Michelle POV
Kinakabahan na nga sya.
Inaasar pa sya ng kakambal nya.
Hinanda nya ang sarili para sa araw na ito.
Para hindi mapahiya ang pamilya nya.
She always having trouble ng kabataan nya.
Kaya, inayos nya ang sarili para magmukhang babae talaga sa araw na ito.
She broke up with her girlfriend kahit ayaw pa nya.
Cause that's the right thing to do at ang ginagawa nya ngayon.
Hindi nya alam kung tama paba.
"Easy lang, Michelle. Wag kang kabahan. Hindi pa naman tayo ikakasal."
Biro ng lalaking gusto nyang batukan kanina pa.
"Paano ba ako hindi kakabahan, kung lahat ng babae mo present today? Sabi ko sayo diba? Break muna sila. Baka sugurin pa ako nyan. Kahit amasona ako at walang tinatantan. Tingnan mo naman naka-gown at heels ako ngayon."
Bulong ko dito at masamang tiningnan ang mga babaeng walang tigil kaka-pacute dito.
Sinamaan nya ng tingin ang mga ito lalo na ang katabi.
Talagang kinindatan pa.
Pinalo nya ito sa braso at inambahan ng suntok.
"Hoy! Mr. Playboy. Umayos ka! Maraming tao dito. Ayoko kong mapahiya. Mamaya ka talaga pag-uwi."
Banta ko dito.
"Takot naman ako. Ngayon palang under de saya na ako. Matutuwa naba ako dahil may progressive na relasyon natin. Nagseselos ka eh. Effective.."
Paglalambing pa nito sa kanya.
"Effective mukha mo! Umayos ka!"
"Yes, ma'am.."
Saludo nito sa kanya.
"Good evening, everyone. Thank you for coming tonight. Today is a very special day to my twins, Michelle. It's her engagement day and I'm happy to announce in public that her other twins, Mikaela is getting married 2 weeks from now."
Masigapong palakpakan ang binigay ng mga bisita sa kanyang ama.
Dumako ang tingin nya sa kakambal nya.
Parang kakaiba ito today.
Maybe she's trying to be in situation.
Sinusubukan nitong baka magka-feelings din sa mapapangasawa nito.
Masayang nakikipag-kwentuhan ito sa fiance nito.
Tumama ang tingin nila sa isa't isa and nag-thumbs up ito sa kanya.
Sya kaya?
She will be okay nga ba?
Saan naba ang sinasabing tulong ng mystery guy na yun?
Tumingin sya sa paligid baka may mahagilap ang mata nya.
Pero wala.
Baka, paasa din ang lalaking yun.
Sumusuko na ngaba sya kahit hindi nya pa sinusubukan?
Hindi nga ba nya kaya?
But she have promised.
Sasaktan ba nya ang daddy nya.
Makakaya kaya nya?
Dumako ang tingin nya sa amang nagsasalita.
Day by day pumapayat ito.
Bigla syang nag-worry, baka may iniinda na itong sakit at ayaw lang sabihin sa kanila.
Maya-maya tinawag na sila ng parents nila sa harap.
Nilagay nya ang kamay nya sa braso ng lalaki at sabay naglakad paharap.
"Dad, okay lang po ba kayo?"
Sabi ko dito ng maupo kami katabi nito.
"Oo naman, hija. Thanks for your concern."
Maya-maya ay umubo ito.
Kumuha ito ng panyo sa bulsa nito.
Naka-pirmi lang ang tingin nya dito.
Maya-maya.
"Dad? You're not okay! May dugo. May dugo sa panyo. It's getting worse already!"
Takot na sabi ko dito.
Tinakpan nito ang bibig ko para hindi marinig ng iba ang pinag-uusapan nila.
Mabuti nalang talaga at maingay sa paligid.
"Matanda na ako anak. Masaya na akong makita na okay kayo bago ako kunin ni, Lord."
"Ano ba kayo, dad? Wag kayong magsalita ng ganyan. Magpatingin po kayo."
Ngumiti itong tumango sa kanya.
"Pero, pwedi bang secret muna natin sa ngayon? Your mom and sister didn't know it, yet. Ayoko silang mag-alala, gaya mo ngayon."
Tumango sya bilang sagot dito pero maya-maya ay biglang dumilim ang paligid.
Pakiramdam nya hinihigop sya ng isang ipo-ipo.
Pagdilat ng mata nya.
Gulat.
Palasyo ba ito?
Saan?
May ganitong mundo pa palang nag-e-exist sa kasalukuyan?
Takot at pangamba ang kanyang nararamdaman.
Lalo pa ng makitang hindi sya nag-iisa.
"M-Mikaela, andito ka rin?"
Gulat na sabi nya dito.
Ito parang wala lang.
Hindi nagulat sa nakikita sa paligid.
Andito lang naman sila sa isang paraiso.
Paraiso ng kagubatan.
At sa bandang kalayuan ay may nakita silang isang palasyo.
Nasaan ngaba sila?
"Oo, kambal. Andito rin ako. Siguro ito na yung tamang oras na sinasabi ng mystery guy na yun. Ayun sya oh?"
Nguso nito sa lalaking papalapit sa kanila.
Para itong prinsipe dahil sa korona nito sa ulo.
Pero ang suot nito gawa yun sa mga bulaklak.
Kapang bulaklak at pang ilalim nito ay gawa rin sa bulaklak.
Nakabahag kang ito at walang pang-ilalim na damit.
Natatakpan lang ang katawan nito ng kapa na yun.
Shock sya ng may naalala.
"Wag mong sabihin--"
"Pero--hindi pwedi!"
Sabi ko dito at bakas sa mukha ang pag-aalala hindi para sa kanya kundi para sa amang may sakit.
Nangako sya ditong sasamahan ito sa doktor.
"Anong hindi pwedi, Michelle?"
Sabi nito ng makalapit sa kanila.
Gulat na napatingin sya sa kabuuan nito.
Pabalik-balik ang tingin dito at sa kakambal na natatawa sa reaksyon nya.
"Ikaw? Ikaw si, Mystery guy na yun?"
Tumango ito.
"Ano kaba? Bakit mahaba ang tenga mo? At nasaan kami?"
Naguguluhang turo nya dito.
Nawala ang ngiti ng kakambal ng dumako ang tingin nito sa tinuro nya.
So, hindi rin nya pala alam?
Akala ko naman magkasabwat ang dalawang to.
Since, nagpapakita ito dito at never sa kanya.
Natawa lang ito sa reaksyon nya na parang nakakita ng multo.
"Nandito kayo sa kaharian ng mga diwata at gaya ng narinig nyo. Isa akong diwata. Prinsipe ng mga diwata."
Sabi nito.
"Pero bakit nagpapakita ka sa akin at nakikita kita at kabaliktaran naman yun sa kakambal ko?"
Hindi narin mapigilang magsalita ng kakambal nya.
"Dahil si Michelle ang itinakda. Kapag makikita nya ako makikita nya ang tunay na katauhan ko kahit nasa mundo ako ninyo. Kaya ginawa ko ang lahat ng makakaya ko wag lang mangyari yun. At ikaw, Mikaela. Nakikita mo ako sa kaanyuan kong tao dahil sa kagustuhan ko."
Paliwanag nito.
Naguguluhan parin sya lalo sa sinabi nito.
"Anong sinasabi mong itinakda? At anong papel ng kakambal ko. Itinakda rin ba sya?
Umiling ito.
"Isa lang ang itinakda at ikaw yun. Nasa loob ka palang ng sinapupunan ng nanay nyo ay itinakda kana. Kaya simula ng maliit ka palang sinusubaybayan na kita. Obligasyon ko yun bilang magiging kabiyak mo."
"Ano? Anong pinagsasabi mo?"
Sigaw ko dito at lalong naguluhan lang ako.
"Itinakda ka ng kahariang ito bilang maging kabiyak at maging reyna ko sa itinakdang oras at ito ang tamang panahon."
Paliwanag nito.
"Hindi! Hindi maari. Kailangan ako ng daddy ko ngayon!"
Sigaw ko dito.
"Pumayag ka, Michelle. Pumayag kang tulungan kita sa problema mo diba? Kaya ka nandito ngayon."
Umiling-iling akong lumayo dito.
"Hindi! Ibalik mo na ako sa amin. Mas gugustuhin ko nalang ikasal dahil kailangan ako ng daddy ko ngayon. Kung ito ang sinasabi mong solusyon. Ang lumayo. Binabawi ko na!"
Umiling-iling ito.
"Wala kanang magagawa, Michelle. Ito ang tadhana mo. Sa ayaw at gusto mo--"
"Pero, bakit ba pati ako nandito? Kung si, Michelle lang kailangan mo?"
Putol dito ng kakambal nya.
"Dahil may pagbabago sa kasulatan. Magbabago ang kapalaran nyo sa isang paligsahan. Maiiwan ang mananalo at makakauwi ang matatalo. Pero hindi ganun kadali ang pagdadaanan nyo. May kaakibat na parusa ang matatalo."
Paliwanag nito sa kakambal nya.
Pero naguguluhan parin ito.
Kahit naman sya.
Hindi nya maintindihan kung paano nabago ng kakambal nya ang dapat na nakatadhana sa kanya.
Kaso wala namang itong ginawa kundi ang iligtas sya noon at unahin ang kapakanan nya.
"Kung wala na kayong tanong. Sumama kayo sa akin sa loob ng palasyo. Ipapakita ko sa inyo ang aming kaharian."
Sabi nito at nauna ng maglakad.
"Kambal anong sinasabi mo kanina? May alam kabang hindi ko alam? Anong, meron kay daddy at ganun nalang ang reaksyon mo kanina."
Tanong ng kakambal nya habang naglalakad sila.
Umiling sya.
"Wala. Basta, kung sino ang makalabas sa atin dito. I-promise mong aalagan mo si daddy."
Naguguluhan man ay tumango ito.