Mikaela POV
Akala ata ng kakambal nya ay, expected na nya ang mangyayari ngayon but it's a big 'NO'.
Kahit sya ay gulat at shock sa nakikita sa paligid.
Parang kanina lang eh, masayang nagkwe-kwentuhan sila ni, Jordan.
Speaking of that guy.
Alam nyang sa sandaling yun ay todo alala na ito sa kanya.
Hindi nya kasi talaga alam ang trip ng mystery guy na ito na maraming pagkatao.
Hindi na nga nya alam kung ano ang totoo sa pagkatao nito.
Sobra syang namamangha sa nakikita.
She likes flowers.
Different kind of flowers and it's own scent.
Nakapikit ang matang dinadama nya ang halimuyak ng mga bulaklak ng makapasok sila.
Literal na palasyo yun na puno ng mga bulaklak.
Kung maganda sa labas mas maganda sa loob.
Para syang nasa resort na puno ng mga bulaklak.
"Feel na feel natin, ah? Pag natisod. Eh, di wow! Pagtatawanan talaga kita."
Biro ng kakambal nya at hindi ito pinansin.
Pakiramdam nya naglalakad sya papuntang altar na puno ng bulaklak.
Naging matiwasay ang kanyang isip.
Gumaan yun at kahit sandali nakalimutan nya ang problema nya.
"Oy? Kambal! Gising! Look?"
Tapik nito sa braso nya na nagpagising sa kanya.
Tiningnan ang tinuturo nito.
Napailing-iling lang sya.
Wala namang kakaiba bukod sa naglalakad ata sila sa loob ng kagubatan na sa halip ay puro puno.
Puno yun ng mga bulaklak at mabibilang puno mo lamang.
Puno?
Walang kwarto?
Akala ko ba ang palasyo may silid tulugan din diba?"
Gulat na napatingin din sya dito ng marealize iniisip nito.
"Don't tell me na sa lapag lang tayo matutulog?"
Sabi nito.
Nagkibit-balikat nalang sya.
Siniko naman sya nito ng may naisip na naman atang kalokohan.
"Oy? Wag na wag kang kakain ng itim na kanin, huh?"
Natatawa syang hinarap ito.
"Bakit? Dahil pag kumain tayo. Hindi na tayo makakabalik, ganun?"
Tumango nama ito.
Umiling sya.
"Remember, kambal yung kweni-kwento ko sayo na ang weird nya dahil parang nababasa nya ang iniisip natin?"
Tumango naman ito.
"So, ibig sabihin. Lahat ng iniisip natin masama man o mabuti. Malalaman nya. Kaya kung ano mang iniisip mo. Itigil mo na."
Pangaral ko dito.
Maya-maya ay sinampal nito ang mukha nito.
"Hoy? Anong ginagawa mo. Naloloka ka naba?"
Iling ko dito.
Wala na.
Baliw na talaga.
Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ng nasaktan.
"Aray! Totoo nga! Kala ko nanaginip lang ako."
Maya-maya ay sabi nito.
Napailing sya.
"Ayan! Masakit ba? Lakas kasi ng trip mo."
Sabi ko.
Tiningnan naman sya nito ng hindi makapaniwala.
"Sino ba kasing maniniwala na may nag e-exist pang engkanto. I mean diwata sa mundong ito ang worst may ganitong lugar pala sa Pilipinas."
Sabi nito.
Oo nga sino ang mag-aakalang may ganitong nilalang sa mundo.
Engkanto.
Umiling sya.
Mas magandang diwata nalang.
At mas lalong ang kanilang stalker ay isang prinsipe pala ng mga diwata.
Lahat ng tanong nya noon.
Nasagot nito.
Kahit hindi pa nito sabihin alam nyang.
Makapangyarihan ito.
Nababasa nga ang iniisip nila, diba?
"Maligayang pagdating sa aking kaharian, itinakda at Mikaela. Alam kong hindi ko kayo nasalubong ng bati kanina. Sana ay magustuhan nyo ang pananatili nyo dito. Umupo kayo at kumain muna."
Putol sa kanyang iniisip ng prinsipe.
Umupo na sila at tumabi ito sa kanya.
Siniko naman sya ng kamba nya.
"Oy? May kanin na itim, oh?"
Nguso nito sa nakahapag na itim na kanin at iba't ibang klase ng prutas.
Napapaligiran din ng mga bulaklak ang mesa at mga upuan.
Ngumiti ang lalaki.
"Isang ispesyal na pagkain naming mga diwata ang itim na kanin at lagi itong nakahain sa kahit na anong okasyon."
Paliwanag nito.
"Kaya nga. Special at pain yun sa amin para hindi na makabalik."
Bulong ng kakambal nya na siniko nya naman.
"Tumigil ka. Tandaan mo, wala tayo sa mundo natin. So? Be nice to him. Kung gusto mo pang makabalik. And remember he can read our thoughts and maybe he's capable beyond that."
Bulong ko din pabalik dito.
"Don't worry, Michelle. Hindi ka naman mamamatay dahil wala namang lason ang kanin namin. Higit sa lahat makakabalik kapa naman yun eh, kung hindi ka mananalo sa paligsahan na magaganap ngayon. Mismo."
"Marunong ka palang mag-english, dito? Bakit kanina kapa ang lalim ng salita mo?"
Natawa naman ito sa sinabi ng kakambal nya.
"Sabi ko nga diba? I'm capable of everything and Mikaela is right. Kakaiba nga ako at may kakaibang kapangyarihan din. Kaya sabi ko sayo tutulungan kita sa problema mo kahit tumakas kapa sa mundo nyo. And, yes. Both your parents and their business is okay and stable right now. Kaya wag na kayong mag-alala."
Mahabang litanya nito.
"You also offer that help to my twins?"
Naguguluhang sabi ko.
"At sayo din kambal?"
Gulat din na sabi ng kakambal nya.
"Yes. Dahil kahit magkaiba kayo ng desisyon. Iisa parin ang magiging desisyon ko."
Tumingin sa kanya ang kambal.
"Hindi ka pumayag?"
Tumango ako.
"Alam kong kung ikaw yung sa sitwasyon ko mas gugustuhin mong lumayo but in my opinion. I'm happy to face the consequences in my own. Sanay na ako at higit sa lahat I'm trying. I'm trying to accept Jordan as my husband with my own will. Wala namang masama kung susubukan. Kaya buo na ang loob kung magpakasal, this time."
Sagot ko dito.
"Pero ang tanong. Sigurado kabang yan parin ang magiging desisyon mo pag-alis dito?"
Nagkibit-balikat lang sya.
"Nagulat ba kita, Mikaela?"
Maya-maya ay sabi ng lalaki.
Tiningnan nya ito.
"Nagulat saan. Michael?"
Ito ata ang nagulat na naman sa pangalang sinabi nya.
"Alam mo kung hindi ka komportable sa pangalan mo. I can give you another name."
Maya-maya ay sabi ko dito.
Ngumiti lang ito.
"What if Prince Edward or Prince William. Since, they are real prince like you."
Umiling ito.
Nag-isip naman sya.
"Eh, di. Prince Calla. Since kapangalan yun ng mga bulaklak. Bagay sayo."
"Pwedi."
Maikling sagot lang nito.
"Okay, then. Prince Calla. Okay ba?"
Nag-thumbs up lang ito sa kanya.
Maya-maya ay siniko na naman sya ng kakambal na masayang kumakain ng saging.
"Oy? Feeling close ah?"
Sinamaan ko ito ng tingin.
"Tumigil ka! At itigil mo yang bad na iniisip mo. Kung ayaw mong habang buhay na makukulong dito bilang reyna."
Sabi ko dito.
"Mga binibini. Pagkatapos nyong kumain ay magsisimula na ang inyong paligsahan--"
"Agad-agad?"
Putol ng kakambal nya dito at sinamaan nya lang ito ng tingin.
"Okay? Sabi ko nga. Tatahimik na."
Sabi nito sabay zipper ng bibig nito.
"Ayaw nyo bang galawin ang itim na kanin?"
Pansin ng lalaki sa wala paring bawas na kanin.
Sya kasi okay na sa manga.
Halos sabay silang umiling.
"Pwedi naman siguro na hindi namin kainin, diba?"
Tumango naman ito na ikinangiti nila pareho.
"Alam kong naguguluhan parin kayo sa nangyayari kaya bago magsimula ang pagsubok nyo ay ipapaliwanag ko ang lahat."
Sabi nito sabay tawag ng kanang kamay nito.
"Sya pala si Servant Bulaklak."
Pakilala nito sa kanila na ikinatawa nila pareho ng kambal.
"Akala ko ba quiet. Hindi mo rin pala mapigilan."
Pang-aasar pa ng kambal sa kanya.
Inirapan nya lang ito.
"Pasensya na Prinsipe ng mga diwata."
Hinging paumanhin na ikinangiti lang nito.
"Sa kasulatang ito nakasulat lahat ng katotohanang gusto nyo malaman. At sa huling pahina nito ay may binago ako. Babasahin ko para sa inyo."
Huminto sila sa pagkain at seryosong nakinig dito.
"Dahil sa magandang samahan ng mga ninuno naming diwata at ng mga ninuno ninyong mortal nagsimula ang lahat na napasa ng mga ninuno natin sa kasalukuyan. Naging mahalagang batas na sa aming kaharian ang kasunduang yun at walang sinuman ang pweding sumira."
Unang bungad nito sa pahina nitong hawak.
"Dahil sa tulong na ginawa ng isang mortal para sa aming mga diwata laban sa masasanang nilalang ay binigyan sila ng gantimpala ng maharlikang ninuno namin. At tanging hiniling ng mortal ay maging maayos at matiwasay ang buhay ng kanyang anak. Napagkasunduan na ipakasal ang anak nito sa Prinsesa ng mga diwata ng panahon na yun. Ang anak ng mortal ay may sakit at pinangdidirian ng mga kapwa nito mortal. Bago mamatay ang bayaning magulang nito ay yun ang natatanging hiling nila. Na sa bawat henerasyon nila ay magiging maayos ang buhay at hindi kaylan man mahihirapan. Hanggang sa naging batas yun na kailangan sundin sa paglipas ng panahon at sa kasalukuyan. Ang mortal na yun ay bahagi ng inyong henerasyon, Mikaela and Michelle. Tinatakan ng mga ninuno namin ang itinakda bago pa man sya isilang at yun ang nagiging palatandaan namin."
Mahabang salaysay nito.
"Higit sa lahat. Kaming mga maharlika ay kailangang bantayan namin ang aming mga itinakda. Pero hindi kami pwedi magpakita o tumulong pisikal. Hindi namin pweding pakiilaman ang araw-araw na ginagawa ng mga itinakda. Pero pwedi kaming magbigay payo. Yun ang katotohanan."
Sabi nito.
Pero may tanong parin sa isip nya.
"Kung ganun bakit pati ako nandito, eh? Maliwanag naman sa kasulatan na wala ako dito at tanging itinakda lang."
Ngumiti ito bago nagsalitang muli.
"Dahil may binago ako sa huling pahina ng kasulatan."
"Hindi ba bawal yun?"
Singit narin ng naguguluhan parin nyang kakambal.
"At tsaka bakit ako ang napili? Hindi ang kakambal ko?"
Sunod na tanong nito.
"Gaya ng sabi ko kanina. Pwedi pang mabago ang kapalaran nyo. Dahil yun sa huling pahina. Sa paligsahang magaganap at kung bakit ikaw ang napiling nakatakda? Dahil alam namin na sa inyong dalawa ay ikaw ang huling lalabas at makikita ang mundi. At ang dapat na itinakda ay ang pinakahuling henerasyon. Makikita mo yan sa balat sa iyong paa."
Tiningnan naman nito yun.
Nagulat pa ito dahil ang balat nito sa paa ng hugis puso ay nagkaroon ng oras.
"Para saan ang oras na ito at ngayon ko lang nakita?"
Naguguluhang wika parin ng kakambal nya.
Ngumiti itong muli.
"Yan ang oras at pagitan ng inyong kapanganakan."
"Pero. Hindi mo parin nasasagot ang tanong ko kung bakit pati ako ay nandito."
Tumayo ito at lumapit sa kanya.
Kaya wala syang nagawa kundi tumayo din.
"Sa totoo lang dahil sayo kaya naisipan kong baguhin ang huling pahina at hindi yun ganun kadali."
Naglakad-lakad ito.
"Sa inyong dalawa. Ikaw ang nakitaan ko ng katangian na magiging mabuting reyna sa palasyong ito. Ikaw rin ang madaling makaintindi. Kaya alam kong hindi ka mahihirapan balang araw. Isang mabuti at huwaran sa nasasakupan ang kailangan ng isang palasyo at nasa iyo yun lahat. Inayos ko ang lahat at pina-aprubahan batay narin sa mga pinakita mo. At yun ang huling pahina. Dahil kambal kayo kaya kahit matagal ay naaprubahan yun ng isa pang kaanib ng palasyo namin. Sila ang nagsabatas ng ganitong mahahalagang dokumento sa palasyo. At ang laman ng huling pahina ay ang paligsahan na magaganap ngayon din mismo. Hindi lang isa ang mga pagsubok na pagdadaanan nyo. Marami. Kung sino ay may maraming panalo ay syang hihiranging nakatakda. Naintindihan nyo naba?"
Tumango naman sya.
Kahit parang pinagsakluban na ng langit at lupa ang mukha ng kakambal.