Mikaela POV
Nang makahulma ay mabilis ko itong itinulak.
May ngisi naman sa mukha nitong binalingan sya.
"That's your punishment, Mikaela. At kung magtatangka ka paring magtanong o tulungan ang isang taksil. Mahigit pa dyan ang kaparusahan mo. Naiintindihan mo ba?"
Wala sa sariling tumango sya habang nakayuko.
May ilang butil na ng luha ang pumatak sa mga mata nya.
Mabilis itong naglaho sa kanyang harapan at naiwan syang naguguluhan.
Nasasaktan sya.
Hindi dahil sa ginawa nitong paghalik kundi dahil sa paraan ng paghalik nito sa kanya.
Marahas yun at walang pag-iingat.
Pakiramdam nya nabastos sya.
Napangiti sya ng mapakla.
"Ganun pala kasakit ang parusa na yun? Mas masakit pa kapag sinaktan ka physically."
Mabilis syang pumunta sa kwarto nya.
May natitira pa namang bulaklak sa kwentas nya.
Kaya pwede pa syang tumira ngayon sa kwarto nya at kumain ng pagkaing gusto nya.
"Hoy? Anong nangyari? Bakit galit-galitan yata ang mukha ng Prinsipe. May LQ kayo?"
Inirapan nya ito.
"LQ ng mukha mo!"
Natawa naman ito sa haba ng nguso nya.
"Balita ko may nilabag ka daw na batas? Really? Ang perpektong katulad mo na nabubuhay sa rules. Kayang gawin yun?"
Natawa sya.
"Isang marites ka narin pala ngayon, Michelle? I didn’t know a boyish like you can be like that."
Pang-aasar ko dito.
Binisita sya nito sa kwarto nya para lang asarin sya kaya para quits.
Mang-asar nga din.
Pinalo sya nito sa sinabi nya.
Ang bilis talaga mapikon.
Iling nya.
"Ladies, sorry sa istorbo. Pero, can i talk to you, Mikaela?"
Putol sa kanilang pag-uusap ng Prinsipe.
Mabilis namang tumango at umalis ang kakambal nya kaya naiwan silang dalawa.
Tumayo sya at pumunta sa dako ng bintana.
Para kasi syang na su-suffucate pag nasa malapit ito.
"About a while ago.."
Umpisa nito habang papalapit sa kinaroroonan nya.
"I'm sorry sa ginawa ko. I should not do that to you. Nadala lang ako ng bugso ng damdamin ko at galit. Ayokong isipin mo na masamang nilalang ako."
Ngumiti syang humarap dito.
"Hindi mo kailangang humingi ng tawad, Prinsipe. May kasalanan din naman ako. Alam kong wala akong karapatang manghimasok sa problema ng iba o ng kaharian nyo. But i did it. Gusto ko lang talaga tumulong."
Hinging paumanhin ko rin dito.
"Ahm, Mikaela. Gusto ko sanang kalimutan nalang natin ang nangyari. Hope you will not give meaning to it. Lalo na hindi ako sigurado sa kung ano mang magiging resulta ng paligsahan. Pero kapag may something kana dyan sa puso mo. Mas mabuting wag mo nang ituloy habang maaga pa. Ayoko kitang masaktan dahil special ka."
Ito na naman ang puso nyang parang tinarak ng kutsilyo.
May nararamdaman na ngaba sya dito?
Pero bakit parang masyado yata syang affected sa sinabi nito.
Nakangiting tumango sya dito.
Umalis din ito agad pagkatapos magpa-alam sa kanya.
"Hahalikan nya ako ng ganun. Tapos kalimutan nalang? Your face! Tse!"
Inis na sabunot ko sa sarili ko.
Padabog akong humiga sa malambot kong higaan.
"Anong nagyayari sayo, Mikaela? Remember? Ikakasal kana. Diba, you promised? Na susubukan mong suklian ang nararamdaman ni Jordan sayo? Tapos ito kana naman."
Kausap nya sa sarili.
"I think I'm falling for you my mystery stalker."
"AHHHH!!"
Sigaw nya.
"Oh? May sunog ba? Ba't ka sumisigaw dyan?"
Mabilis na dating ng kakambal nya.
Mabilis syang napaupo ng makita ito.
Naguguluhang umiling.
Hinawakan ang laylayan ng damit nito na parang bata.
"Michelle..anong gagawin ko?"
"Hirap na hirap na ako.."
Tinaasan sya nito ng kilay.
"Oh? Ano namang problema mo? Himala at ngayon kalang ata humingi ng tulong sa akin."
Natatawa pa nitong sabi.
Kinagat nya naman ang dulo ng kuko nya.
"Eh--Kasi--"
"Eh, kasi--inlove ka ganun?"
kinunotan nya naman ito ng noo.
Kay mas lalong napahalakhak ito sa reaksyon.
"Hahaha. Wag mo akong bigyan ng ganyang mukha, Mikaela. Ang pangit mo. Hahaha."
Ang gaga tinawanan pa talaga ako.
"So paano mo nga nalaman? Kaylan pa?"
Naiinis ko nang tanong dito.
Umupo na ito sa tabi nya.
"Kambal? Kakambal mo ako. Kaya paano ko hindi malaman, aber?"
"At paano ko nalaman? Well, siguro nung next day after ng una nating laro. Ang weird mo kasi. Katulad nya."
Sabi nito na nagpatango lang sa kanya.
Tumayo sya at naglakad lakad.
"Sa tingin mo anong dapat kung gawin?"
Hinging opinyon ko dito.
Tumayo din ito at mukhang nahihilo na ata sa ginagawa nya.
"Una. Tumigil ka kakalakad mo dahil nagiging apat na ang mata ko. Pangalawa. Kumalma ka dahil pati ako hindi narin makapag-isip. Pangatlo--"
Sabi nito sabay hinto kaya huminto narin sya sa ginagawang paglakad.
"Pangatlo--ano?"
Pag-uulit ko ng ilang minuto wala na itong dinugtong sa huling sinabi.
"Pangatlo. Matulog kana. Nawala na sa isip ko ang sasabihin ko eh. Bukas nalang, ano?"
Inirapan nya naman ito.
"Ewan ko sayo! May pabitin effect ka rin eh. Nahawa kana ni, Servant Bulaklak. Pero ang totoo talaga wala ka namang naisip. dahil wala naman laman ang utak mo."
"Grabe ka naman ang harsh mo sa kadugo mo. Well, masakit narin ang ulo ko at pagod ako dahil hindi pa ako naka-get over sa ahas na yun. Mauna na akong matulog sayo. Bye!"
Sabi nito at mabilis naglaho sa harapan nya.
Isang malaking buntong hininga naman ang pinakawalan nya.
Ano nga ba ang gagawin nya?
Imposible namang iwasan nya ito dahil nandito sila para sa paligsahan.
Naalala nya ang sinabi nito kanina.
"Kalimutan? Pwedi nga kayang ma-apply nya yun?"
Nagkibit-balikat sya.
Hindi naman sigurong masama kung subukan.
Isipin nya nalang walang nangyari.
Isipin nya nalang walang syang nararamdaman para dito.
Higit sa lahat isipin nya nalang na sana matapos na ang paligsahan na ito para makauwi na sya o para makapag-isip na sya ng tama.
Habang tumatagal ang pananatili nya dito nagugulo narin ang mundo nya.
Hindi lang mundo nya kundi pati ang isip at puso nya.
Ito narin ang nagsabi na 'hindi pwedi'
Mahirap mag-invest ng nararamdaman kung hindi ka naman siguradong magtatagumpay ka sa huli.
Mahirap ng malugmok kapag binigay mo ang lahat lahat tapos sa huli malulugi ka rin pala.
Ang love parang investments.
Walang kasiguraduhan at mabibilang mo lang ang nagtatagumpay sa huli.
Meron ngang akala mo hindi kana malulugi dahil tagumpay kana.
In the end iiwanan ka rin pala.