Chapter 15

2142 Words
Naligo muna ako bago lumabas at sumunod kay Eidrian sa garden. I saw him playing with Athena, my dog. Hindi ko alam kung bakit habang tinitignan ko si Eidrian ngayon pakiramdam ko sumasakit ang puso ko alam mo yung tipong wala naman syang sinasabi o ginagawa pero nasasaktan ako. Alam ko kasi na siguro kahit saan o ano pa man yung marating naming dalawa sa kama hanggang dun lang yon. Minsan tuloy naiisip ko na para na pala akong parausan. But then Eidrian, he will do things to make me feel better. He would always look after me, care for me and be there for me no matter what. Kaya siguro hirap na hirap akong turuan yung sarili ko na kalimutan yung nararamdaman ko kasi kahit ako ayokong kalimutan sa totoo lang, kasi paulit ulit akong umaasa. For eight long years I waited for me and still waiting for him. But now? With everything that’s happening sa palagay ko mas dapat na ako ngayong sumuko. Mukhang mas dapat ko ng sabihan ang sarili ko na wala na talagang Pagasa na makita nya ako ng higit sa isang kaibigan. Eidrian was busy playing with Athena while I am walking slowly towards them. “Dude nahihilo na si Athena kanina mo pa sya pinapaikot ikot,” biro ko sa kanya. Natawa naman sya at saka pi-nat ang bakanteng space sa tabi nya. “Sitdown Calixsha,” naka ngiti nyang sab isa akin. Umupo naman din ako. “I think we need to talk,” seryosong sabi nya sa akin. Tumango naman ako sa kanya. “Are you mad?” tanong nya sa akin. Hindi ko alam kung ano ba yung tinutukoy nya sa tinatanong nyakaya naman umiling ako. “Be honest with me Cali,” seryosong sagot nya sa akin. “Saan naman ako magagalit?” tanong ko sa kanya. Na pa buntong hininga pa sya bago seryosong tumingin sa akin. “Cali do you still like what were doing?” tanong nya sa akin. Muntik na akong ma pa ubo sa sinabi nya. We never talked about this, really. “I don’t know,” sagot ko naman sa kanya. Physically I enjoy what we have and what we are doing pero emotionally No. It’s exhausting, may mga panahon na nagiisip ako habang nasa ganoong sitwasyon kami mapapaisip nalang ako kung habang ginagawa ba namin iyon eh ako pa ba yung naiisip nya. Alam mo yung tipong dahil paulit ulit syang bumabalik sa akin, naiisip ko nab aka may pagasa kami, na baka dahil sa physical connection ay bigla syang makaramdam ng spark alam mo yon? Para akong bat ana umaasa na mapansin at makita. Nakakalungkot. “Then let’s stop this,” sagot nya sa akin. Gulat na tinignan ko siya. Kahit pa nagulat ako hindi ko masyadong ipinahalata sa kanya na nabigla ako sa sinabi nya but I was definitely shocked. “Okay,” simpleng sagot ko sa kanya. Niyakap nya ako ng mahigpit. “I am sorry Cali if you had to go through everything because of me. Hinding hindi na mauulit pa lahat ng nangyari,” sabi nya sa akin habang naka yakap pa din sa akin. Tumango ako sa kanya biglang pagsang-ayon. Hinawakan nya ang pisngi ko. “I am sorry for being so selfish Cali,” he said and then kissed my forehead. I don’t know what to feel anymore. Pakiramdam ko gusto nang kumawala ng puso ko mula sa dibdib ko. “I am sorry na kailangan mong madamay sa lahat ng katarantaduhan ko. I am sorry that I took advantage of you and our friendship,” malungkot na sabi nya. Naguna unahan ang mga luha ko sa pagpatak. Kahit na anong pigil pa ang gawin ko sa luha ko ay hindi ko talaga magawa. Parang gusto ko nalang umiyak ng umiyak hanggang kaya ko. Dahan dahan na pinunasan ni Eidrian ang pisngi ko. He looks so dreamy as I look into his face. His perfectly pointed nose, hawk-like dark brown eyes and his chiseled jaw makes him look like a Hollywood actor. Kahawig nya si Jacob Elordi. “Shhh hush now Cali, everything’s gonna be alright now.” He said as he hugged me again and gently tapped my back. Hindi ko alam kung ano ba yung mararamdaman ko sa sinasabi nya, I am scared of what he might say but I just cant help but hope. Hope that this time ako naman. Among the five of them si Eidrian ang pinaka sikat sa mga babae, siguro dahil may pagkamisteryoso sya at may pagkabadboy ang itsura plus the fact that he is so rude with women. Mabait lang sya sa mga nakakaflings nya but after he’s done with them wala na din sila sa kanya. That is also the reason bakit lagi akong nabubully at napapagtrippan sa campus dahil malapit sa akin si Eidrian, dahil magkaibigan kami at dahil aside sa akin wala ng babae pa na malapit sa kanya ofcourse except Selene. But little did they know that I am also just like them. He’s so near to me yet so far. “I am sorry Cali, itatama ko na ang lahat ng pagkakamali ko. We will start over again okay?” He said again and then kissed my forehead once again. How can you not fell in love with this man? Tell me. We will what? Ngayon lang nagsink in sa akin ang sinabi nya. “Start over again?” nalilitong tanong ko sa kanya. He nodded and then gently smiled at me. He held my face again and then gently and slowly kissed my lips. I couldn’t help but close my eyes and remember the first day we ever did this. “A tama na ang kakainom mo umuwi na tayo please,” I asked Eidrian. Kanina pa kami nandito sa the fort anong oras na din alas sais ng hapon kami nagpunta dito wala pa ngang tao ay nandito na kaming dalawa sinamahan ko syang pumunta dito dahil hindi sya makapunta sa last night ni Selene. Yes, limang araw na ngayon mula nung nawala si Selene dahil sa aksidente. Limang araw na din kaming halos umaga hapon gabi at madaling araw na nasa kung saan saang bar. Nahihirapan akong makita na ganito si Eidrian, hindi naman nya ginusto kung ano yung nangyari kay Selene. Hindi sinasadya ang lahat at alam kong nagging biktima lang sila pareho ng mapaglarong tadhana. “No Cali! Ayoko ng umuwi. Ayokong pumunta sa lahat ng lugar na maaalala ko si Selene. This is all my fcking fault I am going to kill that biiicth!” sigaw nya. Hindi naman kasi talaga sya nakikipaghalikan sa iba nung nakita siya ni Selene. He was actually pushing the girl away. Pero hindi sya hinayaan ni Selene na magpaliwanag dahil sa pagkakaalam ko may problema na silang dalawa nung araw na yon kaya din nag-aya sa bar si Eidrian. “Oo nga, kung gusto mo doon ka nalang muna sa amin. Ipapaayos ko nalang muna kay Manang Elsa yong isang kwarto. Umalis na tayo halika na,” pakiusap ko sa kanya. Naka yuko lang sya habang hawak hawak ang isang baso na may alak pa. “I just wanna see Selene Cali. Gusto ko lang syang makita hanggang sa huling sandal. Gusto ko lang syang makita. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Gusto ko lang syang makita ulit, makasama at mayakap.” Umiiyak na sagot nya sa akin. Ngayon ko lang nakitang ganito si Eidrian. Lugmok na lugmok at walang tigil ang mga luha nya sa pagpatak. Uminom sya ulit at tahimik na tumingin sa puti na kisame. “Selene, I love you baby.” Umiiyak na sabi nya habang sapo sapo ang noo nya. Hindi ko alam kung paano ko syang aaluin dahil sa nangyari. Alam ko kung gaano nya kamahal si Selene, si Selene lang ang kaisa isang babae na minahal ni Eidrian. Pinsan ni Siegfried si Selene at pinagtalunan pa nilang dalawa ng malaman ni Siege na gusto nyang ligawan si Selene dahil kilala naming lahat ang pagkatao ni Eidrian pagdating sa babae. Pero nung si Selene na? ibang iba si Eidrian para syang nagging bagong tao. Lahat ginawa ni Eidrian para mapa oo si Selene, at alam ko na mahal din sya ni Selene. Matagal din ni Eidrian na niligawan si Selene lahat kaming magkakaibigan lagging abala sa mga kung ano anong program sa school or kaya naman kapag valentine’s day dahil kung ano anong pakulo ang ginagawa naming lahat para kay Selene. Ganon kaseryoso si Eidrian kay Selene. Kaya ngayon sa nangyari sa kanila at sa pagkawala ni Selene para ding nawala si Eidrian. Tinawagan ko na nga ang mommy at daddy ni Eidrian dahil ang alam ko sa susunod na buwan pa dapat sila babalik ng Pilipinas pero hindi ko na kasi alam kung paano pa ang gagawin namin kay Eidrian. Nung magsasalin pa sya ulit ng alak sa baso nya pinigil ko na ang kamay nya. “Please Eidrian tara na, umuwi na tayo.” Malungkot na sabi ko sa kanya. Tinignan nya ako sa mata at niyakap. Umiyak lang sya ng umiyak habang naka yakap sa akin. Hindi ko mapigilan na mapaiyak din habang pinapatahan ko sya. Ganito pala yung pakiramdam kapag nasasaktan yung taong mahalaga sayo, parang mas nasasaktan ka para sa kanila. Gustohin ko man na akuin yung sakit na nararamdaman nya eh hindi ko naman magawa. Patuloy lang si Eidrian sa pagiyak habang naka yakap pa din sa akin. Lumipas pa yung ilang minuto at hindi ko na nararamdaman ang pag iyak nya. “Eidrian?” tanong ko sa kanya pero hindi na sya sumasagot ang naramdaman ko nalang ay ang payapa nyang paghinga na medyo may paghikbi pa. Agad kong tinawagan si Mang Tomas para masundo kami. Pagdating namin sa bahay ay inabutan naming si Dad na nasa gate. He looks so worried. Malapit din kasi kay Dad si Eidrian since anak nga sya ni Tito Ace na bestfriend ni Dad para na din syang anak kung ituring ng daddy ko. “Dad,” malungkot kong bati sa kanya at saka itinuro ang lasing na lasing na si Eidrian. Medyo nagkakawisyo wisyo na sya ngayon kumpara kanina, pero tinulungan pa din sya ni Mang Tomas at kuya Eseng na ipasok sa loob ng mansion. “He’s going to be okay anak, matatag ang kaibigan mo he’ll get through with this.” Malungkot na sabi sa akin ni Dad. Tumango naman ako sa kanya. “Pwede po bang sa kwarto ko nalang po sya matulog Dad sa pulling bed nalang po ako matutulog at kahit iwanan ko pong bukas ang pintuan ng kwarto ko. Sa palagay kop o kasi hindi po natin dapat iwanang magisa si Eidrian,” malungkot na sabi k okay Dad. Nagisip naman sya kaagad. “Sa guest room nalang siya Cali, ako nalang muna ang sasama kay Eidrian. Kailangan mo ding magpahinga anak. Pupunta pa tayo bukas ng umaga kanila Siegfried para makiramay at makipaglibing.” Malungkot na sabi ni Dad. Naintindihan ko naman sya, kaya lang nung idadala na nila si Eidrian sa guest room bigla nanaman tong umiyak. “Cali? Cali? Please please samahan mo ako kay Selene,” umiiyak na sabi nya habang hinahanap ako. “Please Cali, I know she’s waiting for me Cali. Selene is waiting for me. I will do what ever it takes just to see her kahit pa ikamatay ko. They can put a bullet in my head for all I care. I just have to see Selene!” umiiyak na sigaw nya. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa buhay ko kay Eidrian. “O-oo gagawa ako ng paraan ha? Pupuntahan natin sya pero bukas na ha? Bukas na pag okay ka na ha? Kasi baka hindi nanaman tayo papasukin ng pamilya nila kapag nagpunta ka ulitr doon ng ganitong itsura. Please A, magpahinga ka muna,” malungkot na sabi ko sa kanya. Umiiling na umiiyak sya. “Hindi ko kayang magpahinga. Hindi ko kayang matulog! Hindi ko kayang pumikit dahil sa bawat pagpikit ko nakikita ko pa din yung naka ngiti nyang mukha sa akin. Cali I can’t do this” umiiyak na sabi nya sa akin, Na pa pikit ako ng mariin habang tinitignan si Eidrian. “Dad please, doon nalang po si Eidrian sa kwarto ko o kahit samahan ko nalang po sya sa guest room? Kaialngan nya po talaga ngayon ng kaibigan,” umiiyak din na sabi k okay Dad. Malungkot namang tumango si Dad at hinayaan kami. Inihatid nila kuya Eseng at Mang Tomas si Eidrian sa kwarto ko. Nagpatulong na din ako sa mga kasamabahy na linisan at bihisan sya. Dalawang araw na ata syang hindi nakaka tulog bukod pa don yung eyebags nya sobrang laki na at parang hindi na sya nabubuhay ng hindi makakainom ng alak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD