MASAYA si Gabby na nakikipag kwentuhan kay Lucas habang kumakain sila. Maging ang driver ni Lucas ay kasama nila at paminsan-minsan ay sumasali sa usapan. Hindi namalayan ni Gabby ang paglipas ng oras. Matapos kasi nilang kumain, tumambay na muna sila sa isang coffeeshop at masayang nagpatuloy sa kwentuhan. Nawili ito at ngayon lang ulit siya nakalaya. Ngayon lang ulit may nakakakwentuhan, idagdag pang makulit at palabiro si Lucas na kausap. Hapon na nang makabalik sila sa apartment nito. Nag-aalala na rin si Gabby at mahigit limang oras siya sa labas! Inihatid naman ito ni Lucas at driver nila sa tapat ng apartment nito dahil marami itong dala. “Pasensiya na kayo ha? Nakaabala pa tuloy ako sa inyo, lalo na sa'yo, Lucas.” Paumanhin nito na binuksan ang pintuan. “Wala iyon, Ate Gab. I

