AKALA ni Gabby ay iyon na ang una at huling beses na may mabubulyawan si Anton na therapist nito. Pero nagkamali siya. Lumipas ang mga araw at linggo. Walang nakakatagal na therapist kay Anton. Naging mainitin na kasi ang ulo nito sa paglipas ng mga araw na walang improvement ang katawan niya. Kapag lalake ang nakukuha ni Gabby na therapist, pinagseselosan nito at nagiging sanhi minsan ng sagutan nila ni Gabby. Kung babae naman, palagi nitong binubulyawan na kesyo mahina daw at hindi siya kayang maalalayan. Umiiksi na rin ang pasensiya ni Gabby sa mga nangyayari. Dahil maging siya ay nabubulyawan na ni Anton kung minsan. Nagiging matigas na rin ang ulo nito minsan kapag wala siya sa mood. Dahil hindi ito mapakain ni Gabby ng maayos. Pero sa huli, pinipili na lamang ni Gabby na unawain it

