KINABUKASAN ay maagang bumangon si Gabby, umarte na walang nangyari sa pagitan nila ni Anton kagabi. Alam niyang nasaktan si Anton kagabi pero ayaw niyang umasa ito nang higit pa sa kaya niyang ibigay. “Good morning. Punasan lang kita ha?” pamamaalam nito na maabutang gising na si Anton. Hindi naman sumagot ang binata sa kanya. Tumuloy ito sa banyo at kumuha ng maligamgam na tubig sa na nakalagay sa maliit na planggana, bimpo maging ang toothpaste at toothbrush ni Anton na dinala sa binata. Inipag niya ang mga iyon sa ibabaw ng mesa bago inabot ang wipes at diaper nito. Naupo ito sa gilid ng kama. Matyagang inasikaso si Anton. Mula sa pagpapalit ng diaper nito. Pagpunas dito sa buong katawan. Pagpapasepilyo dito at pagbihis. “Gusto mo bang magpasikat ng araw sa balcony habang nagkaka

