Chapter Ten (2nd half) - At the mall with my girlfriend

1524 Words
(Xiv's POV) "Babe, nagpaalam pala ako kay mom na sa bahay mo muna ako matutulog ngayon. Pinayagan nya naman ako. So, makikitulog ako sa bahay mo ha?" sabi ni Yas habang kumakain ng pizza "Ha? Pero babe. Hmm, kasi ano. Matutulog kasi sila Ken sa bahay mamaya eh! Tapos matutulog ka rin sa bahay? Ng ikaw lang ang babae? Hindi naman ako papayag nun baka kasi kung ano ang gawin sayo ng mga gagong yun. Alam mo naman yata ang mga ugali ng mga tukmol na yun diba?" sabi ko sa kanya "Pero, Xiv.. Ngayon lang naman eh! Tsaka, pumayag na nga si mom eh! Sige na?" "Hindi talaga pwede, Yas. Alam mo na, baka may ibang gawin sayo yung mga mokong na yun. Alam mo naman na concern ako sayo, diba?" "Pero, kilala naman ako nila Jae, Ace, Ken at Max ah! Hindi naman yata nila gagawin sakin yung mga sinasabi mo?" nakapout nyang sabi "Trust me, Yas. Hindi mo pa kilala yung mga yun" "If you say so. Sige na nga, next time na lang" malungkot nyang sabi "Oh, bakit ganyan ang mukha mo?" "Kasi naman eh! Minsan na nga lang, hindi pa matutuloy" pagmamaktol nya "Okay lang yan. May next time pa naman diba?" "Oo na! Basta pag dumating ang time na yun. Matutuloy na ang pagtulog ko sa bahay mo. Sana" "Okay, kumain kana muna dyan" Haaay, naubusan ako ng palusot dun ah! Si Miya naman kasi eh! Matutulog din sya sa bahay at nauna na kong naka-oo sa kanya. Kaya sya muna ang pagbibigyan ko. Next time na lang si Yas. May next time pa naman eh. Oy, di ako babaero ha? Sadyang lapitin lang talaga ng mga babae. Alam nyo na? Gwapo eh! "Babe?" tawag ni Yas sakin "Yes? Ano yun?" "Hmm, labas ulit tayo bukas ha?" "Saan naman tayo pupunta?" "Basta! Ako na ang bahay dun. Sama ka na lang" sabay kindat nya sakin "Sige, payag naman ako! Basta ikaw" at hinawakan ko ang kamay nya (Yas's POV) Nandito kami ngayon ni Xiv sa mall. Ayaw nya kasi dun sa bahay nya eh. Ano kayang meron dun? Wala naman kasi kamingn gagawin dito sa mall eh. "Babe, punta tayo dun oh! Bibili kita ng teddy bear" sabi nya sakin. So, tumango na lang ako para malaman nyang oo ang sagot **Hear at bear's store "Ano bang gusto mong color?" tanong ni Xiv sakin habang namimili sa mga bear "Di mo alam ang favorite color ko?" taka kong tanong sa kanya "Eh kasi nakalimutan ko. Wait lang, blue ba?" "Hindi" "Yellow?" "Hindi" sagot ko sa kanya habang nakapoker face "Violet?" tuloy-tuloy parin sya sa panghuhula "Hindi rin" "Pink?" "Yung totoo? Alam mo ba talaga?" tanong ko "Hehehe. Eh ano ba?" "Pati ba naman ang favorite color ko. Favorite color natin, nakalimutan mo? Baka naman pati anniversary natin nakalimutan mo rin?" medyo naiinis na ko. Lahat na lang kasi kinalimutan eh "Hindi ah! Nagkataon lang. Nakalimutan ko lang naman ang color na favorite mo eh! Sa dami na rin kasi ng iniisip ko, diba? Tsaka, bakit ba pati anniversary natin sinasali mo? Hindi ko naman makakalimutan yun noh!" "Then, tell me. Anong anniversary natin?" tanong ko sa kanya "Hmm, September 4?" "Hindi" what the heck? Seriously? "September 9?" "Hindi rin" "Ano ba, Yas?! Ano nga ba ang anniversary natin?" "Tignan mo! Pati anniversary natin kinalimutan mo! Ano ba namang boyfriend ka?" sabay talikod ko pero bago ako maglakad palayo. Nagsalit muna ako "Nga pala! September 11 ang anniversary natin. At 3 years na tayo. Baka nakalimutan mo" sabi ko at tuluyan nang umalis **At the park Dito muna ako. Naguguluhan kasi ako eh! Hindi ko alam kung mahal ba talaga ako ni Xiv pero kung nya naman ako mahal, hindi naman kami aabot ng 3 years diba? Pero bakit parang nagbabago sya ngayon? Baka naman may nahanap na suang iba tapos hindi nya na ko mahal. Haaay, wag naman sana. Kasi hindi ako mabubuhay ng wala sya. "Miss?" teka parang may humawak sakin ah! Agad ko namang nilingon "Oh bakit? Wait! Dylan?" "Ah, ikaw pala yan Yas. Akala ko naman kung sino. Nakasubsob kasi yang mukha mo sa tuhod eh! Ano nga palangn ginagawa mo rito? At bakit dyan ka sa damuhan nakaupo? May mga bench naman ah" "Ah, hayaan mo na lang ako Dylan. Nag-eemote lang naman ako" nakangiti kong sabi "Tss, plastik ng ngiti mo! Halatang may problema. Ano ba yun? O sino ba yun?" sabay upo nya sa tabi ko "Wala nga. Wala lang yun! Wag mo na kasing alamin" "I know meron. Si Xiv na naman ba?" seryoso nyang tanong "Ha? Paano mo --" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko kasi nagsalita na sya ulit "Paano ko nalaman? Sa tuwing magkikita tayo, lagi kang ganyan eh! At alam kong laging si Xiv ang may kagagawan. Then, tell me. Ano na naman ang ginawa nyang kalokohan?" nag-aalala nyang tanong "Wala lang yun Dylan. Naghinala lang talaga ako. Pero di ko alam kung totoo ang hinala ko. Para kasing may mali sa kanya eh!" "Katulad naman ng?" curious nyang tanong sakin "Katulad ng .. nakalimutan nya ang anniversary namin which is malapit na" "Baka naman may problema lang si Xiv ngayon" "Tell me, may nababanggit ba sya sayo?" tanong ko habang nakatingin sa mata nya "Wala naman syang nasasabi sakin eh!" "Alam kong alam mo yung bagay na yun na pinoproblema ni Xiv" "Wala talaga, Yas. Kasi kung meron man sasabihin ko agad sayo" nakangiti nyang sabi sakin "Talaga?" "Oo naman, kaibigan na rin kasi kita eh" "Salamat talaga sayo, Dylan" sabi ko sa kanya at may lumapit na babae samin "Hello best!" sabi nung babae kay Dylan sabay ngiti samin "Ah, Claire. Ikaw pala yan! Si Yas nga pala" pagpapakilala sakin ni Dylan "Hello, Yas! Ako nga pala si Nixxieannie Claire. But you call me, Claire" sabay lahad nya ng kamay nya "Hello din sayo, Claire. Nice to meet you" sabay abot ko sa kamay nya at nakipagshakehands "Familiar ang name mo sakin. Wait, isipin ko lang kung saan ko narinig" "Ha? Pero Claire--" Naputol yung sasabihin ko kasi nagsalita na sya. Uso yata ngayon ang putulan ng line. Kainis lang. "Ah yeah! Ikaw nga si Yas. Nakwento kana sakin ni Dylan eh! Sabi nya, kasamahan ka raw nya tsaka si Dylan nga pala ay may --" di nya nya natuloy ang sasabihin dahil biglang nagsalita si Dylan "Claire ano ba!" sigaw ni Dylan "Opps! Hahaha, wala pala yun, Yas" sabay hawak ni Claire sa bibig nya "Ha? Ano ba yun? Share nyo naman sakin" sabi ko sa kanilang dalawa "Wala lang yun, Yas. Nakwento ko lang naman kay Claire na kasamahan kita at ikaw ang girlfriend ng leader natin" sabi ni Dylan "Ah, ganon ba? Hahaha, akala ko naman kung ano na" "Sige, Yas! Mauna na kami ng bestfriend ko ha? May bibilhin pa kasi to eh! Umuwi kana din bago kapa abutan ng dilim at wag kang mag-alala. Pagsasabihan ko si Xiv" sabay tayo nya "Okay sige! Salamat sa time mo at sayo rin Claire. Sana may time tayong magbonding" "Sure, eto nga pala ang number ko. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka pag may lakad ka at dadating ako. Wag kang mahiya sakin. Dahil kaibigan ka ng bestfriend ko, kaibigan na rin kita" nakangiti nyang sabi Inabot ko naman ang card na iniabot nya na naglalaman ng number nya "Sige, Claire. I'll call you later" Pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa, umalis na rin sila. Ako naman, naiwan na mag-isa dito sa park. Napapansin ko lang. Bakit parang ang daming misteryo dito? Naguguluhan din ako eh! Ano kaya yung gustong sabihin sakin ni Claire? At bakit ganon ang reaction ni Dylan nung sasabihin na sana sakin ni Claire yung bagay na yun? Ugh, ang g**o! Ayoko na talagang mag-isip ng kung ano-ano, maiistress lang ako. (Nixxieannie Claire's POV) Muntik pa akong madulas kanina eh! Kasi naman eh! Hindi ko naman alam na hindi pala alam ni Yas yung tungkol sa secret ni Dylan. "Ang daldal mo din eh!" sabi ni Dylan sakin habang naglalakad kami "Eh, akala ko kasi alam nya. Malay ko ba?" "Hindi nya nga alam yun dahil hindi ko masabi" sabay hawak nya sa buhok nya "At bakit hindi mo masabi?" "Kasi nga boyfriend nya ng leader namin, diba?" sabi nya sakin "At bakit boyfriend nya leader nyo?" "Claire, ano ba?! Asdfghjkl naman oh! Bakit kasi wala akong lakas ng loob?" "Hahaha, you know what?" natatawa kong sabi sa kanya "Ano na naman?" pasigaw nyang sabi kaya nagtinginan yung mga taong naglalakad "Nakakatawa ka best! Hahaha." sabi ko kay Dylan "Sorry po" sabi ko sa mga dumadaan "Alam mo best! Ngayon na nag-eemote sya ngayon, i-comfort mo sya para maappreciate nya yung concern mo at malay mo magkaroon ka ng chance na sabihin sa kanya yun" sabi ko kay Dylan sabay kindat ko "Bahala na! Sige, babye na!" sabi nya "Okay" Naghiwalay na kami ng way ni Dylan. Hahaha, ang bestfriend ko umiibig na! Oo, mahal nya si Yas pero di nya maamin kasi nga natatakot sya sa leader nila. Tss, sayang naman! Ang torpe kasi eh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD