Chapter Eleven - First day at Detention

1853 Words
(Gab's POV) Ilang buwan na rin ang nagdaan. Parang kailan lang, kung saan-saan kami napadpad at nagkalat pero ngayon nasa iisang lugar na lang kaming lima. Teka, anong oras na ba? Pasukan na namin ngayon sa school! Ang engot ko talaga! Nako, baka malate pa kami. Nakakahiya pa naman kung ganon. Nasaan na ba yung apat? Bakit ang tahimik naman yata sa ibaba? Bumaba muna ako saglit para hagilapin kung nasan na sumuot yung mga mababait kong kasama. "Hoooooy! Kayong apat! Nasan na ba kayo? Magpakita nga muna kayo sakin bilis!" sigaw ko at tsaka naman sila nag unahan papunta sakin. Sino pa bang mauuna sa tingin nyo? Eh di si Jem. Alam nyo na yata ang dahilan kung bakit? Haha. Mas mabilis sya samin eh. "Omg! May sunog ba?" tanong ni Jem sakin. Ang OA talaga ng isang to. Sunog? Hindi naman kami mahilig magluto at si JN lang taga luto namin. Never pang naging epic fail sa pagluluto yun. Teka, nasan si JN? "Baka may kasalanan ka Jem! Hala ka!" sabat naman ni Nix. Hmm, kung tao lang ako na highblood? Nako, malamang sa malamang. Tumaas na dugo ko hanggang sa ulo dahil sa dalawang to. Well, meron naman talagang may kasalanan. Silang apat lang naman. "Bakit nga pala Gab? Anong meron?" tanong ni Myx at talagang hindi rin matandaan? Nako naman. Ako lang yata ang responsable rito eh "Alam nyo ba kung anong araw ngayon?" seryoso kong tanong sa kanila. Lahat sila nag iisip ng isasagot sakin. Dapat maalala nila kung anong araw ngayon. "Monday!" they said in chorus.. Buti alam nilang monday ngayon. Pero di talaga nila maalala na first day of class ngayon "Oh tapos? Kung monday? Ano na?" sabat ni Ria Jusmiyooooo! Hindi talaga nila maalala na school day na ngayon. "First day of school ngayon!!" sigaw ko sa kanilang apat Alam kong nabigla sila sa sinabi ko dahil kanya-kanyang takbo ang bawat isa papunta sa kwarto nila. Pati ako nagready na rin. After ilang minutes natapos na rin naman kaming lahat sa pagpeprepare. Ang ganda namin. Hihi, ang cute rin kasi ng uniform eh. "Hey! Commute ba o takbo?" tanong ni Myx Well, oo nga noh? Di pwede ang takbo dahil masisira ang beauty namin. Kung takbuhan ang labanan. Sure akong si Jem na ang panalo. Late kami kapag nagkataon. "We need a car" Ria said habang ngumunguya ng gum. Ohh, kailan pa sya natutong kumain ng pantao? Well, that's great! Di nga lang rice. Hahaha. Hayaan na. Matututo rin sya balang araw. "Car ba kamo? C'mon! Ride with me girls" Napatingin kami kay ... JN? Thanks naman at nandito sya. Buti talaga at boy scout ang isang to. ALWAYS READY "Hey! Saan ka nadaan? Bigla ka na lang sumusulpot eh! Para kang kabute" sabi ni Nix habang kumakapit sa braso ni JN. Halatang type ni Nix si JN ah. Well they're both single. Pero a big NO. We're immortals at bawal ang love na yan samin "Stop it. Let's go na!" sabay hila ni Ria kay JN. Smell something fishy Sumakay kami sa kotse ni JN. Malaki at kasya kaming lahat. Astig! Nasa passenger seat si Ria. Sa likod ako at si Myx. Sa likuran namin si Jem at Nix. As usual, ang ingat nung dalawa. After an hour, nasa parking area na kami ng school. "Here we are. Mauna na kayo girls. Susunod nalang ako. Park ko lang ang kotse" sabi ni JN at ngumite samin. Cuteee. Di ako magtataka kung isa samin ay mainlove sa kanya but wait ... NO! Di talaga pwede. As in BAWAL. "Thanks sa ride JN" sabi ko then tumalikod na Habang pumapasok kami sa campus pinagtitinginan kami. Transferee kami kaya parang naninibago lang sila sa amin. pero iba ang tingin nila eh! Para bang galit? Well, who cares? Lamunin namin sila eh! Rawr! "Ahh guys .. Bakit ganyan sila makatingin satin?" tanong ni Myx "Aba! Ewan ko. Magkakasabay nga tayo diba?" pilosopong sagot ni Jem "I don't need your opinion Jem!" sabi ni Myx "Bakit ka nagtanong kung 'YOU DON'T NEED MY OPINION?" pang-aasar ni Jem "Shut up! Will you?" singit ni Ria "Hayaan nyo lang sila. Ganyan talaga pag magaganda. Pinagtitinginan" sabi ni Nix sabay tawa naming apat. Sa corridor kami dumaan para di na kami masyadong pagtinginan. But suddenly ..... "KYAAAAAAAHHH!!!" Omg! Wow. What was that? Anong meron at may sigawan? Para bang kinikilig? Well, wala kaming pakialam. Malay ba namin kung trip lang nilang magsigawan diba? "KYAAAAAAAHHH!!! OMG!! AYAN NA SILA!" Ano ba't puro sigawan? Ang sakit sa tenga eh! Maawa naman sila sa mga eardrums namin! "Ano bang meron?" tanong ni Ria "OMG! The five prince!" sabi ng mga estudyante Limang prinsipe? Sounds familiar. Hmm, saan ko nga ba narinig yun? Five prince? Five prince? Parang akong tanga rito na nag-iisip kung sino o ano ang five prince. OH MY BLOOD! Hindi pa ko matanda! Pero bakit di ko maalala? "I LOVE YOU FIVE PRINCE!!!" sigaw nung mga estudyante. Duh? I love you raw! Nilingon namin kung anong kaguluhan ang meron and I'm surprise! Nasa harap na pala namin sila. Great! Just great! "Tabi nga! Ang laki nyong harang" sabi ni .. Xiv? Paano ba naman nasa gitna kami ng corridor. Pero wala talagang modo ang lalaking to! Kahit kailan eh! Kung mag-eexcuse pa sana sya. Baka pinadaan na namin sila. "Hoy! Gago! Sino ka para pagsalitaan kami ng ganyan? Ang laki ng daan oh! Ang dami nyong pwedeng daanan at talaga namang dito pa ang gusto nyo? Aminin mo. Nananadya kaba? Di ka parin makaget-over sa suntok thingy?" Maagas ko na sabi. Sana umubra. Tama naman ako diba? Sa dami naman kasi ng pwedeng daanan. Bakit dito pa? Oh c'mon! Don't you dare ruin my day Gagong XIV. "What did you call me? Gago? As in G A G O? Tsaka yung suntok? Swerte ka lang nung time na yun" galit na sabi nya. Wow! Umubra naman. Hahaha, so kailangan i-spell? Para namang di ko alam ang spelling ng gago? "Oo! GAGO. I. K. A. W. Hindi mo alam ang spell ng gago? Simple lang naman ah! Tingin ka sa salamin at makikita mo ang spell ng gago. Ohh, aarte pa?" sabay ngisi ko sa kanya *Bell Rings* "Pasalamat ka at niligtas ka ng bell" he said then humakbang palayo kasama ang mga alipores nyang Co-Gago. Ang sabihin nila, takot lang sila. After ng eksena na ginawa namin. Ang daming babae na bulong ng bulong. Bubuyog lang? Ganon? "SALAMAT!" sigaw ko kay Xiv. Ewan ko kung narinig nya "Who are they? Ang lakas ng loob para awayin ang mga prinsipe natin!" sabi ni girl 1 "Yah right! No class pa naman. Tss" sabi naman ni girl 2 "Hey! Mga hipon. Anong sinasabi nyo?" singit ni Ria sa usapan nila "Aaah .. Wa-walaa. Let's go girls" sabi ng mga hipon at nagtakbuhan na paalis "Tss, kapal ng mukha ah! Mga hipon lang naman" gigil na sabi ni Ria "Ah alam ko yan! Hipon means ... tapon ulo, kain katawan! Hahaha, yun yung mga taong maganda ang katawan pero ang shonget ng feslak" sabi ni Nix sabay tawa "TAMA" sabi naman ni Jem "Tayo na girls! Magsisimula na yata" sabi ni Myx tapos umakyat na kami sa 4TH FLOOR?!? Damn it! Ganon kataas ang aakyatin namin? On going pa raw ang pag-aayos sa elevator. Ugh, kainis! *At the room* "Takte! Late na pala tayo" sabi ni Myx "Naman eh!" -Nix Nasa pinto na kami ng room namin. Nakatayo lang. Nakita naman kami ng adviser namin. Mukhang mabait naman si ma'am. Hope soooo. "Kayo ba ang mga transferee?" she asked us "Yep" sagot naming lahat "Ma'am, mukhang naliligaw yata sila" sigaw ni Jae. Yeah, yung Jae yung 2nd prince. Malas noh? Classmate namin sila. "Pasok kayo girls, Magpakilala kayo sa buong klase. Then after that dun kayo sa likuran umupo. May five vacant seats dun" sabi ng adviser namin "Thanks ma'am" sabi ko Nagsimula naman kaming magpakilala ... "Hi! I'm Gab. For short nalang .." "Ria .. Myself" "Myx here!" "Hellooo. I'm Jem" "Hi everyone! I'm Nix" Astig namin magpakilala diba? Hahahaha, masyado kasing mahaba ang mga pangalan namin. Well, hindi naman sila bobo diba? Para di magets? "You may go to your seats" sabi ni ma'am at nagsimula na sya sa pagdidiscuss "Blah-- blah--" Haaay, ang boring pala rito. Inaantok tuloy ako "Ma'am! Si Gab natutulog!" asdfghjkl! Gagong XIV! Hindi naman ako natutulog! Letche! Patay ako nito eh! Baka magkarecord pa ko ng wala sa oras "No ma'am! He's lying!" pasigaw kong sabi "No ma'am! She's the one who's lying here" tapos nginisian pa ko "Tama si Xiv, ma'am" singit ni Jae. Aba! Isa pa to. "Mali si Jae" si Ria naman. Nakisali na rin. "Si Ria ang mali! Believe us ma'am" singit ni Max. Wow! Just wow! Para lang sa isyu na di totoo. May war na agad? Si ma'am naman palipat-lipat na ng tingin samin. Magsasalita si Myx, dun sya titingin. Magsasalita rin si Ken at titingin na naman sya then kay Nix at Ace. Naliliyo na yata si ma'am. Ang g**o! "Shut up! Kayong sampu! Go to the faculty! Sa detention kayo! Hanggang uwian. Goooo!" Ay nyeta! First day of class. Detention. Saklap naman *Detention Office* Tahimik lang kaming pumasok. Nasa dulo kami at nasa dulo rin ang boys. Sarap sapak-sapakin ng mga to eh! Kasalanan nila to eh! Sabi na nga ba eh! Masisira ang araw ko dahil sa mga hinayupak na to. Tss. "Kasalanan mo to Gab! Kung hindi ka lang kasi natulog hindi sana tayo nandito ngayon" sabi ni Xiv. Aba! Loko to ah! Ako pa raw ang may kasalanan? Sya nga tong nagsumbong ng hindi naman totoo. Grabe lang! "Hoy! Para sabihin ko sayo! Ikaw ang may kasalanan ng LAHAT!" sabi ko. Tama Gab, labanan mo lang. Peste sya eh "Tama na nga yan! Para kayong aso at pusa! Wala na tayong magagawa. Nanduto na tayo, kaya't manahimik na lang kayo pwede?" sabi ni Myx "Yang pusang engot na yan ang dapat pagsabihan nyo" sabi ni Xiv. Ako? Pusa? Engot? ANO?!? ENGOT!? "Bakit ako? Ikaw kaya dyan! Asong gago. Yan nga!! Akala mo mananahimik lang ako dito? Neknek mo pre!" sigaw ko sa kanya "Tama na Gab" sabi ni Jae. Isa pa tong asungot na to "Tumahimik kang tukmol ka! Wag kang mangialam sa kanila" sigaw ni Ria. Go Ria!! Awayin mo para di ako nag-iisa "Bakit ba napakademonyita mo?" tanong ni Jae kay Ria "Pakialam mo?" sagot ni Ria. Hahaha, war na kung war. Basta di kami papatalo sa mga to. "Tama na nga yan sabi eh! Para kayong mga bata" sigaw ni Nix "Nasa detention na tayo. Gusto nyo bang hanggang umaga tayo dito? Kung hindi. Pwes, pwede ba magpakabait na muna kayo? Kahit ngayon lang" sabi ni Myx. Yeah, may point naman sya. Kahit ilang oras din kaming natahimik. Nabubwiset parin talaga ako sa Xiv na yun! May araw ka rin sakin gago ka. Argh! Basta asar parin talaga ako sa kanya. Ewan ko kung bakit. Siguro dahil ang yabang yabang nya! Basta! Ang sama ng ugali nya. Kasing panget ng panget sa buong mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD