Mikaela POV
"Servant Bulaklak. Pakikuha ang alintuntunin at basahin sa harap ng mga kalahok."
Utos nito sa kanang kamay.
Mabilis naman itong umalis at bumalik muli.
Napatitig naman sya sa pakpak ng lalaki na kanina ay hindi nya napansin.
Natawa itong binalingan sya.
Kaya mabilis syang umiyas.
"You can touch it, Mikaela kung sa tingin mo ay hindi totoo."
Umiling sya.
"Hindi naman ako interesado. I just can't believed that it is really real. Nanibago ako sa katauhan mo ngayon kaysa sa lalaking laging naka-suit o t-shirt at pantalon. Just don't mind me."
Sabi ko dito na nakaiwas parin ng tingin.
Natatawa parin itong tumango.
Kaloka ang lalaking 'to.
Bakit ba sya nalang lagi napapansin.
Hindi naman sya ang bride to be nito.
But may chance kang maging ikaw diba?
Sulsol ng isip ko.
Pinilig ko ang ulo ko.
I even didn't dream to be a Princess.
Queen pa kaya?
"Ang unang paligsahan na magaganap ay--"
Putol nito sa sinasabi.
Anong problema ng 'Bulaklak' na ito?
Baka hindi naintindihan.
"Hmmm! Ang alintuntunin ng unang laro ay kung sino ang makakakuha ng maraming prutas sa gubat sa pinakamabilis na oras ay ang mananalo. Maghanda na kayo at magsisimula ngayon din ang paligsahan."
Sabi nito pagkatapo ay kinuha nito ang orasan nitong gawa din sa bulaklak.
Hindi naiwasan natawa sya.
Kaya kakambal naman nya ang sumiko sa kanya.
"Oy? Sabi mo behave.."
Sabi nito.
"Maghanda ka, Michelle. Alam kung naguguluhan kapa at baka mahirapan ka. Alam mo ba na ang matatalo ay may kaagarang parusa at hindi mo yun magugustuhan. Isa lang naman ang magiging options mo. Manalo to be my queen or to lost and suffer my consequences."
Baling nito sa kambal nya na bakas na naman ang gulat.
Napailing nalang sya.
Simula ng dumating sila dito.
Parang wala dito ang utak nito.
"Bakit na naman ako? Sabihin ko sayo hindi ako babae at hindi mo gugustuhing makasama ako sa isang palasyo na katulad nito. Oo, ang daming problema sa mundo namin at gusto kong takasan pero mas lalong ayoko dito. Mamamatay ako dito."
Tinapik ko ito.
"Nakikinig kaba? Ang sabi nya galingan mo dahil kung hindi may parusa sa matatalo. At kung manalo ka naman. May premyo ka. Magiging reynang tibo ka."
Pang-aasar ko pa dito.
Inirapan sya nito.
"Sira!"
Tanging sagot nito.
"Kung wala na kayong katanungan ay maghanda na kayo--"
"Agad-agad magsisimula? Walang training?"
Natawa naman sya ng malakas kaya tiningnan sya ng lahat ng mga diwata.
Napatakip naman sya ng bibig at binalingan ang kambal.
"Nakikinig ka nga ba? O nandito kaba o wala? Kambal, kanina pa nagbasa ng alintuntunin si Servant Bulaklak at kanina parin nagsasabi si Prinsepe ng mga diwata na magsisimula na ang laro. Hindi mo parin alam?"
Sabi ko dito.
"Sorry naman. Marami lang akong iniisip."
"Galingan mo para manalo ka at magstay dito. Pag nangyari yun. Wala kanang problema na iisipin."
Napangiwi naman ito sa sinabi nya.
"Ayoko kayang mag-stay dito."
Maktol nito.
"Kapag nandito ako mas lalong marami akong iisipin."
Sabi pa nito at tinapik nya naman ito.
Naintindihan nya ito.
"Kung ganun ay magsisimula na tayo. Handa mga binibini. Takbo!"
Mabilis na hudyat ni Sevant Bulaklak.
Kaya wala sa sarili na tumakbo sila ng kakambal nya.
Nahirapan sya sa unang laro dahil hindi naman nya kabisado ang kagubatan na ito.
Nakapaa pa sya dahil tinanggal nya ang heels nya.
Swerte mo nalang kung makakita ka ng mababang prutas pero malas mo lang kung aakyat kapa.
Dahil unang-una hindi naman sya amasona katulad ng kakambal nya.
Advantage yun ng kambal nya.
Kaya pakiramdam nya ito ang mananalo.
Pero hindi sya susuko.
Wala pa namang laban sa buhay na sinukuan nya.
Naghanap sya ng naghanap.
Nakakita sya ng papaya.
Medyo mababa lamang yun kaya naabot nya.
Sa bandang kalayuan naman ay nakakita sya ng saging.
Kumuha sya ng patpat at inabot yun.
"Patay! Pano ko kukunin ang manga na yan? At yung mansanas."
Masid ko mula sa baba ng puno.
"Ah! Bahala ng mahulog."
Sabi ko at sinimulan ng umakyat.
Nahirapan sya kaya pinutol nya muna ang laylayan ng gown nya para maka-akyat ng maayos.
Alam nyang matatagalan sya pero wala na syang pakialam.
Napangiwi syang nakababa at nakakuha ng isang bunga ng manga.
Ganun din ng mansanas.
Puro gasgas at pasa na ang kamay at paa nya.
Marami na ang dala nya na nilagay nya sa nasirang piraso na gown nya.
Paika-ika syang bumalik sa kaharian nito dala ang mga prutas na yun.
Pagbalik.
Nagtaka sya.
"Wala pa si, Michelle?"
Tanong nya sa Prinsipe habang binibilang ng kanang kamay nito ang mga dala nyang prutas.
"Ikaw palang ang unang nakabalik, Mikaela."
Masayang bungad nito.
Hindi nya naintindihan ang mga ngiting yun kung para saan.
Parang ngiting tagumpay lang.
Maya-maya ay pagod na pagod na dumating ang kakambal nyang may dalang--.
Nagulat sya habang natawa.
"Anong ginawa mo kambal sa gubat at yan lang ang dala mo? Wag mong sabihin nanghuli ka ng baboy ramo o nakipaghabulan sa unggoy para makuha lang ang isang saging na yan.."
Biro ko dito habang pinagmamasdan ang hawak nito.
"Bwesit ka! Anong alam ko sa gubat na yun? At bakit ba ang daming halimaw! I mean ang daming mababangis na hayop. Muntik na kaya akong nahulog sa puno ng mangga dahil nahawakan ko lang naman ang ahas at ang worse. Wala pa akong nakuha kahit isa."
Maktol nito.
Pero bigla din itong naawa ng makita ang itsura nya.
"Oh? Anong nangyari sayo? May gumahasa ba sayong hayop? Bakit ganyan na ang damit mo tsaka--umakyat ka sa puno?"
Tumango sya dito.
"Oo kambal. Imposible mang pakingkan pero mga nasa tatlong puno ang inakyat ko. Kaya ang natamo ko ito. Pasa.."
Sabi ko dito habang pinakita ang mga pasa ko.
"Ngayon ay pareho na kayong nakabalik kaya sasabihin na natin kung sino ang nanalo. Servant Bulaklak?"
Baling nito sa kanang kamay.
Mabilis naman itong pumunta sa harapan.
"Ang nanalo sa unang laro dahil narin sa dami ng bilang na dala nyang prutas at ang may pinakamabilis na oras ay si binibining Mikaela!"
Turo nito sa kanya.
Yumuko sya dito at inakay naman sya ng Prinsipe.
"Dahil ikaw ang nanalo ay may premyo kang matatanggap."
Sabi nito pagkatapos ay sinuot sa kanya ang kwentas na gawa sa bulaklak.
Pagsuot nito yun ay nawala lahat ng galos nya at pasa.
Naging bago narin ang damit nya at gawa yun sa bulaklak.
"Wow! Kambal para kang Prinsesa. Ikaw nalang kaya ang maiwan dito.."
Sabi nito na sinamaan nya lang ng tingin.
"Dahil ikaw, Mikaela ang nanalo ay bibigyan kita ng maayos na silid na matutulugan at mga pagkaing nakasanayam mong kainin sa mundo ninyo."
"Huh? Paano naman ako?"
Maktol ng kakambal nya.
Natawa naman ang Prinsipe.
"Dahil natalo ka, Michelle ay dito ka matutulog at ang mga nakahaing mga prutas ang iyong tanging kakainin. Bibigyan naman kita ng kumot at unan dahil ikaw parin naman ang itinakda. Galingan mo nalang sa susunod. Aking reyna?"
Natawa naman sya sa reaksyon ng kapatid.
Para lang itong masuka.
Nagkumpas ang lalaki at maya-maya ay nasa isang silid na sya.
Maganda at maayos yun.
Iisipin mong wala ako dito at nasa mundo lang nila.
"Nagustuhan mo ba?"
Tumango sya dito.
"Good. Kapag may kailangan kapa. Hawakan mo lang ang kwentas na bulaklak darating ako. Congrats nga pala. Masaya ako na ikaw ang nanalo."
Masayang wika nito.
Pinakatitigan nya ang mukha nito.
Mabilis naman itong umiwas.
Natawa sya.
"Pasensya na. Parang may kakaiba kasi sa iyo ngayon. Wag kang mag-alala hindi ko iisiping para sa akin yun. Isang Prinsipe ka dito at may obligasyon para sa iyong nasasakupan. Tanong ko lang.."
Mabilis naman itong humarap sa kanya.
"Pagkatapos ng paligsahan. Makikita paba kita sa mundo namin?"
Malungkot itong lumapit sa kanya.
"Kapag dumating ang itinakdang panahon. Mahihirapan na kaming makabalik sa mundo nyo. At ito ang itinakdang panahon. Kapag hindi ikaw ang mananalo. Hindi mo na ako kaylan man makikita sa mundo nyo. Dahil kailangan ko nang manatili dito para pagharian ang palasyo kasama ng magiging kabiyak ko.
Bigla syang nalungkot.
Umiwas sya ng tingin dito.
Lumapit ito at hinawakan ang mukha nya para ipaharap dito.
"Don't give me that emotion, Mikaela. Baka mahirapan ako. That's not good for you even for me. Remember what i said nung una kitang kinausap sa condo mo?"
Inalala nya naman yun.
Isang heartbroken ang kakambal nya.
Kaya wala itong ginawa kundi uminom.
Nag-aalala syang hindi ito makontak.
"You need help?"
Rinig nyang nagsalita sa may bakanteng upuan ng pool sa condo nya.
Paano ito nakapasok?
Kakalipat nya lang dito kaya imposible na alam nito.
"Hindi mo kailangan isipin kung wala ka namang makuhang sagot sa akin, Mikaela. Hinahanap mo kakambal mo diba?"
Tumango naman sya.
"Nakita ko sya sa isang bar. Puntahan mo na. Lasing na lasing. Nakausap ko rin sya sa sasakyan bago pa ito tumuloy sa bar. Give her some advice. Pero matigas talaga ulo ng kakambal mo."
Lumapit sya dito at hinawakan ito sa kamay.
"Talaga? Samahan mo ko puntahan sya.."
Sabi ko na hindi manlang napansin ang agwat namin sa isa't isa.
Bigla naman itong nailang na umiwas sa kanya.
Lumayo ng konti.
"Sorry--sadyang nag-aalala lang talaga ako kay, Michelle."
Hingi ko ng paumanhin dito.
Ngumiti ito at hinawakan ang kanyang mukha.
"I know. Pero hindi mo manlang ba tatanungin kung bakit kinakausap kita na parang normal lang ngayon?"
Nagtataka naman sya sa sinabi nito.
Tinanggal nito ang kamay sa mukha nya at humakbang paatras ng konti sa kanya.
"Nevermind. Just forget that i talk to you right now. Consider it didn't happened. But i will help you with your sister. Pero hindi kita masasamahan. And the most important."
Sabi nito at tumalikod na sa kanya.
"Don't give me some emotions. Baka magsisi kalang. Ayokong masaktan ka because of me. Just consider me as Mystery Guy or stalker."
Sabi nito at mabilis na umalis sa harapan nya.
Bumalik ang isip nya sa kasalukuyan.
Did she really felt special towards him?
Umiling sya.
"Alam kong naguguluhan ka sa sarili mo o sa mga nararamdaman mo sa mga taong nasa paligid mo. Lalo sa mga taong special sayo. I didn't consider myself belong to that pero, Mikaela. Isa akong immortal at kahit hindi ko sadyain nababasa ko ang naiisip mo o ang nagpapagulo sa isip mo."
Maya-maya ay sabi nito habang nakatalikod.
"Alam kong wala ako sa lugar para sabihin ito. Pero kahit subukin mong ilagay sa isip mo na wala na. Wala kanang nararamdaman kay Kevin ay alam mong hindi totoo yun. He still have space in your heart at mahal mo pa sya. Hinihintay at hinahanap mo parin sya. Naiinis ka dahil susulpot at aalis din sya. Kaya naiiwang umaasa parin ang puso mong babalik syang muli at hindi na aalis. At si, Jordan? Na-gu-guilty ka dahil hindi mo matumbasan ang pinapakita nyang kabutihan sayo. Kaya sinusubukan mong pilitin sa sarili mo na mahalin sya pero, alam mong isang malaking kahibangan yun, diba?"
Nangagalaiti sya sa narinig.
Paano nya nasasabi sa kanya ang ganitong bagay?
Hindi nya naman alam ang hirap na pinagdadaanan ko.
"Tama na! Pwedi ba?"
Galit na baling ko dito.
"Hindi mo kailangang sabihin yan sa akin. Para marealize ko ang hindi tama na ginagawa ko. Sino kaba? Gaya ng sabi mo wala kang karapatan para husgahan ako sa mga desisyon ko."
Nawala ang inis sa mata nito at lumamlam yun.
"Sorry, Mikaela. Gusto ko lang isipin mo at ilugar ng maayos ang mga taong pinapahalagahan ka."
Umiling sya.
"Wag mo nang dagdagan pa ang problema ko, Michael."
Yumuko naman ito sa sinabi nyang pangalan.
Ang nakikita nyang katuhan dito ay katauhan nitong mortal.
Walang pakpak.
Walang korona.
Walang mahabang tenga at hindi Prinsipe.
"Hindi ko alam kong hanggang kaylan ko pipigilan ang sarili ko, Mikaela. Habang pinipigilan ko mas lalong lumalala and it worst baka makalimutan ko nang hindi pala ikaw ang itinakda."
Sabi nito at bigla nalang naglaho.
Naiwan syang tulala.
Ayaw mag-absorb sa utak nya ang sinabi nito.
Hindi sya tanga para hindi maintindihan yun.
But still she have chance, right?
Pinilig nya ang ulo.
"Ano ba itong naiisip ko? Hindi ko naman sya type, diba?"