Nix!" sigaw naming lahat
"Tabi!" at hinawi kami ni Ace. Binuhat nya si Nix papunta sa isang kwarto. Akala ko wala syang Care sa girlfriend nya eh. Tsk.
Teka! Ano nga bang ginawa ni Nix sa playground? Paanong kasalanan ni Ace? Ang labo naman! Di ko magets.
"Myx" tawag sakin ni Ken
"Yep?"
"Mukhang hindi yata titigil ang ulan. Gabi na din oh! Dito na muna kayo matulog" Eh? Sa bahay ni Ken kami matutulog? Seriously?
"Huh?"
"Sabi ko. Magpalipas na muna kayo dito ng magdamag. Madami namang kwarto dito sa bahay ko eh. Tsaka safe kayong lahat dito" sabi nya
"Ah Okay. Sige" pumayag na lang ako. Kesa naman tanggihan ko pa. Ano na kayang nangyari kay Nix at Ace? Hmpt! Sana ayos lang si Nix.